Kabanata 2: Binibining Clara

11K 346 24
                                    

IBAT-IBANG boses ang naririnig ko sa ibat ibang tao na wari'y nag uusap sa aking harapan. Lord langit naba ito? At Anghel naba ang nasa harapan ko.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili at sinubukang gumalaw.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, medyo nanlalabo pa ito kaya pumikit ako pabalik at minulat muli, maya maya lang ay umayos na ang paningin ko.

Nanatili lang akong nakahiga habang pinagmamasdan ang 'di pamilyar na mga tao sa aking harapan na war' y nag uusap.

"Di pa ba nagigising ang binibini?" tanong nung lalaki na nakasoot ng mahabang lab gown. Ito ba yung doctor ko? Teka..buhay ba ako? Impossible naman-

"Hindi pa po gumigising ang aming mahal na binibini simula nung ginamot mo sya limang araw na ang naka lipas. Dok Glad." Malungkot na sabi ng isang dalaga na sa hula ko ay kasing edad ko lamang. Sino naman to? Anong mahal na binibini ang pinag-sasabi nito?

Ramdam ko ang daliang pag kunot ng aking noo habang pinag-mamasdan ang kabouhan ng silid. Puno ito ng gintong palumuti at puting marmol na dingding na bumagay sa istilo nito. 'at kailan pa ako nagkaroon ng ganitong silid? Hospital ba talaga to or hotel?'

Patuloy lang sila sa pag uusap ng maiisipan kong bumangon pero bago paman ako tuluyan maka upo ay napahawak agad ako sa aking ulo nung kumirot ito. ramdam ko ang mabilis na pagdaloy ng sakit sa kamatawan ko. .

Biglang natigil ang pag uusap ng dalawa at tanging gulat ang expression na tumingin sakin.

Ngayon kulang din napagtanto na marami palang tao sa lob ng silid at wtf lang! Naka 'Maid outfit sila lahat' Oo, lahat sila maliban nalang sa dalawang lalake na ang isa ay kausap ang babae habang ang isa ay nag hihintay lang sa pintuan kasama ang lima(5) babae naka maid outfit din.

Nag simula na akong ma wierduhan sa aking paligid at napagtanto na parang mau kakaiba na nga ito.k. Parang may hindi tama.

UNA mga hinding pamilyar na tao. PANGALAWA yung kapaligiran, hindi pamilyar at ang panghuli ay bakit andaming katulong dito sa loob ng silid, ano ba ako prinsesa? Ano ba ako Gold?.

Bigla silang yumuko nang makita akong nagtatakang naka titig sa kanila, medyo tumabingi pa ang ulo ko na parang kinokwestion ang ginawa nila.

"Binibining Clara! Salamat sa dyos at nagkamalay kana!"Pasigaw na pahayag nito At nagsimulang humagulhol habang naglalakad palapit sakin.

Mabilis pa sa alas kwatro ay agad akong umayos ng upo at kinapa sa tabi ang side table ko, umaasang may mahawakan akong sandata. Bakit nya ako tinawag na Clara? Nahihibang naba sila!?

Pero sa kamalasan ay wala akong makapang kahit anong bagay, sumulyap ako dito ngunit nanlulumo akong makita ang isang halaman at bulaklak lamang ang nakapatong sa mesa.

Tuluyan nang dumating ang babae at talagang umiiyak sya sa aking paanan. Agad nyang pinunasan ang kanyang luha gamit ang sariling palad at ngumiti ng matamis sa akin.

"Binibini alam ko pong ayaw nyu makitang may umiiyak sa harap nyo kaya ipag paumanhin mo ang aking kapangahasan." nakaluhod paring lintana nya. Pinagkunutan ko talaga sya ng noo dahil nalilito na ako, at grabe na talaga ang tama ng mga tao dito. Joke time ba'to may camera ba dito? Tangina yan!

"Binibining Clara kumusta ang iyong pakiramdam?" bilang nagsalita ang lalaking nag ngangalang Dok Glad.

"Sino ka? Sino ba kayo! Bakit nyu ako tinatawag na Clara!" Namamaos ngunit pataas ang tono ng boses ko na agad ikina singhap ng lahat. Gulat na gulat silang napatingin saakin. Pati yung babae na nasa paanan ko ay natumba sa gulat habang ang ibang katulong ay naka takip ang bibig, at ang dalawang lalaki sa silid ay nanatili lamang tahimik at kalmado.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon