Kabanata 28: Salot Sa Emperyo

3.8K 162 6
                                    


"Glad?"

"Si Dok Glad na doktor ng ating tahanan sa emperyo." saad nito.

"Ngunit bakit sya nagsasaliksik? Diba doktor sya?" tanomg ko ulit nagtataka kung pano ito napasok sa paksa.

"Bago sya maging doktor ay isa muna syang bihasang tagasaliksik, pinakausapan ko sya tungkol sa isyung ito na agad nya namang tinanggap lalo nat kabiyak ito ng ating ama." kwento nito at napatango nalang ako sa kanya.

"At pano kayo na kakasiguro na nakikipag ungnayan ang ina sa isang Demonyo? At sa mataas na uri pa?" tanong ko ulit dito at lumapit din ako sa bintana at pinagmasdan ang mga naglalakad na mag aaral sa labas.

"Dahil nasaksihan daw ni glad na bumuo sila ng kontrata  gamit ang dugo. Alam naman natin kung gano kaselan ang pakikipagsandugo, dahil maaring ikamatay ito ng sino mang unang magtataksil." saad nito dahilan para mapatitig ako dito. Diko pa nakikita ang ina ko sa mundong ito, pero kinakabahan ako, nag aalala ako para dito.

Napahawak ako sa sintido ko dahil sumasakit ito sa kakaisip.

" Magusap nalang tayo sa ibang araw, may klase pa tayo, bumalik kana."seryoso kung saad dito at sumangayon naman ito saakin. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko, marahang pinisil pa ito kaya  agad na nag angat ako dito ng tingin..

"Wag sana itong makarating kay kuya, dahil paniguradong malalagay sya sa mahirap na sitwasyon lalo nat myembro sya ng Octagram." nagsusumamong saad nito, di ko man maintindihan pero marahan akong tumango dito.

Tuluyan ng umalis si Cid at naiwan akong nakamasid sa labas. Inayos kuna ang sarili ko nagtungo sa susunod na klase.

Alas nuebe pa naman ito kaya nagtungo muna ako sa kantina para kumain. Pansin ko talaga ang malalagkit na titig nang karamihan saakin. Umorder na ako at naghanap ng mauupuan. Nagkagulo naman ang ilang kalalakihan at kababaihan na gumawa ng pwesto at nais akong paupuin sa pwesto nila pero napailing ko nalang silang tinanggihan, Inikot ko pa muli ang paningin ko, at nakita ko yung babaeng naging guide namin kahapon at magisa lang ito, kaya lumapit na ako dito.

"Pwede maupo?"

"B-Binibing C-Clara? Ahhh sige poo" Natatarantang saad nito, nginitian ko nalang ito, nahiya naman syang nagiwas ng tingin. naalala ko isa rin sya sa sumuko kaninang umaga sa mga pesteng pabigat na yun e halos pumutok na ugat ko dun e. Bilang lang ata ang babaeng napasok sa bilang.

"Maari ko bang malaman ang iyong ngalan?" tanong ko dito habang tinitimpla ang gatas sa baso ko,

"A-Amare po ang aking ngalan binibini," sagot nito saakin na halatang naiilang na, tinanguan ko nalang sya at nagsimulang kumain.

"Ayos lang ba talaga sayo na nadito ako? May hinihintay kabang kasama?" Tanong ko dito kahit wala naman talaga akong planong lumipat kung meron man.

"WALA po binibini, ang totoo nyan ay nahihiya ako sayo dahil di ko naman inaasahan na lalapitan moko kahit ganito lang ako." kunot noo ko naman syang pinagmasdan, parang naintindihan ko na ang mga ganitong sitwasyon. Iling iling nalang akong nagpatuloy sa pagkain.

"Saang kaharian ka naman nabilang at ano ang iyong katayuan at kapangyarihan?" sunod sunod na tanong ko dito at gulat naman itong napatingin saakin. Gusto ko magkwento sya habang kumakain ako para di masagabal ang pag nguya ko.

"M-May nagawa po ba akong kasalanan binibini?" nahihimigan ko ang kaba nya, kaya agad akong umiling at nilunok ang kinakain ko.

"Bawal ba malaman?" tanong ko ulit.

"Hindi naman po.." saot nya rin, di ko na sya sinagot pa at hinintay nalang ang magiging sagot nito. "Galing ho ako sa kaharian ng Ellwe--"

"Elf ka!?"Malakas na sabi habang napatayo pa. Naramdaman ko namang pinagtitinginan kami, yung totoo ay ako lang talaga dahilan para makaramdam ako ng kahihiyan sa sarili, yumuko ako sa kanilang lahat at ngumiti at hinarap muli si Amare."Soo elf ka talaga san yung tenga mo?" interesado talagang tanong ko at sinisilip ang tenga nito pero wala akong makita kasi ang kapal ng buhok nya.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon