DAMIAN.
KASALUKUYAN akong nanood kasama ang Dalawang Maestro na parang nasa isang palabas na gawa ni maestro Fran gamit ang mahika. Nagagawa nitong makita ang lahat na pangyayari sa loob ng gubat. Kakaiba talaga ang nagagawa ng Spatial magic nya!
Ang mga myembro ko ay naka manman lamang sa paligid kasama ang mga pangkat tagaligtas!
At mula rito ay nasaksihan rin namin ang kakaibang husay ng bagong mag-aaral na mga knight. Ang Kapatid ni Eros na si Erza na isang ring Fanalis ay sunod sunod na ang bilang ng napatumba, Tunay na napakali ang agwat sa lakas ng fanalis sa isang normal na tao.
Habang ang kapatid naman ni Arki na si Aira na isang prinsesa, gamit ang Patpat na sandata ay di maitatanging napakahusay rin nito. Sya palang ang babaeng nakikilala kong magaling gumamit ng espada na kayang pumantay sa isang mataas na ranggo na knight.
At ang nakakabatang kapatid naman ni Cale na si Binibining Clara, kahit naiinis parin ako sa kanya ay di ko paring maiwasang hindi mapamangha lalo na ang pinakita nitong talino at pag gamit ng isang B Tier magic na sa pagkaka alam ko ay hindi pa tinuturo ng mga maestro.
Dahil ang pagamit ng naglalakihang mahika ay para sa mga salamangkira lamang, nakaka mangha rin ang Creation magic nito, mukhang ginaya nya ang palaso ko sa una naming paghaharap at nagawang makontrol ito ng hindi nag aaksaya ng enerhiya sa loob lamang ng dalawang taon!
Nakapagtataka lang talaga dahil ayon sa mga kwento ay mahinhin daw ito at laging nag kukulong sa sariling silid. Di nga daw ito namukhaan ng sarili nilang trabahador sa mansyon dahil hindi talaga ito pala labas, maliban nalang siguro sa mga malapit sa duke na tauhan.
Hanggang ngayon ay nakukunsyensa parin ako sa sinabi ko nung nakaraan, nadala lamang ako ng galit at talagang hindi ko yun sinasadya. Hindi naman talaga mabuti at kaayaaya ang ginawa nitong pananakit kahit na isa lamang itong hamak na katulong.
Parte ng prinsepyo ko ang pantay pantay na pagtrato sa bawat tao hanggat itoy kabilang sa sakop ng aking emperyo!
"Napakahusay ng ipinamalas na kapangyarihan ni binibining Clara sa sitwasyon na 'yon." Si Maestro.
"Ohohoho, Tinuturo na ba ang ganyang level ng mahika sa unang taon ng mga estudyante Adam?" Takang tanong ni Maestro Fran dito.
"Hindi pa, yan rin ang ipinagtataka ko. Maaring natutunan nya ito sa kanyang Lolo na si Fredrickson." sagot nya dito?
"Ohoho? Ang dalagang 'yan ay apo ni fredrickson? Kamangha manga! Ibig sabihin ay ito ang tanyag na anak ni William na nagawang maitama ang pagsusulit sa monarkiya?" namamanghang saad ni maestro fran habang nakatingin sa imahe kung saan nagtatago na naman sa isang puno si clara.
" Syang Tunay! Kaya hindi na nakapagtataka dahil natural na matalino itong bata, manang mana sa kanyang ama. " sagot naman ni Maestro adam.
"Boung Akala ko panaman ay papasok ito sa hanay ng mga salamangkira, ngunit pagmasdan mo sya ngayon, nagagawang makipagsabayan sa mga lalaking knights. maaring naimpluwensyahan ito ng kanyang mga kapatid at ama." pabirong sagot ni Maestro fran at nagtawanan sila.
"Ohoho, Oo nga pala, naalala ko, kagabe ay kausap ko ang senior na ama nito tungkol sa pagpupulong natin ay maya't lumapit yang anak nya sa kanya ng may malungkot na mukha, Mukhang galing sa isang away at nadehado pa ata..Nanatili lang itong tahimik na yumakap sa ama, napaka lambing na bata at ang mabait na senior naman ay nagpaalam na saamin upang ihatid ang kanyang unica hiya sa kanyang silid" Mahabang kwento nito.
Halos manigas ako sa kinauupuan ng marinig ko ang usapan nila. At Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mas lalo akong nakaramdam ng konsensya.
Sa kabila man ng masama nitong pag uugali ay tinuruan parin naman akong igalang at erespeto ang mga binibini, lalo nat babae rin ang emperatris na aking ina.
Aminado akong lumapas din ako sa linya, lalo nat wala naman itong ginagawa saakin, ngunit bilang isang prinsepe ay tungkulin kong maging pantay at papanig sa kung satingin ko ay karapdapat panigan, at sa pagkakataong ito ay mali ang binibini.
Napabalik ako sa reyalidad ng magtayuan ang mga maestro at titig na nakapanood sa image na gawa sa mahika kung saan ay ipinapakita nito ang isang babaeng pinapalibutan ng maraming bilang ng studyante.
Nakatayo lang ito sa gitna at mukhang hinihintay pa nya ang paglapit.
Mabilis na umatake papunta sa kanya ang mahigit na sampung bilang ng lalaki, ngunit sa iglap lang ay bigla itong naglaho sa paningin namin at gulat nalang kami sa sunod sunod na pagbagsak nito sa harap nya, at hirap na hirap na naglumpasay sa lupa at di na nakagalaw pa.
Agad namang lumisan ang pangkat tagaligtas at tinungo ang parte na iyon.Bigla akong napatitig dito...
"Ohoho? , Lightning God Steps! Nakakamangha.. Hindi man ito perpekto ngunit napaka mangha na nito para gawin ng isang dalaga ng ganito kahusay! At walang hawak na sandata! Nakita ko na ito dati Kay ginoong Cale! Pero nakamangha parin pagmasdan, para bang laging bago sa aking paningin.." Mahabang papuri ng maestro at tama nga ito dahil Iyon ang espesyal na Kakahayahan ni cale, Ang Lighting God steps!
Pinagmasdan ko uli ang susunod na mangyayari, mukhang nag sasanay at tanging experemento pa lamang ang pinamalas nitong abilidad, dahil mukhang labis ang naaksayang enerhiya mula dito. Humihingal na ito ngayon habang nakatukod ang mga kamay sa lupa. Kahit ganun man ay nakikiramdam parin ang ibang naroon at maingat na linalayo ang sarili.
Tama ang naging disesyon ng mga natitirang knight, hindi porket nanghihingalo na ito ay dapat kanang makopyansa, na maari nyu na ito matalo. Sa digmaan ang pina ka malaking kamalian ay ang isiping panalo kana kahit nanatili pang buhay at buo ang ulo ng kalaban!
Pero sa sitwasyon ng binibini ay mukhang totong nahihirapan na ito. Pinilit nitong tumayo at pinapakalma na ang sarili, maya maya lang ay mabilis na itong umataki at agad na paikot na sinipa ang nasa harap. Mula rito ay nakunan ng mahika ang pagikot nang katawan nung sinipa sa ere bago bumagsak sa lupa.
Gumulong naman ito paharap at tanging gulat nalang sa mga mata nang nakakaharap nito at di na namalayan ang mabilis na pagbasak ng katawan nila sa lupa. Kahit ako ay hindi talaga pamilyar sa uri ng pakikipaglaban nya.
Kaya nitong magpatumba ng malalaking tao ng walang kahirap hirap at nagagawa pang maiangat sa ere. Sunod sunod rin ang pag atake nya at nagsimula namang lumayo ang ilan dito. Mukhang sila ay di rin inaasahan ang pagiging amazona nito sa larangan ng pakikipaglaban.
"Anong uri ng pakikipaglaban iyan?" Biglang napatanong si Maestro fran kay adam. Ngunit tanging pagkunot ng noo lamang ang tinugon nya. "Kakaiba at di ako pamilyar sa ganyang uri ng pakikipaglaban..Napaka bilis ngunit sa kabilang banda ay talagang napaka elegante!"si maestro Fran.
Pero masyado naman nya atang pinipilit ang sarili nya sa pakikipag laban!
Kanina lang ay mukhang malaking bawas ng enerhiya ang nagamit nya dahil sa maling pagkontrol nito At ngayon naman ay pinpwersa nya na ng sarili sa sabay sabay na pagusgod ng kalaban. Nararamdaman kong may hindi mabuting mangyayari at nakakainis lang dahil may paki alam talaga ako!
"Prinsipe Damian? Anong problema."
Nagulat ang dalawang maestro sa biglaan kong pagtayo, ngunit di ako nag abalang lumingon dito. Napabuntong hinga nalang ako para sumagot.
"Pupunta lamang ako sa palikuran. Sandali lamang ako." tipid na sagot ko at di ko na hinintay ang magiging tugon sa paalam at patakbong tinungo ang palikuran.
CLARA.
SA LOOB palang ng isang oras ay pagod ang unang naisip kong nararamdaman ko.
Walang hiya. Bakit ba ang init ng dugo nila sakin at gusto nila akong maalis agad sa magiging bilang ng laro.
Hindi ako maarinh pumayag dahil gusto ko at disedido na ako sa disesyon kong mapabilang sa ranggo ng Top 30 na apprentice knight! At hindi ako maaring matalo agad agad.
Habang nakikipaglaban ay iniikot ko rin ang sarili kung saan ang pinaka rational na paraan kung pano ako makkatakas sa mga bwesit na to. Tatandaan ko talaga silang lahat! Isa pa tong si aira di ko makita kita! Wala tuloy akong kakampi!
Lecheng buhay talaga!
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...