Kabanata 12: Pagsusulit.

4.8K 207 8
                                    

2 YEARS LATER.

DALAWANG TAON narin ang nakalipas mula nung namatay ako at  nadala  sa mundong ito, 17 years old narin ako at dalawang buwan nalang rin at magbabagong taon na naman. Bukas na nga pala gaganapin ang pagsusulit.

Sa loob ng dalawang taong iyon ay marami akong natutunan, kaya kong mag palabas na ng konting mahika, totoo ngang nahihirapan ako rito at hindi biro ang pagsasanay ko sa matandang hukluban na parang hindi ako apo, hindi man lang kinonsidera ang pagiging babae ko bwesit na matanda.

Pero nagpapasalamat parin ako sa kanya. Hindi dahil sa mga pagpapahirap nito ay hindi rin ako matututo bilang tao at bilang mandirigma. Natuto rin akong mag fencing na syang pinagmamalaki ng lahi namin, kahit sa daang daang dwelo ng matanda sa loob ng dalawang taon ay bilang ko parin ang panalo ko, di man lang ito lumampas sa limang daliri. Hindi parin ako makapaniwala na ang isang katulad nya na akala ko pa naman ay nangangatog na ang tuhod ay kaya akong icorner ng ilang beses, este ilang daan!

Pero ang pinaka paborito ko sa lahat ay ang pinaka bagong natutunan kong mahika, para akong stun gun
Na gaya sa dati kong mundo. Nagpapalabas ako ng maliit na kuryente sa aking mga daliri at pag lumapat ito sa iyong balat ay tiyak na di ka makakagalaw sa loob ng tatlumpong minuto.

Napaka tagal na nun pero sadyang natutuwa ako. Feeling ko tuloy especialty ko to, kahit ang totoo nyan ay wala akong magagawa kung bugahan man ako ng bolang apoy ng mga taga demacia.

"Binibini, ito na po ang yung hapunan." kummatok muna ito bago pumasok. Inutusan ko kasi si lena na kumuha nalang ng makakain. Nakasanayan ko na rin. Ayoko naman kasing maglakad na naman patungong hapagkainan ang layo kaya nun. At isa pa gusto ko rin sumabay na kumain sakin si lena. Ayoko naman kasing tumitingin lang sya saakin habang ako ay kumakain.

Naiintindihan naman ito ni ama lalo na ngayon at may pagsusulit bukas. Ang iniisip siguro nila ay nagpapaka lugmok ako dito sa silid sa pagbabasa. At isa pa mabait na katulong si lena, dapat na tinatrato lang ito ng mabuti. Simple lang naman kasi ang ugali ko. I treat you, the way you treated me, ganun lang! Kung masama ugali mo ay masama din ang ugali ko, di lang kita lalamangan dahil ayaw ko pa kumaway kay satanas.

"Binibini, Di ba pagsusulit mo na bukas sa kasaysayan at monarkiya, bat hindi kapo nagaaral ng lubusan?" Nagtatakang sabi ni lena pero syempre di ko sya pinansin at umupo nalang kami sa hapagkainan ng kwarto ko. Ayoko ko kaya mag cramming, rest day ng utak ko ngayon para ma take ng memory ko ng maayos ang mga nalalaman ko, mag skimming nalang ako bukas.

Natuwa na naman ako for today menu kasi isa mga fav ko dito na may kahalintulad sa dati kong mundo. singang na baboy! Ang totoo nyan ay di ko talaga alam kung baboy ba talaga to or ano. Basta lasang baboy sya pero di mataba.

"Ano nga ulit pangalan ng hayop na to lena?" tanong ko dito at tinusok tusok ang karne.

"Ahh iyan po ay Cerdos, mahilig kaba sa ganyang hayop binibini?" tanong nito, humigop muna ako ng sabaw bago sumagot.

"Hindi naman, masarap kasi sya para sa ulam, pero mahilig ako sa mga Perro(Aso)." Natutuwang sabi ko dito. Kahit napag alaman kong allergic pala ako sa mga hayop na to dito. Furr pet lover ako dati tapos dito bawal na, saklap naman putek!, Cute panaman ang mga perro nila dito, nakakita ako ng isa nung namasyal ako sa labas lang ng mansyon, pakalat kalat.

"Ahh mga perro, ngunit bawal ka humawak sa mga ganon binibini." napangiwi nalang ako sa kanya.

"Mahilig ka ba sa mga perro lena? Na excite talagang tanong ko dito. Inubos muna nito ang kinakain sa bibig bago nag salita. At nag simulang mag isip.

"Mmm hindi naman masyado binibini, depende parin sa pagkakaluto." kaswal na sabi nito dahilan para  gulat akong napatayo at pinanlakihan sya ng mata. Sya man ay nagulat rin sa inakto ko. Bwesit na lena, kumakain sya nun?

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon