DAMIAN
Natapos ang laro at kasalakuyan akong naglalakad patungo sa aking opisina kasama ang dalawang maestro na nag uusap sa aking harapan. Tahimik lang akong nakikinig habang iniisip ang mga nagaganap sa emperyo.
"Ang Batang Grosvenor... Napakahusay! Hindi ko aakalain na nagawa na nyang matutunan ang 'mana skin' na isang tanyag na reinforcement spell Na dapat dumadaaan sa isang malupit na pagsasanay." Si Maestro Fran.
"Sang-ayon ako dyan Maestro, ako man ay nagtataka at lubhang namamangha sa ipinakita ng dalaga, kasi kadalasan ay natutunan lang ito pag nasa bingit na tayo ng kamatayan o nasa gitna ng digmaan." si maestro adam.
Totoong nakakamangha ang ipinakita ng dalaga, dahil tanging may karanasan lamang sa pakikipaglaban gaya ko ang maaring makagamit nun sa ngayon. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang kakaibang talino ng dalaga at hilig nito sa pagbabasa ngunit, Posible bang nabasa nya lang talaga ito at natutunan agad kalaunan?
"Ohoho! Nais kong makilala pa nang husto ang apo ni Fredrickson, tunay na hindi lamang puro ganda ng kanilang lahi ang pinapaiiral, kundi Talino! Magnifico!" Masayang saad naman ng maestro.
"Karapatdapat lamang na parangalan ito at e abanse sa ranggo." Dagdag ni maestro fran, na talagang ikinahinto namin ni Maestro adam.
Totoong may kakayahan na nga syang umabanse pero hindi pa iyon sapat at isa pa lamang syang baguhang tapak sa paaralan na ito. Ilang buwan palang rin ang lumipas.
"Mawalang galang maestro, ngunit Hindi pa iyon maari. Ni hindi ko pa nga nakikita na humawak ito ng totoong espada, at hindi bat napaka luge naman nun para sa ibang magaaral. Pinahintulutan nanga itong Umakyat lampas sa isang baitang dahil sa kanyang naging partisipasyon sa monarkiya. " Pagpapaliwanag ni maestro adam. Nakinig naman si Fran at tumitig dito.
" Naiintindihan ko iyon Adam, Oo naiintindihan kita, Ngunit iba ang Talino at galing ng binibining iyon. At isa pa, wag mo sanang kalitgaan na pakikipag espada ang pinagdalubhasaan ng kanilang pamilya." saad ni maestro fran at napaisip naman si Adam.
"Nakapagtataka lamang maestro, dahil ang kwento ng kuya nito ay hindi raw ito mahilig lumabas at mas lalong hindi nito nais ang nasasaktan. Mahiyain daw ito at tanging pagkanta at pagpipinta lamang ang pinagkaka abalahan nito sa kanilang tahanan. Simpleng mahika lang rin ang linalaro ng dalaga, dahil hindi nya rin gusto ang ideya na may nasaskatan sya." Nagtataka talagang kwento ni Maestro adama. Bigla namang napahalakhak si Fran.
"Baka Binibiro kalang ng iyong estudyante." sagot nito at napabuntong hininga nalamang si adam.
Totoong ganon rin ang salaysay ni Cale saakin noon. Pero hindi ko yun pinaniwalaan dahil personal na nakilala ko ang dalaga at ang pag uugali nito.
Bigla kong naalala si Cale na ngayon ay nag mamanman sa sinasabing Kuta raw ng myembro ng Demon Clan.
Pagkarating na pagkarating ko ay mabilis kong isinalampak ang sarili sa sofa at nagtataka namang tumingin saakin si stevan..
"Oh maaga ka ata naka balik, prinsipe? Nagagalak kana ba agad sa mga Tatrabahu-in mo?" Inosenting sagot nito habang tinuturo ang mesa na ngayon ay tambak na naman ng papelis. Bigla akong mas nanlumo sa nakita ko.
"Kumusta pala ang naganap na paunang practical para sa mga apprentice knights? Ano, nasayahan kanaman ba?" Tanong nito.
"Sakto lang." Tipid na sagot ko dito, pero napangiwi lang ito sa naging sagot ko.
Nagpaalam itong kukuha ng maiinom kaya tinanguan ko ito. Ihinig ko lang ang likod ng ulo ko at bahagyang pumikit. Nang maramdaman kong palapit na ito ay nagmulat ako ng mata at ipinatong na ni stevan ang Tsaa na tinimpla nito.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...