"Bat naman ganyan ang mukha mo? Angganda mo panaman ngayon" Natatawang saad nito sa akin.
"Ako na siguro ang magiging maswerting lalaki, pag inaya mo akong sumayaw."Dagdag nya pa habang naka taas ang noo, gulat na napalingon naman ako dito at tinaasan sya ng kilay! Ang Kapal.. ako pa talaga ang magyayaya?
"Asa ka.. ." sagot ko at pinagkrus ang brasong tumalikod sa kanya, narinig ko itong tumawa.
Di ko alam kung sakin lang ba sya ganito, di naman sa naiinis ako sa kanya pero palagi nya talaga akong binibwesit. Pag ako talaga nakahanap ng pambwesit! sinasabi ko sayo.. Lintik lang ang walang ganti!
"Binibiro lang kita bininini. .. Sige ako nalang ang mag-aaya." suhestion nito at nagpunta sa harap ko.
Pero di ko sya sinagot at inambaan na lang suntok, tawa tawa naman itong lumayo..
"Pero seryoso binibini, pag may nagyaya ba sayo sumayaw ay tatanggapin mo ba ito?" nakangiting tanong nito. Umiling naman agad ako.
"Hindi ako nandito para sumayaw.." sagot ko dito at napangiwi naman agad ito halatang dismayado! Natawa nalang ako sa reaksyion nya.
"Eh anong ipinunta mo?" Takang tanong niya habang inikot ang sarili sa lugar.
"Ano bang ginagawa sa piging? Edi kumain! Konti lang kaya ang kinain ko kanina para maparami ako dito.. Aba! Talagang aalis ako pag walang handaan na magaganap dito!" pabirong sagot ko sa kanya, iling iling naman itong sinuri ang kabuuhan ko. Natatawa.
Sa ngayon kahit binubwesit ako nito ay mukhang nakaka sundo ko namn sya habng tumatagal. Napaka kaswal nya makipagusap at ang carefree pa ng personality nya. Yung mga ganitong tao ang dilikado.. I learn my lesson.
"Sayang naman ang damit mo." dismayado talagang saad nito habng sinuri ang kabuuhan ko.
"Sayang ba? Edi Sayo nalang."
"Hindi naman yan bagay saakin." mabilis na sagot nito dahilan para mapapatitig ako. "Alam mo kung ano ang mas bagay sakin?" tanong nya at linapit saakin ang mukha.. Umatras naman ako at di sumagot, nagtataka ko nalang itong tiningnan.
"Ikaw.." pabulong nang sabi nya. Di naman ako kumibo. Halos pamulahan na ako sa banat na'yon. Napakaseryoso kasi ng pagkasabi nito at talagang nakaka dagdag gwapo pa ang husky na boses nya. Iling iling nalang ako ng makabalik sa reyalidad!
Malakas ko itong kinurot sa tagiliran dahilan para mapahiyaw ito sa sakit pero kalaunan din ay tumawa.. Ramdam ko ang paglingon ng mga tao malapit saamin, pero si Syn ay tawa parin ng tawa habang nakaturo sa akin, at mukhang wala pa atang paki alam sa paligid. Baliw talaga!
"Di ko alam na magkilala na pala kayo, at mukhnang magkasundo pa.." sabay kaming napalingon sa babaeng may berdeng mata at pulang buhok.
"Oh Syria, ikaw pala!" wika nito at parang di makapaniwala na makita ang kapatid. Lumingon ito saakin at nakangiting itinuro ang prinsesa .
"Binibini, ito ang aking kakambal Si prinsesa Syria Mohan Drach." pagpapakilala nito saakin. Tipid akong ngumiti sa kanya. Magkapatid ba talaga sila, bat ang layo ng agwat sa ugali.. Nakasoot ito ng itim na gown na bumagay sa pula nitong buhok nakasoot din ito ng gloves na hanngang siko ang haba.
"Syria, Ito naman si Binibining Clara Aysel Grosvenor, sya ay kapa-.."
"Kilala ko na sya kuya." pigil nito sa kapatid at Sinuri ang ang kabuuhan ko at pekeng ngumiti.
"Hinahanap na kayo ng prinsepe ng makapag simula na sa pag parangal." Serysong saad nito at tumalikod.
"Pasensya na sa kapatid ko binibini, Mabait naman yun, hayaan mo at pag sasabihan ko." Nahihiyang saad nito saakin habang napakamot pa sa batok. Tinanguan ko nalang ito dahil wala naman akong paki alam talaga sa kapatid nya.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...