Kabanata 18: Viscount Jones

4K 174 6
                                    

SA Oras nang nakita ako ni lena ay mabilis itong nag pahid ng luha at yumuko. Nakapagtataka talaga ang kinikilos nya kanina pang umaga tapos ngayon maabutan ko syang namumugto ang mata sa kakaiyak?

"Lena, may problema ba?" Tanong ko dito, pero umiling lang ito at nagiwas tingin.

"Wala ito, binibini, wag mo nalang pansinin." sagot nito sakin.

"Pina-pairal mo na naman ang utak mo, lena!" sarcastikong sabi ko sa kanya. At gulat naman itong nag angat ng tingin, di ata sya makapaniwala na pinapagalitan ko sya.

"Po?" sya.

"Mas mabuti pa sigurong wag kana lang manilbihan sakin kung ganyan rin naman ang pakikitungo mo, Pano mo magagawa ng maayos ang trabaho mo kung mayat maya ay iiyak ka sa harapan ko, hindi naman siguro iba sayo na ayaw ko sa mga taong umiiyak sa harap ko? At pano kita mtutulungan kong tinatago mo ito?" Punong puno talaga ng inis ang bawat salitang binibigkas ko habang sya ay maluha luha na namang tumingin saakin.

"binibini.." Nakaluhod na ito ngayon habang ang dalawang kamay ay naka tukod na sa sahig nagsimula naring gumaralgal ang boses nito, pero di ako sumagot at hinanda ang sariling makinig rito.

"D-Dalawang araw na po pala ang lumipas ngunit ngayon ko lamang n-nalaman ang kalagayan ni ina. Nakakulong raw sya ngayon sa bahay ng isang Viscount sa kasalanang di nya naman ginawa at ayon sa rin sa balita ay p-pinagmamalupitan din raw sya nito." humagul gul na talagang saad nito at ako man ay napahawak nalang sa tungki ng ilong ko.

Di ako makapaniwala, na kahit sa mundong ito ay talamak parin ang pagmamalupit sa kapwa tao.

"Tumayo ka riyan at samahan mo ako sa bahay ng viscount na iyon!" sagot ko sa kanya at pumunta sa palikuran para mabilis na maligo.

"P-Po binibini, hindi mo naman po kailangan gawin ito lalo nat ipapahamak mo lang ang sarili." sabi ni lena habang sumusunod saakin.

"Ipapahamak? Di yon mangyayare lena." Seryosong saad ko sa kanya, napasinghap pa ito ng maghubad ako sa harap nya at pinamulahan sya ng mukha bumungad kasi sa kanya ang malusog at malambot nang harapan ko. wala naman akong paki alam dahil nakita nya rin naman ito at pareho naman kaming babae. Agad lang ito nag iwas nang tingin wariy nahihiya. Tinali ko nalang ang buhok ko at ibinababa ang sarili sa Tub.

"P-pero binibini, ayaw ko naman pong masira ang iyong pangalan dahil lang sa isang katulong na gaya ko.." sabi nya, mukha wala nang magawa. Kunot ko syang pinagmasdan ng tingin at napairap nalang sa ere.

"Lena, ang dahilan kung bakit ko gustong maging holy knight ay para makapag lingkod sa bayan, makatulong sa kapwa. At KAPWA! Kung alam mo ang salitang ito ay hindi iyon limitado lamang sa mayayamang tao. Naintindihan mo, at wag mo sanng isipin na sinisiraan ko ang sarili ko dahil hindi ko yon gagawin, ginagawa ko ang bagay na ito dahil kailangan mo ng tulong at kakilala ng pamilya ko ang iyong ina. " mahinang sabi ko, gusto ko kasing maintindihan nya ang bagay na paglilingkod sa tao. Kasi ganun din ang ginagawa ko bilang pulis sa dati kong buhay.

" P-Pero Bin--"

" Manahimik ka. " pagputol ko dito at di na sya nag salita.

LENA POV

GAMIT ang karwahe ay narating namin ang bahay ng Viscount na si Margo Jones, isa syang makapangyarihang  tao, negosyante at may illegal na koneksyon sa droga. Tanging mga mababang tao lamang ang nakaka alam sa kalokohan ng viscount na ito.  Kasi nga ay walang karapatan ang sino mang mababang uri na magreklamo laban sa isang mataas na katungkulan.

Nanatiling nakatayo ang binibini sa tapat ng bahay ng jones habang nanglilisik ang mga mata. Namangha na maman ako sa binibini dahil hindi ito kakikitaan ng pag iinarte habang napapadaan sa mga mahihirap na lugar bagkus ay kinikitaan pa ito ng awa para rito. Ito ang kauna unahang pagkakataon na naka apak ang binibini sa bayan at nakapagtatakang hindi man lang ito tumigil kahit na napapadaan kami sa mgagandang lugar dito sa britannica, yun ang tawag sa centrong bayan dito sa brittanian.

May lumapit na dalawang kawal sa kabilang bahagi at humarap sa binibini, hindi kami nito pinagbuksan at nanatiling lamang nakatingin saamin.

Nagkatinginan ang mga kawal at pabalik na lumingon sa    binibini.

"Napakaganda muna mang binibini, ikaw ba ay isang bayarang babae?" sabi nito na talagang ikinasinghap ko. Liningon ko ang binibini at gulat itong pinagmasdan ang dalawang lalake.

"Gusto mo bang kumaway kay kamatayan." madiin na pagkasabi ng binibini halatang nagbabanta, mukhang galit, bigla itong napahawak sa trangkahan at mas linapit ang mukha dito. Kita ko naman ang pagkasindak ng dalawang kawal at napaatras ng ilang hakbang.

"Mawalang galang sa inyo mga ginoo, ngunit ang iyong kausap ay anak ng Duke sa tahanan ng grosvenor." pumagitna na ako sa kanila at bakas naman ang takot nila at napatingin pa sa dalaga.

"A-Ah ano po ang sadya ng anak ng duke sa tahanan ng viscount?" nauutal at kinakabahang saad nito saakin.

"Papasukin mo ako at haharapin ko si Margo jones! ." Maangas na sabi ng dalaga. Gulat at halatang nasindak ang mga kawal sa uri ng pagkasabi ng dalaga, na wala man lang halong paggalang sa katayuan ng VISCOUNT. bumukas ang trangkahan at tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Diritso lamang ang binibining naglakad patungo sa pinto ng mansyon.

Malakas nya itong binuksan at gulat na napatingin saamin ang mga naninilbihan sa mansyon at ilang kawal na napahinnto sa ginagawa, nandito rin ang hinahanap namin na prenteng nakaupo at nagtatakang napatingin saamin habang hawak hawak ang dyaryo para sa araw na ito.

Di ko pa makita ang aking ina. Dahil wala ata ito rito.

"Ilabas nyo si Aling- ano nga ulit pangalan ng nanay mo?" biglang tanong nito saakin dahil mukhang nakalimutan narin nya ang unang nag alaga sa kanya

"Rita po binibini."

"Ilabas nyo si aling rita, nagyon din!"Ma otoridad na Utos ng binibini sa kanila.

Nagsitinginan naman ang mga tao at mayat ay biglang nagtawanan. Nakitawa narin ang ibang katulong at mga kawal

"Napaka ganda mo namang babae ngunit hindi ito ang tamang lugar para mag patawa." saad ni jones na syang mabilis namang liningon ng binibini, biglang sumilay ang ngiti sa dalaga at matamis na nginitian ang ginoong kaharap nito.

May lumapit na dalawang kawal at hinawakan nila ang binibini sa magkabilang balikat. Ako rin ay nagulat nang may lumapit din saking mga kawal. Nagsimula na akong magpumiglas at marahang sinulyapan ang binibini.

Nakapagtatakang kalmado lamang ito at nanatiling naka ngiti habang naka tabingi ang ulo. Wari bang  pinagmamasdan kung gano sya natutuwa at nagagalak sa kanyang nakikita, bigla tuloy ako nakaramdam ng takot sa naisip.

Natatakot rin naman ako sa pwedeng mangyari sa binibini lalo nat tumakas lamang kami sa mansyon at sumakay ng pambublikong transportasyon. Maari akong magitilan ng leeg sa oras na masaktan man kahit kunting gasgas ang binibini.

Nagsimula silang lumapit sa senior at sapilitang pina luhod ang aking alaga.

"Anot iyong pakay at ikay napadpad sa aking tahanan?" kaswal na sabi ng senior habang binugahan ng usok ang akinh binibini, nagpumiglas ako ng nagpumiglas at natatarantang tinatawag ang binibini. Lubos na pambabastos ito lalo nat anak ito ng mas nakakataas sa kanyang katungkulan! PERO para lamang wala itong paki alam sa ginawa ng senior at seryoso lang nakatingin dito.

"Ilabas mo si aling rita o ilalabas kita sa tahan mo?" Matapang ngunit mahinahon na sabi ng dalaga, agad namang sumilay ang ngiti mula rito nung nakita nyang nasindak ang senior sa sinabi nya.  Naalarma narin ang mga katulong at kawal na nakatutok na ang ispada sa aking binibini.

" Binibini! " Tawag ko sa pangalan nito ngunit hindi man lang ito nag abalang lumingon at dumagungdong ang malakas na tunog sa boung silid! Ako man ay gulat na napatitig sa binibini na ngayon ay naka tabingi na ang mukha at nanatiling nakapikit wari'y iniinda ang sakit. Huli na  nung napagtanto kung sinampal na pala ito.

"Senior! Isa kang lapastangan! Hindi mo kilala ang pinagbuhatan mo nang kamay!" naiiyak na talagang saad ko, wala na akong paki alam kung mataas pa ang katungkulan nito, dahil wala syang karapatan para gawin yun sa aking binibini!

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon