Kabanata 9: Prinsipe Damian

5.3K 219 7
                                    


CLARA

Gulat, pagkamuhi sa sarili ang nararamdaman ko sa oras na ito. Kasulukuyan akong naka upo sa damuhan at gulat paring nakatingin sa kanya na ngayon ay nakahilata parin at tulala. Pati siguro sya ay di agad maka recover sa nangyari.

Gusto kong pagalitan ang sarili dahil hindi ko manlang napigilan ang pagbagsak ko sa kanyang labi! Di ako maka paniwala na ang isang gaya kong tinatawga na sigang babae ay pumalpak lang sa lalaking bwesit nato.

"K-Kalimutan nalang natin na nangyari ito." panimula nito pagkatapos ng mahabang katahimikan. Mabilis itong tumayo at pinagpagan ang sarili. Ako naman ay di makapaniwala sa sinabi nito, ang kapal nya. Di naman sa di ko gusto ang idea, ang sakin lang ay dapat ako ang nag sasabi ng mga bagay na iyon!

"H-Hoy! Ang kapal mo! Dapat ako ang nagsasabi nyan sayo. Ako kaya ang ninakawan!" parang naiiyak na talaga ako. Nawalan ako ng angas.

"Ha!" Napabuga ito ng hininga at tumingin sakin ng hindi makapaniwala" Anong ninakawan, Ako ang iyong ninakawan ng halik!, wag mong baliktarin ang sitwasyon binibining paslit! " Nanggigil na talagang sabi nya. Pero mas nangigil ako.

"Sino kaba sa tingin mo? Kilala mo ba ako ha." mayabang na sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at taas noong tinanong itohabang nakapamiwang.

"At talagang di mo ako kilala o nagpapanggap kalang?" nangaasar na sabi nito. Ang feeling nya.

"Mama mo nagpapangap!" sabi ko at patalikod akong umirap sa kanya.

"Pwes magpapakilala ako sayo, ako si--" Agad ko naman syang pinutol sa pagsasalita.

"Wag na, hindi ako interisado sayo." seryosong saad ko dito.

"Kung ganun ay, ikaw nalang ang magpakilala, at sabahin mo rin agad sakin ang iyong rason kung bakit ka napadpad sa lugar na ito?" Bumalik na sa pagiging seryoso ang boses nya at di alam kung bakit may naraeamdaman akong otoridad sa pagsasalita nito. Napangiwi nalang ako dahil sa malamang ay isa rin itong aristokrata.

Itinuro ko sa kanya yung pinaka matayog na puno na makikita sa kinalalagyan namin at agad nya din naman sinundan ng tingin.

"Yang punong yan, gusto kong makapunta dyan. Naakit ako." Bagot na saad ko dito. Nagtataka naman itong napatingin saakin?

"Bakit may nararamdaman kabang enerhiya mula dyan?" tanong nito, na maypagka seryoso.

"Wala naman, nagandahan lang ako bakit bawal na ba?" mukhang hindi parin ito naniniwala sakin, pinagtaasan ko nalamang sya ng kilay dahil ang kapal nya naman para kwestunin ang sinabi ko.

"Sige, Paniniwalaan kita sa ngayon." tumikhim muna ito bago magsalita. "maari ka nabang mag pa kilala?"

"Ang ngalan ko ay Clai-Clara. Clara Aysel Grosvenor." Muntik pa akong madulas pero napangisi naman agad ako nung bumalatay sa mukha nito ang pagka gulat.

Alam kuna yung ganitong scenario, pagkatapos nya magulat ay yuyuko ito at magmamakawa para patusin ko ang buhay niya. Pero syempre aasarin ko muna sya ng konti, bago patawarin! Bwahaha!

Bigla tuloy ako napakagat labi sa naisip ko.

Maya maya lang mukhang nahimasmasan na sya at akmang magsasalita na ito nang may taong biglang sumulpot sa harap namin at halatang hingal na hingal na ito.

"Nandito kalang pala Prinsipe Damian, kanina pa kita hinapanap Hoo! " Hingal na hingal man ay nagbigay parin ito ng paggalang, mukhang galing sya sa mahabang takbo at lakad.

Nung nag angat na ito ng tingin ngunit nagtama agad ang mga mata namin at bahagya pa itong nagulat nung nakita ako. Nagpalipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa akmang tuturuin pa ako nito ngunit agad kong pinandilatan sya ng mata.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon