Natapos ang lahat ng pang umagang klase at wala kaming ibang ginawa kundi ang ipakilala ang isat isa sa boung klase, baka mamaya sa sword art na paksa ay magpapakilala na naman kami, talagang itutusok ko talaga sa guro ang espada.
Sa Divine arts ay kaklase ko si Amare, sana lang sa sword Art ay kaklase ko rin si Aira! Balita ko ay halimaw daw ito kung humawak ng espada.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang mahabang kahon na nakapatong sa ibabaw ng aking mesa. Ang sabi ni lena ay galing pa daw ito sa lolo ko.
Nagpaalam itong mamasyal sa bayan upang mamili ng tela para sa gagawing pagtatahi nito. Baka daw maubusan na ako ng damit, akala nya siguro kada soot ko ng damit ay kinakain ko pagkatapos, para masabi nyang mauubos ito. Kahit kailan talaga ang OA! Sayang talentado panaman!
Nagdadalawang isip pa talaga akong buksan dahil baka bomba pa ang inilagay ng matandang yun, pero sa hule binuksan ko rin naman agad. Nabitawan ko naman agad ang kahon ng mapansin na ito yung espada nya. Inangat ko ito sa ere marahang winasiwas.
Binibigay nya ba to saakin? Diba to special sa kanya? E kahit tumatae nga siguro ay soot nya to e. Pero ang ganda talaga! Biglang nawala ang lahat ng inis ko sa araw na to at nag niningning ang mata na napatitig dito.
Kapansin-pansin rin na may dinagdag ito dito, dahil iba na ang modelo nito pero pakiramdam ko talaga ay isa lang ang espada na nakikita ko sa kanya at sa hawak ko ngayon. Di ako pwede magkamali..
Sa unang tingin ay mukha itong mabigat pero nang hinawakan ko na ay di naman pala talaga! Baka dahil nasanay na kami sa mga pabigat na binigay saamin. Gusto ko tuloy magtatalon talon sa tuwa ng makitang matulis at nakakatakot ang dulo nito. Kumikinang pa ito sa kintab! Talaga namang aalgan koto. Salamat grandfather kung saan kaman ngayon, sana happy kapa!
Umayos na ako at kinalma ang sarili, binalik ko ulit ito sa kahon, dahil sayang di ko pa to pwedeng magamit. Kahoy palang kasi kami ngayon, next sem pa ata!
Lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang lugar kung saan ang magiging silid namin sa Swords Art.
Isa itong malaking gusali at puro salamin ang dingding. Mula rito ay makikita mo talaga ang loob. Pumasok na agad ako at diritsong naglakad.
"Binibini dito!" nag angat ako ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses ni aira, natuwa naman ako at hinanap ito. Nakaupo ito sa isang bench habang kumakaway sa deriksyon ko, as usual wala itong katabi! Kaya naglakad na ako papunta dito. Napapatingin din saakin ang iba kpng kaklase pero di ko na ito pinansin at naupo katabi si aira.
"Nakakatuwa naman na mag kaklase tayo.." Saad nito habang napapalakpak pa. Napatingin naman saamin ang iba kaya ngitian ko nalang sila bilang paumanhin.
"Maari ba akong tumabi sayo, binibining Clara ng Brittanica." napalingon ako sa tabi ko ng biglang may nagsalita, halos mapaatras pa ako sa gulat ng mapagtantong ito yung babaeng may pulang buhok na tumalo saakin kanina!
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...