DAMIAN."Ayon kay Ichi, May isang kahinahinalang lugar ang natagpuan ng kanyang grupo dito sa bayan nang paaralang magnostadt. Ang saad pa nito ay bawat pagpatak ng alas tres ng madaling araw ay may 'di pangkaraniwang liwanag ang nagmumula sa loob ng isang bahay." Mahinanong saad nito ukol sa inulat ni Ichi na syang membro ng Assasin knights na deriktang nagsisilbi saakin.
Napatigil ako sa pagbabasa at lumingon kay stevan na pormal na nakatayo habang hawak ang isang papel sa isang kamay, duda akong isa itong liham.
Pina-ikot ko ang upuan at hinarap ang labas ng bintana, napaka aliwalas ng panahon, lumalapat na din saakin ang silaw na nag mula sa araw. Inabot ko ang tsaa at mabagal na ininom ito.
"Stevan.. May nakuha kana bang impormasyon tungkol sa ipinag utos ko.?" tanong ko habang di tumitingin sa kanya.
"Opo kamahalan, Nahanap at nakilala ko na ang suspect na iyong ipinag utos." Magalang na saad ni stevan.
"Mainam.."
"Ano po ang nais nyung gawin ko sa kinuhanan ko ng impormasyon, kamahalan? " pag uusisa nito. Humarap ako dito at pinagisa ang dalawang kamay ko habang nakapatong ang mukha ko at tinukod ito sa mesa.
Si Stevan ay matalik kong kaibigan, simula pa nung bata kami, nagsimula ito bilang aking kasakasama sa pag babasa at pag aaral. Kalaunan ay napansin ang kakaibang talino nito at karunungan sa pagbibigay ng rational na abiso at opinyon ukol sa mga bagay na maaring gawin sa isang emperyo kaya agad na kinuha ito bilang aking personal na tagapayo.
Sa likod ng maamo at palangiti nitong mukha ay nakagkubli ang di pangkaraniwnag pag uugali nito, kaya maraming natatakot na kawal at ilang opisyalis sa kanya.
"Gawin mo.. kung anong satingin mo ang nararapat.." sagot ko dito at naglakad palapit sa mga nakatambak na papelis sa kabilang mesa. Magalang namang tumango si stevan at nangiti na parang naintindihan na agad ang sensyalis na gusto kong iparating, pagkatapos nun ay namutawi sa pagitan namin ang mahabang katahimikan.
"Paki abot kay ichi na mas pag igihan pa nya ang pag babantay sa lugar na iyon, binibigyan ko sya ng pahintulot na kitilin ang buhay ng sino mang may ginagawang kababalaghan na makaka sira sa siguridad ng lugar, ayaw kong may madamay pang ibang residente." pambabasag ko at inabot sa kanya ang isang wanted poster na nakita ko na nakapatong lamang kasama ang mga papelis.
Nagtaka muna itong pinagmasdan ito ngunit agad ding napalitan ng gulat at tumingin saakin ng pagkamangha. Sa malamang ay nakita nya ang nakadikit na Lokasyon sa poster na iyon, kung saan matatagpuan ang masamang loob.
Isang itong larawan ng lalaki na napag alamang sindikato at nagbebenta ng alipin na nagtatago sa loob ng bayan. Mukhang maayos narin naman ang naging pamamalakad nito dahil patuloy parin ang rekord ng transaction nya dito, ngunit wala syang kaalam alam na naapakan na nya ang bitag na personal na hinanda ko para sa mga daga.
"Nagyon din ay Pagagalawin ko na ang mga kawal sa ilalalim ng iyong ngalan, napahanga mo na nman ako ngayon prinsepe, akala ko ay nag gagala kalang sa mga nagdaang gabi mong pamamasyal sa bayan." saad nito dahilan para mapangiwi ako. Mayabang ko itong tinanguan at bumalik sa mesa. Pinagpatuloy ko na ang pag pipirma dahil paniguradong mai aayos na agad ito dahil nanadyan naman si stevan.
CLARA
"Lena pahawak ng mga bata." biglang saad ko habang di inaalis ang tingin sa ginang. Nakakunot na ang noo nito ngayon habang masamang naka tingin sa mga bata.
"Magandang umaga? Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, binibini." Magalang na tanong nito habang sinuri ang kabuuhan ko. Ngumiti ako dito bilang ganti.
"Gusto ko lang kumpirmahin, kung ito ang bahay ampunan na tinutukoy ng mga bata?"
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...