Kabanata 11: Milktea In Another World

4.7K 197 5
                                    

CLARA

"B-Binibini san po tayo tutungo." Gulat na sabi nito nang biglang lumiko ako ng landas na daanan. Boung pagkaka akala ata nito ay didiritso kami sa silid!

"Sa kusina" tipid na sagot ko sa kanya. Nagsiyukuan rin ang ibang katulong nang makita ako ngunit linampasan ko lang silang lahat at pumasok sa isang silid. Naroon ang ibang mga tagaluto ruto gulat silang napatingin sa akin ngunit agad din namang yumuko. Akmang babatiin na ako nito ngunit agad ko silang pinagilan gamit ang isang kamay.

Sa tagal ko dito ay napamilyar narin ako sa mga silid ng masyon.. Marami man nagugulat at nagtataka na nakikita akong pagala gala dahil hindi daw pala labas ng silid ang dating may ari ng katawan na ito. Pwes pasensyahan nalang. Di ako maperme sa isang lugar uy, di ko nga alam kong kamaganak ba kami di dora.

"Pasok dali!" Tawag ko dito nung maikita ko syang nanatiling nakatayo lang sa labas ng pintuan."Ikuha moko ng yelo." nagdadalawang isip man ay Wala na itong nagawa at pumasok na para sundin ang ipinag utos ko.

Nakakabilib dahil parang may ref narin sila dito at dahil nanaman ito sa isang magic stone na gaya nga ng mukhang aircon sa kwarto ko. Isa rin itong bato na nakasabit sa maataas na bahagi ng silid. Parang fridge room kumbaga.

Naramdaman ko ang matalas na tinginan ng mga kusinero at kusinera kay lena kaya tumikhim ako dito para agawin ang atensyon nila.

"Ehem! Ayokong magpatulong sa iba, hayaan nyu na po ang aking katulong at ipagpatuloy nyo nalang ang hinagawa nyo." Magalang man ang pagkabigkas ko nun ngunit pinaramdam ko talaga ang otoridad ko bilang isang binibini at anak ng mataaas na taong pinaglilingkuran nila. Mukhang nasindak naman ito at mabilis na yumuko at humingi ng tawad, simpling tango nalang ang ginawad ko sa kanila at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Naghahanap akp ng mga sangkap na gagamitin ko para sa gagawin kong MILKTEA! Oo gagawin ko yun dito.

Nagpa init ako ng tsaa sa isang bagay na katulad ng takuri at sinabay ko na rin ang dahon para bumango ito. Naghanda ako ng gatas at wala akong ka ide idea sa kung anong hayop ito nanggaling.

"Binibini, di ko batid na marunong kapala mag timpla ng tsaa. Napaka bango naman iyan." Biglang sulpot nito sa likod at sinisilip ang ginagawa ko. Nagkibit balikat nalang ako at di sya sinagot. Para walang masabi. Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa. Tinikman ko ang gatas at ganon nalang ang pag ngiwi ng labi ko ng malasahan ito, putek ang asim!

Sinalang ko to sa apoy hanggang sa mag bula bula ito. Naglagay ako ng asukal para tumamis.

"Nakapagtatakang Marunong ka pala sa ganitong bagay binibini" Sabi nito sakin at sinulyapan ko to. Nginisihan ko sya na parang nangaasar pero ang totoo nyan ay naghahanap ako ng mairarason sa kanya.

"A-Ah Nagbabasa ako, Tama nagbabasa ako lena at ginagaya ko lamang ang nasa libro." palusot na sabi ko dito at inabot ang Dalawang mahabang baso. Dahan dahan kong nilagay ang tsaa mula rito. Sinunod ko agad ang gatas na talagang ikinasinghap ni lena at nang ibang kusinero.

" Binibini bat mo hinalo ang gatas sa tsaa? Napaka espesyal po ng sangkap na iyan" Naguguluhang saad nito linibot ko naman ang paningin ko  at talagang napatango tango pa silang lahat sa sinabi ni lena. Sumasang ayon! Di ko nalang sila pinansin.

Hinalo ko ng hinalo ang laman ng mga baso at linagay ang mga yelo na dinala ni lena dito..

linibot ko ulit ang paningin ko sa kabouhan ng kusina at may nakita akong parang straw ngunit gawa sa metal nang mahawakan ay nakapagtatakang napa ka gaan nito. Agad ko tong nilagay sa baso.

Natapos na ang ang milktea na ginawa ko at lahat sila ay naguguluhan na mukhang naninibago sa itsura nito, napangiti tuloy ako dahil mukhang ako pa ata ang mag iimbento ng milktea sa lugar na ito. napaka plain nga nito kasi wala namang boba/sago sa mundong ito! Susubukan ko maghanap sa ibang pagkakataon..

"Sino ang punong tagapagluto ng kusinang ito? Taas ang kamay!" Sabi ko habang naka taas pa ang kaliwang kamay. May nagtaas naman ng kamay at dun humarap sakin ang isang babaeng may edad na.

"Ano ang iyong ngalan?" tanong ko dito.

"Telma po ang aking ngalan mahal na binibini, ano po ang aking maipaglilingkod?" magalang na tanong nito,

Lumapit ito sakin at pinatikim ko agad sa kanya ang isang baso 

Binigay ko naman kay lena ang isa, nagulat pa nga ito at sinabing hindi nya daw ito matatanggap pero pinilit ko ito dahil pasasalamat ko ito sa kanya. Wala naman itong nagawa at ininom nalang.

"Whoaa, mahal na binibini! Napakasarap naman nito! ngayon lamang ako nakatikim ng ganitong inumin!" napahawak pa sa dibdib na sabi ng punong tagapagluto. Humigop ito ulit at napangiti nalang ako dahil halatang nagustuhan nya ang gawa ko. "Napakahusay!"

"Napakalasa nga binibini, ngayon ko lamang napagtanto na bagay pala ang tsaa sa gatas at lalagyan ng yelo!" Nagyayabang ko silang tinignan lahat. Edi bilib kayo?

"Pero binibini, mawalang galang po ngunut ngayon lamang ako naka tagpo ng ganitong inumin. Kakaiba at malasa, Nakakasiguro akong wala ito sa alin  man sa mga aklat na iyong nababasa, dahil nagpapakadalubhasa ako rito. Sa pagluluto." bigla naman akong pinagpawisan sa tanong ni telma,

" A-Ah imbento ko lamang iyan." nauutal at mabilis na sagot ko rito. Bakas ang paghanga ng lahat sa akin pati narin si lena kaya nginitian ko nalang sila pabalik, napasilip na din ang ibang kusinero at gusto rin atang makatikim nito ngunit ipinagdamot ito ng matanda. Natawa nalang ako sa kakulitan nila.

Linisan ko ang kusina at agad namang sumunod si lena. Pagpasok ko sa loob ay nilapag kuna ang ang mga librong hawak ko sa mesa at naupo napahawak pa ako sa sintido ng maramdamn ang pagod.

"Maraming salamat mahal na binibing clara, napawi ang uhaw ko dahil dito." nakangiting sabi nito habang tinataas ang baso, tinanguan ko nalang sya at nakangiting gumayak sa kama, di ko alam pero Nakakataba talaga ng puso pag may napapasaya kang ibang tao. Isa siguro to sa mga rason kung bakit ako naging pulis dati.

Pinaalalahanan ako ni lena habang nag eenjoy kakahigop sa milktea nya. Gusto raw akong makasama sa hapagkaininan ng aking ama at lolo mamayang hapunan.  Di naman ako pwede tumanggi at gusto ko rin naman paunlakan sila kaya sinangayunan ko sya, matik na yun ihahanda nya ako ngbmasosoot.

Sinulyapan ko ang orasan at alas kwatro palang naman, iidlip muna ako.

Di parin ako maka paniwala na gumawa ako ng milktea sa mundong ito.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon