Kabanata 50: Alaala.

2.9K 130 14
                                    

Nanatili akong kinakabahang nakamasid sa lalaking ngayon ay nakipag tagisan sa pakipag titigan. Kunot noo ko itong pinagmasdan habang sya ay parang nauulol na nakangiti sa harap ko.

Nakasoot ito ng purong itim na pantalon, habang nanatiling nakahubad at lantad sa harapan ko ang maganda nitong katawan. Nakasoot din ito nang roba na may gintong lock at chainlike na ornamento sa kamay.

Habang sinusuri ko ito  ay masasabi kong isa itong mataas na tao, di ko lang alam kong saang lugar at kaharian ito nagmula, pero nararamdam kong hindi sya dapat basta-bastang maliitin.

Ngayon ay binabalotan ito ng pinagsamang pula at itim na aura sa katawan. Di ko maiwasang di maging alerto sa mga maari nitong gawin.

Gamit ang isang braso ay sininyasan ko si lena na ilayo ang mga bata. Kahit di ako naka tingin ay ramdam ko ang pag angal at pag aalala nito para saakin.

Namutawi ang mahabang katahimikan..

Kagat labi itong sinuri ang kabouhan ko habang nakatabingi ang ulo. Wari'y nasisiyahan.

"Naalala mo pa ba ako, binibini?" nakangiting tanong  nito saakin.  Boung pagtataka ko itong tinitigan, naguguluhan ako dahil sa uri ng pagkasabi nya dun ay para bang kakilala ko sya. Sa boung buhay ko ata ay di ko sya natatandaan at mas lalong di kilala.

Nanatili akong tahimik at di ito sinagot.

"Ahhh!... Binibini grabe ka naman.." itinono nya talaga yung boses nya na parang naglalambing habang umaakto na nagtatampo.

"Magpakilala ka.." Matapang na saad ko habang pinapanatiling buo parin ang boses ko. Di ko pwedeng ipahalata na hindi ako komportable sa presensya nya dahil tiyak na mas lalo lang ako nito aasarin.

"Mukhang napalakas ata ang tama sayo ng kidlat.. TEKA Ilang taon naba ang nakalipas?" Balik tanong nito habang mapaglarong ngumiti,  mas lalong ikinagulat ko ang narinig  dahil nakapagtatakang alam nya ang naganap saakin.

Impossible, sa pagkakatanda ko ay bawal ilabas ang isyung ito at ipinanatiling tikom ang bibig ng bawat utusan sa mansyon.

"Mukhang di mo talaga ako naalala, nakapagtataka lamang dahil, ako lang naman ang taong dumulong sa iyong kahilingan!" saad nito habang naglakad palapit saakin.

"Kahilingan?" 

"Oo, binibini, ang iyong malungkot.. na kahilingan.." mabagal na sagot nito dahilan para mapatitig ako dito ng mabuti. Sinundan ko ito ng tingin habang nakatabingi ang ulong umikot sa aking boung katawan, sa hindi maintindihang dahilan ay di ako magalaw, tila ba'y pinanigasan na ako ng katawan.

Ano ba ang hiniling nya? Ano ang hiniling nang dating Clara sa kaduda dudang lalaking to? Gusto kong itanong iyon sa kanya pero mukhang nawalan na ako ng boses ay kakayahang magsalita. Napapikit nalang ako sa inis dahil sa labis na pag iisip.

Maya maya lang ay nakaramdam ako ng biglang pagkirot ng aking ulo  dahilan para mapahawak ako ng tuluyan sa lupa, napahawak ako dito at idiniin ang mga daliri sa sobrang sakit! habang nasa ganong posisyon ay may lumabas na mga imahe, isang alaala na hindi nagmula saakin.



Sa isang malawak na kapatagan, ay may isang dalagang  walang saplot ito sa paa ang nakahumpasay sa lupa habang umiiyak.

Hawak hawak nito ang isang kwentas na may kidlat na desenyo sa gitna. at ang kulay pilak nitong buhok ay marahang hinahawi ng hangin. Ang ilang hibla ay basa na at nanatiling nakadikit sa mukha, hindi man lang ito nag abalang tingnang pansin ng dalaga.

"Gu-Gusto kong...." nanghihinang saad ng dalaga habang walang humpay ang pagtangis nito sa sakit na dinadamdam.

Kaharap nito ang lalaking may itim na buhok at mukhang naghihintay sa magiging sunod na sasabihin ng dalaga.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon