Dapit tanghali na nung akoy magising pero di ko alam kong bakit parang maganda ata ang gising ko. Nag unat unat muna ako at napa hikab. Good morning world!Kinuha ko ang suklay at marahang sinuklay ang malago ko nang buhok habang naglakad palapit sa terrace. Ang ganda rin ng sikat ng araw di masyadong mainit at mahangin.
"🎼Handa kong gawin ang lahat, Makapiling ka lang. Walang hihigit Sa iyo... Ikutin pa ang mundo.. Ako'y babalik babalik sayo" Napangiti nalang ako habang napapakanta sa kanta ni moira sa dati kong mundo.
biglang kasing pumasok sa aking isipan ang kahapong paaralan na ginanapan ng Pagsusulit. para bang sinasabi ng isip ko na gusto ko syang balikan ulit, kahit ulitin ko pa ang pag susulit.
"Napakaganda talaga ng iyong boses binibini" naiiyak na wika ni lena na di ko namalayan na nakapasok na pala, di ba sya marunong kumatok, ay Oo nga pala, di na pala sya kumakatok. nahiya tuloy ako. "Mahigit dalawang taon kunaring itong di napapakikinggan, nakakamanghang mas lalo mo pang pinaganda ang iyong tono." naluluha na talagang wika nito. o. a talaga..
"Umayos kanga dyan, ang tanda muna, iyakin ka parin" Sabi ko. nag pahid naman ito ng luha at naka ngiti paring tumingin saakin.
"Grabe kanaman binibini, Bente syete anyos palang ho ako." Sabi nya habang nag pupunas ng luha. "Oo nga pala, Inimbitahan ka muli ng iyong ama sa hapagkainan para mag almusal, meron daw syang balita para sa 'yo!"
"Balita? ano bang meron?" tanong ko dito at nagsimula ng mag ayos, inalalayan naman ako agad ni lena.
"Siguro lumabas na ang resulta ng yung pagsusulit? kinakabahan po ako binibini." sabi nito, at nahawa naman agad ako sa kanya.
"Dapat ako ang mas labahan lena, hindi ikaw! wag ka ngang O. A!" Sabi ko dito pero nang sinulyapan koto ay mas namumutla pa talaga sya sakin.
"Di ko mapigilan e. " hindi ko nalang sya pinansin at lumabas ng silid. halos lakad takbo ang ginawa namin papuntang hapagkainan pero nung nasa tapat na kami nito ay agad naman kaming nahinto. huminga muna ako ng malalim, ganun rin si lena. linampasan ako nito upang magbigay ng pagbati.
"Magandang araw Duke William, narito napo ang Binibining Clara." magalang na sabi nito at bahagyang yumuko. tumabi ito at yun na yung oras para pumasok ako.
lumapit agad ako kay ama at binati ito ng halik sa pisngi.
"Ang lambing naman ng anak ko. napaganda mo nanaman ngayong araw. pasensya na at ngayon lamang kita ulit nakasama sa hapag, marami lang akong inaasikaso sa emperyo." Biglang seryosong sabi nito, pero agad rin naman itong nawala at napalitan ng malaking ngiti.
naupo na ako sa tabi nito at nakapagtatakang di magkasama ang matanda at duke. Pero di na ako nag abalang mag tanong. busy lang siguro.
As usual marami nanamang pagkain sa hapag pero gatas lang ang kinuha ko. Sinulyapan ko ang duke at nakangiti lang itong nakatingin saakin habang umiinom ng tsaa na para bang namamangha. napailing nalang ako sa kawirduhan nya. para syang binatang naka tingin sa crush nya.
"Sabihin muna ama, ano ang iyong ibabalita" Nakangiting saad ko dito habang nag pinapahidan ng jam ang tinapay ko at kinagat. Ngunit tinawanan lang ako nito.
"Gusto kitang batiin sa pagiging pasado mo sa pagsusulit na ginanap kahapon." Gulat akong nag angat ng tingin sa kanya at angat nya ang dyaro na nag lalaman siguro ng balita.
Gusto ko tuloy maiyak dahil mukhang proud na proud talaga sya sakin. Ganito rin kaya yung mararamdaman ni papa nung naabutan nya akong pumasa ng board examination? Hindi ko maintindihan pero alam mo yung fulfillment. Ito pala ang pakiramdam na may nagmamalaki sayong pamilya.
Narinig ko rin ang pagsinghap ni lena kaya sumulyap ako ditp at talagang nag puounas luha na ito. Gaga talaga. inirapan ko nalang sya at hinarap ulit si ama.
Umestra itong gustong humingi ng yakap kaya lumapit ako rito at pinagbigyan sya. Mahigpit ngunit mainit ang yakap na natanggap ko. Puno ng pagmamahal.
Nauna na syang bumitaw at maluha luha pang nagpahid ng luha. Natawa tuloy ako dito.
Masayang natapos ang umagahan naming mag ama. Nagpaalam na syang babalik sa emperyo kasi may gaganaping pagpupulong, agad akong tumango dahil naiintindihan ko ang trabaho nito.
Nanatili muna ako sa labas at nagpahangin. Wala akong nakikitang mga trabahador ngayon dahil pinapanhinga muna sila ng dalawang araw. Naka upo ako malapit sa fountain ng masyon. Dito talaga ako madalas tumambay, maganda kasi sya tingnan.
Sa dati kong buhay ay sa mga parke ko lang ito matatagpuan pero ngayon meron pa sa loob ng bahay, hindi lang isa kundi dalawang naggagandahang fountain ang nasa loob ng mansyon.
Nang magasawa na ang aking mata ay tumayo na ako at nagtungo sa silid na kung saan kami ng sasanay.
Dapat lang na mas pag igihan kopa ang pagsasanay, lalo nat makapasok na ako sa sunod na pasukan ng Magnostadt. Dalwang buwan nalang ang hihintayin ko at makapaglilingkod na ako sa bayan.
Kung tutuosin ay kung di lang siguro humiwalay ang asawa ni william ay masasabi kong perpekto na ang pamilyang ito. Gusto ko ring protektahan sila bilang kinikilala kong bagong pamilya.
Ayaw kong dumating nanaman ang pagkakataon na manganib ang buhay ko at wala akong magawa dito. Pasalamat lang ako nun na di naman pala masyadong masama ang prinsipeng iyon. Ano nga ulit ang pangalan nun? Tch di talaga ako magaling sa pangalan. Napangiwi nalang ako nung naalala ko na naman ang nangyari.
Kinuha ko ang fencing sword at sinimulang pumorma. Mabilis ko tong iwinasiwas sa ere na parang kinakalaban ang ito. Maririning mo dito ang malakas wasiwas ng espada sa hangin. Tumagal halos isang oras ang pagsasanay ko sa sarili at napag desisyunan ko nang huminto. Dumiritso na agad ako sa silid para maligo.
Pagdating ko dun ay naabutan ko si lena parang tangang nagbabasa ng dyaryo, di nya siguro ako napansin dahil tutok na tutok ito sa binasa. Nagulat pa nga ako nung mapalakpak pa ito. Mukhang syang si sisa! Di ko nalangbsya pinansin at dumritso na sa palikuran.
Nag simula na akong maghubad at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Grabe ang laki ko na habang napatitig sa sariling dibdib. Ambilis ko naman atang tumangkad. Malapit na nga kami magka pantay ni lena. Nagkibit balikat nalang ako kasi ganun naman talaga basta nag dadalaga.
Binabad ko ng matagal ang sarili sa parang tub. Di ko alam kong anong meron sa tubig, ngunit nagpapagaan talaga sya ngbpakuramdam lalo nat pagkatapos mo nang pagsasanay. Di ko man lang naranasan ang pananakit ng katawan. Dahil pinaliliguan ko agad ang sarili dito.
Nang makuntento ay agad na akong umahon at nagtapis ng tuwalya. Nagbihis narin ako dito sa loob, dahil nandito naman ang mga panloob na saplot ko. Paglabas ko ay gulat na napatingin sakin si lena pero di ko nalangbsya pinansin. Lumapit ito saakin at hinawakan ang kamay ko at nagtatalon talon.
"Grabe, binibini napakatalino mo naman!" Masayang wika nito pero kumunot lang ang noo ko. Di parin ba sya maka move on. "Akalain mo yun, ikaw ang nangunguna sa listahan ng nakapasa, Sa tatlong libong bata na kumuha ng pagsusulit at sa halos limang daan katananungan na binigay ng monarkiya ay nagawa mong itama lahat ng iyon! Grabe ikaw paba yan binibini?!" Bumibilib talagang pagpatuloy nya.
Ako man ay nagulat sa sinabi nya, imposible naman tama ako lahat. Di nga ako sure kung tama ba ang isinagot ko sa huling katanungan tungkol sa pagpapakatao dahil isa naman tong monarkiya.
Ang Iniisip ko lamang nung oras na yun na kahit mali man ang prinsepyo ko sa ilan ay gagawin ko parin kung anong satingin ko ay tama.
Ipinakita ni lena sakin ang dyaryo at napatakip nalang ako ng bibig sa gulat dahil nandon ang litrato ko na syang nasa.. pangunahing pahina..
Kaya naman pala kakaiba ang ngiti ng aking ama. Di ako maka paniwala.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...