"Binibining Clara, naghihintay napo sa labas ang iyong ama at ang kutserong sasakyan nyu pautungo sa daungan." Magalang na wika ng isang katulong.
Naalarma naman bigla si Lena at dali-daling tinupi ang mga damit at pinasok sa isang malaking maleta. Di nya kasi ito nagawa kagabe dahil uminom kami.
Dumaan na ang isang linggo at binabad ko lang ang sarile sa pagsasanay ng magika at pagbabasa ng kung ano-ano. At ngayon yung araw na makakapasok na ako sa akademya. Sa Akademya De Magnostadt!
Tinangnan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin. Hinayaan ko lang na bagsak ang mahaba ng buhok ko, nag lagay lang ako ng hikaw at isang uri ng choker para sa leeg. Nang makuntento ay malakas akong nagbuga ng hangin at nakangiting hinarap si lena na ngayon ay masayang naghihintay saakin sa labas ng silid. At nagsimula na kaming maglakad papababa.
"Ang tagal mo naman!" biglang sabi ni Cale at masama ko naman syang tinignan. Tatadyakin kopa sana ito dahil malapit lang sakin ngunit agad itong tumakbo sa likod ni ama at dumila.
"Akala ko ba nauna na yan?" Turo ko tukmol at nginisihan lang ako nito.
"Ahh.. Hindi naman sasabay ang iyong kapatid sayo, tutungo pa ito sa Brittania upang bumili ng mga kasoutan, nais lamang nya makita kang umalis." paliwanag ni ama, at sinulyapan ko naman si cale na ngayon ay seryoso nang nakatingin, naglakad ito palapit at pinatong ang kamay nito sa ulo ko.
"Dumiristo ka na agad sa dormitoryo ng mga Binibini Mm?" Sabi nito, tinabig ko naman ang kamay nya at napipilitan nalang akong tumango. Alam ko na kasi ang mangyayari dahil kukulitin lang ako nito.
May mga bagay pa silang pina alala kay lena at ako naman ay di na sila pinansin at sumakay na ng kutsero. Ambait pa ng manong driber kasi inalalayan ako nito maka pasok.
Ilang minuto din iyon at pumasok na si lena at masaya akong nginitian. Huling pumasok ang duke at naupo sa tabe ko habang si lena ay nakayukong nasa harapan namin.
"Basta Lena, wag na wag mo kakalimutan ang mga bilin ko sayo. Marami rami iyon pero aasa akong di moako bibiguin." Mahabang pahayag na naman ni ama. Pati talaga dito kailangan pa ipaalala ulit!
"Masusunod po senior." Magalang na sagot naman nito. Nagpapalit palit pa ako ng tingin sa kanilang dalawa ngunit di man lang ako pinansin, hinayaan ko nalang ito at pinagmasdan ang dinadaan naming magandang tanawin.
Narating namin ang daungan at di man lang ako nainform na sasakay pala ako ng barko. Napangiwi nalang akong pinagmasdan ang kasamo ko.
Mukhang gustong gusto ni lena na sumakay dito, habang ako ay tinitingnan ko pa nga lang ay nasusuka na ako. Nagpauna nang bumaba si lena at masayang pinagmasdan ang mga naglalakihang barko sa daungan.
"Anayare sa Mukha mo anak? Hindi mo ba gusto ang idea ng pagsakay sa barko?" Takang tanong nito saakin. Agad naman akong napaiiling dahil ayaw ko naman sirain ang mood. "Maari naman kitang isakay sa sasakyang pang himpapawid kung iyong nanaisin."Nag aalalang sabi nito, napangiti nalang ako.
"Ayos lang po ako, ang laki ko na nga kaya oh" paburong tinuro kopa ang sarili ko at natawa naman ito.
"Kahit na malaki kana, ikaw parin ang nagiisang princesa ko." lumapit ito saakin at hinalikan ang buhok ko. Bigla naman akong nakaramdam ng pamumula sa ginawa nito.
"Alagaan mo ng mga lalaking kapatid mo, kung kinakailangan ng sermon ay gawin, binibigay ko sayo ang permisong itama ang mga mali nila." Bilin nito sakin at talagang may permiso pa? Pero napaisip naman agad ako sa sinabi nya...ibig ba nito sabihin ay makikita ko na ang bunso ng Grosvenor?
"Mga kapatid? Makikita ko rin ba ang nakakabata kong kapatid doon?" takang tanong ko dito habang inayos ang buhok ko. Pero wala akong nakuhang sagot at tanging ngiti lang ang ginawad nito. Na gets ko naman agad iyon at tatango tangong nag angat ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...