CLARA
"Magandang araw sa lahat ng nandirito" Seryosong bati ng maestro saamin. Kasing edad lang ito ng akong lolo. Nasa likuran akong bahagi ngunit nakapagtatakang naririnig ko ito. Lalona't hindi naman ito sumisigaw. May speaker naba sa mundong ito?
"Simula sa araw na ito ay ayaw ko nang makakita ng may kukupad kupad sa ilalim ng aking gabay! Ang isang knight ay ALERTO! Ano mang oras ay possibleng may magaganap na panganib alin man sa lokasyon, kalagayan o level ng kapahamakan." Mahabang pahayag nito habang kinukumpas pa ang kamay sa ere." Upang maging ganap na Holy Knight ay nararapat lamang na isumpa nyu ang iyong katapatan at buhay sa emperyo!" Dagdag pa nito at sa hindi alam na dahilan ay napasinghap ako, hindi sa gulat ngunit sa galak na nararamdaman ko.
"Ngayon, ipakita nyu saamin ang iyong tindig! ATTENTION!" Sigaw nito na talagang halos bumingi saakin pero di ako nagpasindak at agad na umayos ng tayo. Isa isang nagsilapitan ang mga membro ng Octagram at sinuri ang mga tindig.
"Kuya?" Usal ko at seryoso lang itong naglakad patungo sa deriksyon ko at di umimik, nginiwian ko nalang ito at ng makalapit ay pilit nyang inayos ang maayos ko nang tindig, tinulak nya ang likod ko patalikod kaya medyo na bend backward ako sa pusisyon ko. Inis ko lang syang tinignan habang linalampasan ako at nagpipigil ng tawa.
Siraulo!Akmang aayusin ko na ang katawan ko ng may umayos nito para saakin.
"Para kang tanga sa posisyon mo, hindi mo nakikita na ikaw lang ang naiiba?" Sabi na talagang ikinaamang ng bibig ko, at ikinagulat ng boung pagkatao ko, agad naman akong nakabalik sa wisyo at umayos ng tayo.
"P-Paumanhin Sir!" napipilitang saad kopa, tawagin ba naman akong tanga, abay gago to ah! Di ko nalang sya pinansin, ngunit agad naman kumunot ang noo ko habang napaisip,dahil pamilyar saakin ang ginto nitong buhok at mata.. di ko lang maalala kung saan at kailan ko ito nakita..
"Mali din yang paa mo. Ayusin mo." masungit na sabi nito saakin at sinipa ng mahina ang paa ko para bumuka ito ng kaunti. Nanadya na ata to e! Kilala ko ba to?
Hoo! Himinga ako ng malalim at bumuga, at Dahil mabait ako ay pagpapasensyahan ko muna sya lalo nat nakakataas ito saakin.
" Sungit" mahinang bulong ko sa hangin habang napairap sa ere.
"May sinasabi ka?"
"Wala" sagot ko at tinignanan naman ako nito mula ulo hanggang paa. Pamilyar talaga!
Laking pasalamat ko nalang talaga ng umalis na ito sa harapan ko at lumipat sa ibang studyante.
Nang matapos sila ay nagsibalikan na sila sa kani kanilang pwesto at nandun narin ang kuya kong siraulo na seryoso lang na nakatingin sa harapan.
"Ngayon ang gagawin nyu ay isusuot nyu ang mga bagay na ito!" mahinahong saad nito habang ina- angat nito gamit ang daliri ang mga, mukhang bracelets at anklet.
"Ang mga ito ay bagong modelong pabigat na likha pa mula Demacia upang sanayin ang katawan na magbuhat ng mga mabibigat na bagay. Ang bigat nito ay di bababa sa limampung kilo bawat isa!" Kaswal na saad nito na para bang anggaan lang nito sa kanya. Lalong nagsinghapan ang lahat ng mapagtanto ang bigat na hawak nito sa kanya lamang mga daliri lalo nat apat na hoop lahat nito.
Binigay nya ito sa lalaking katabi nya at nakapagtatakang pumorma itong parang ibabato ang bagay na iyon sa kalapit na malaking bloke ng bato.
Malakas nya itong tinapon patungo dun at napasinghap ang lahat ng bumaon ito at nagsimulang bumitak ang bato at nagbagsakan sa lupa.
Dahil sa nakita ko ay napagtanto ko na tunay ngang mabigat ko bagay na iyon. Di ako makapaniwala na may malalakas na tao parin akong nakakaharap ngayon, kaya mas lalo akong ginaganahan.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...