Kabanata 10: Ang Mga Kaharian

5.4K 200 3
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas nung huling pagtatagpo namin nung nakilala kong prinsipe, ipanag dadasal ko talaga na hindi sya galit, dahil baka mamaya nyan ay may susundo saking mga kawal at dalhin ako sa kartel(Kulungan) or worst gitilan ng leeg.

Napasapo nalang ako sa noo dahil pakiramdam ko tuloy nahahawa na ako kay lena. Nagpa kwento ako sa kanya sa nangyari at wala akong makuhang matinung sagot sa kanya. Kinukulit lang ako nito na hindi daw sya makapaniwala na natuto na raw ako maglandi! Upakan ko kaya sya?

At isa pa walang akong kai edi idea kung saang kaharian nagmula ang prinsipeng iyon.

Ayon kay lena ang ngalan ng emperyong tinatapakan ko ay Britannian empire at meron itong pitong kaharian na nasasakupan.

Sa ngayon ay naglalakad ako kasama si lena patungong silid aklatan upang simulan ang pagaaral ng historya at monarkiya, yung ang goal ko sa ngayon, kailangan ko ipasa yun.

Nakuha ko narin ang pahintulot ni ama. Nag aalala man ngunit sinabi kong gusto kong mag lingkod sa bayan gaya nila ni lolo. Gusto kong ipagpatuloy ang pagiging pulis ko.

Nag siyukuan ang mga tao sa silid aklatan nung nakapasok ako dahilan para napahinto ako. Nahihiya parin ako sa ganitong pakikitungo kailan ba ako kasi masasanay. Ngumiti nalang ako sa kanila at nagpatuloy.

Mag hahanap na sana ako ngunit may lumapit saking dalawang babae.

"Binibini naka handa napo ang iyong mga aklat para sa iyong aaralin." at tinuro nya yung lamesa kulay puti at may mga librong nakapatong dito.

Napanginiti nalang ako dahil ang supportive naman ng erpats ko sa mundong to.

Ngumiti ako sa kanila at nag pasalamat. Nagsimula na akong mag basa. Nakaka mangha na may ganito palang mga bagay na gaya ng mahika ang nandito. Nakakamangha grabe. Ayon sa aklat may pitong kaharian na pinamumunuan ang britannian empire, loka loka at O. A nga si lena pero may pagkakataon na tama naman sya. Ililibre ko nalang sya milktea.

Ito ang mga kaharian na napaloob sa emperyo.

DEMACIA- isang militaryong kaharian. Kaharian ito ng mga matatapang at malalakas na tao. Nakapagsasabing magaling silang gumawa ng mga sandata at kahit anong kagamitan na may koneksyon sya pakikipagdigma. Isa itong Strong magic region na tahanan ng maraming bulkan at kumukulong lawa. Apoy ang dominant na kapangyarihan dito.

OCEANUS- nakikilala ito bilang kalmadong mga nilalang na maihahantulad sa kalamadong tubig  ngunit di maipagkakaila na mabagsik gaya ng alon kung magalit. Tahanan ito ng mga serina at naglalakihang nilalang ng karagatan. Tubig ang dominant na kapangyarihan dito.

CHIONE- nakalaad na di kayang makapasok ang sinumang normal na mamayan sa loob ng kaharian maliban nalang kung ikaw ay mamayan ng kahariang ito na ito. Napakalamig ng klima dito na pag pumasok ka ay maari mong ikamatay lamang sa sampung segundo. Kaya nilang komuntrol ng yelo.

ALABASTA- ang kaharian ng deserto, kilala sila bilang mga agrisibong mandirigma, gaya nga ng Demacia ay mataas din ang init dito. Kaya nilang manipulahin ang buhangin at gamitin ito sa pakikipaglaban.

TERRASEN- Tinatawag ring nature kingdom, sila yung mga taong kumokuntrol ng halaman at lupa. Tahanan rin ito ng pinakasikat na mistique forest na tahanan ng mga engkanto.

Eyllwe- Naninirahan sa ilalim ng gabay ng terrasen ngunit nererespeto ang pagiging independente nito. Sumusunod lamang sila ng utos ng emperador. Tahanan ng mga elves.

CYCLONIUS - Ang lumulutang na kaharian, na naka tayo sa ibabaw ng Oceanus at Chione natatakpan ito ng napaka kapal na ulap, tanging may pahintulot ng hari o ang nakaupong prinsepe lamang upangbmaka pasok sa kaharian na ito.

Nakakamanghang isipin na may ganito palang mundo kung saan ay nakiki alam ang gravity ba talaga o ito ay hangin? Kaya nagbasa basa pa ako ng mas malalim.

Naging madali para sa akin ang pag intindi sa araling monarkiya dahil napag aralan kuna rin ito dati,  magmula sa katayuan at responsibilidad ng mga matataas na tao. Mula sa hari hanggang sa baron na syang pinaka mababang titulo ng bawat kaharian ngunit hindi maitatanging isa parin itong makapangyarihang nilalang, Maayos din ang mga batas ngunit nakapagtataka lamang na parang di masyadong malawak ang batas pantao.

Sabagay isa nga pala itong monarkiya! Mas mataas ang katungkulan, mataas ang respeto. Wala rin naman pinagkaiba sa dati kung mundo.

Meron din namang pagkakatulad ito sa mundo namin katulad nalang nung irresponsableng paggamit ng kapangyarihan sa pampublikong lugar, ito ay maiihahantulad sa baril na tanging mga rehestrado lamang mula sa opisina ng pulisya.

Nag unat ako nung makaramdam ko nang pagod ang utak ko. Nakaka refresh talaga ng memory ang mga ganitong basahin.

Nilisan ko ang silid at ngayon ay naglalakad ako sa pasilyo bitbit ang mga libro na ipinabasa sakin.

"Mahal na binibini, kumusta ang yung pag aaral." muntikan pa akong mapatalon ng biglang magsalita si lena. Nagtataka ako kung bakit pa sya nandito. Impossible namang hinintay ako nito e ilang oras ata ako nagbasa dun.  Wala pa nmang upuan sa labas, wag nya sabihin na nakaya nyang tumayo sa labas ng ganong katagal.

"Bat mo pa ako hinintay. Di ka ba nangangalay dyan?" Tanong ko dito.

"Ah Wala po 'to binibini, nakasanayan na po." pero nanatili parin akong napakunot ng noo. Ang iniisip kopa naman ay bumalik ito sa silid ko pagkatapos nya akong hinatid kanina.

"Sa susunod ay pumasok karin sa loob at magbasa." sabi ko dito at nag simulang maglalakad. Naramdaman ko namang sumunod ito.

"Naku hindi po maari yun, wala pong karapatan ang isang hamak na katulong para makapasok sa loob ng silid na iyon, maliban po sa inyong mga aristokrata ay  Tanging mga skolar at silid bantay lamang ang pinahihintulutan sa loob." Sabi nito habang naka ngiti.

Di ako maka paniwala na kaya nyang ngumiti kahit na tinatapakan na ang karapatan nitong matuto.

Napabuga nalang ako hininga at ang paningin ko ay nanatili parin sa daan.. Gaga talaga!

Di ba nya alam na nakaka konsensya sya. Lord patawarin  nyupo sana ako sa magagawa ko kay lena!
Hapang naglalakd ay napahawak nalang ako sa sariling noo. Nakakaramdam narin ako ng bahagyang pag init ng katawan. Siguro sa klima

Sinilip ko ang langit at tirik na tirik ang araw, bahagya muna akong napa isip. Iniisip ko kong ano ba ang normal na ginagawa ko sa ganitong mainit ang panahon. Ayos lang naman sa silid nalang dahil malamig dun pero gusto ko rin namang pasalamatan si lena sa pagiging mabuting katulong.

Parang alam ko na ata ang sagot para rito.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon