Kabanata 35: Dating Kilala

3.3K 175 12
                                    

CLARA

Natapos na ang klase at decente naman itong mag turo, maliban nalang sa ginawa nitong pagtapon ng espada saakin. Medyo nabuhayan ako dun! Sa pagsasanay ko sa ilalim ng matanda ay ilang beses na rin akong kumaway kay kamatayan. Kaya hindi na bago sakin ang ginawa ng maestra..

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang kantina dahil nakaramdam talaga ako ng gutom, sa likod ko, ay ang dalawang babae na parang mga aso na sunod ng sunod saakin.

Pag huminto ako, hihinto din sila! Gusto ko lang naman sila makasabay pero lagi silang umaatras at pinipilit na maglakad sa likod ko.

Problema nila? May amoy ba ako? Mukha tuloy akong lider ng mga malditang babae. Idagdag mo pa ang mga taong napapa alis sa daanan, di ba sila aware na sanay akong makipag siksikan? Ang OA rin e. Tch!

Di ko nalang sila pinansin at nagtungo na sa kantina, nakayuko akong naglakad ng biglang may nabundol ako.

"Ay! Paumanhin." Paghingi ko ng tawad pero di ako nakatanggap ng sagot kaya nag angat ako ng tingin at halos manlaki ang mata ko ng mapagtanto na kung sino ito.

"Pagbati sa Prinsipe ng emperyo." Sabay na saad ng dalawa sa likuran ko at yumuko kaya gumaya narin ako. Prinsepe pala ng emperyo, kaya dapat lang na good girl ako kahit ang sungit sungit nya. Di ko naman sya kilala tch!.

Nung mag angat na ako ng tingin ay seryoso parin itong nakatingin saakin at naningkit pa ang mga mata. Di ito umimik at nanatiling tahimik habang di inaalis ang paningin saakin. Medyo nakaramdam ako ng insulto! Ano bang kasalanan ko dito. Nakakainis na to ah!

Imposible namang may ginawa akong kasalanan na di ko alam at sakanya pa talaga? Nakapamewang na akong humarap sa kanya pero agad din namang binaba ng dalawa, inis ko silang Sinulyapan pero nakayuko lang ito samin.

"Maari ba kitang makausap, Prinsipe Damian? Mukhang may dinadamdam ka atang galit saakin e." lumapit ako dito at mahinang bumulong, kita ko naman ang pagkagulat nito at wala sa sariling tumango. Nagsimula naring magbulungan ang nasa paligid kaya pasimple ko itong pinagmasdan.

"Aira, Erza kumain na kayo at may pag uusapan lang kami ng prinsipe." baling ko dito at gulat naman silang napatango habang nagoalit palit ng tingin saamin. Liningon ko ang prinsipe at tinanguan ito para sumunod.

Pero nakapagtatakang nakatayo lang ito at mukhang wala sa sarili. Tch! Daming arte! Walang akong magawa kundi ang hawakan ang kamay nito at hinila sya palabas.

Di ko na pinansin pa ang singhapan at bulungan ng iba. At nagtungo sa malapit na hardin.



DAMIAN POV:

Mula nung nabunggo ako nito ay pinag iisipan kona kung pano ko  maipakilala ang sarili ko sa kanya. Pero saanong paraan naman? Gusto ko yung paraan na hindi ako mapapahiya, lalo nat sa harap pa ng babaeng ito.

Hindi naman sa nagugustuhan ko sya o interesante ako sa kanya, hindi ganun yun! Sadyang pinakiusapan lang ako ng ama na makipagkilala sa anak ng kaibigan nyang Duke na ama ng babaeng ito.

Di ko rin naman maintindihan ang sarili ko pero merong parte na gusto ko rin syang makilala, dahil ba sa may utang ito saakin? Ganon naba talaga ka laking palaisipan para saakin yung halik na ninakaw nito? May sarili naman akong prinsepyo at nasa tama naman akong pag iisip pero kasi...

Ayon sa banal na kasulatan ay ang Unang halik ng tagapagmana ay inaalay lamang sa nagiisang babaeng hahalili sa susunod na reyna! At pano naman iyon mangyayari gayon ay nakatakda na akong ikasal sa prinsesa ng demacia, Tama bang isipin na akoy makasalanan?

Di ko na namalayan na huminto na pala kami sa paglalakad at bumitaw narin ito sa kamay ko, inayos ko ang sarili at  inis ko naman syang tinignan dahil sa asal nito.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon