AMARE
"Ilang Ginto pa ba ang meron tayo dyan lena?"
Napatigil ako sa paglalakad sa isang lugar dito sa bayan ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon at dun ay nakita ko si binibining Clara na nakatayo sa harap ng mga batang nag titinda ng bulaklak.
Marungis itong tingnan at puno ng sugat at galos rin ang katawan nito. Ngunit parang hindi lang ininda ng dalawang bata ang kanilang sitwasyon, dahil nagagawa pa nitong makangiti ng maayos sa binibini.
Di ko namalayan na nagtago na pala ako sa likod ng poste at pinagmasdan sya.
"Limang Gintong barya po lahat ang aking dala, ano po ang nais nyung bilhin para dito?" nagtatakang tanong ng kasama nya habang ang babaeng fanalis ay tahimik lang din nakatingin sa binibini, na wari bay sinisilip ang magiging reaksyon nito.
"Ilang ginto ba ang kailangan mo para sa mga tela?" ang binibini.
"Naku, napakalaki napo ng isang ginto. Parang mabibili ko na nga ang boung tindahan dyan e." Pagbibiro nito, pero di sya tinugon ng binibini dahilan para mapakamot nalang ito sa ulo. Mukhang napahiya, di ko maiwasang lihim na matawa sa pag uugali ng binibini.
Linahad nito ang kamay sa taga silbe at mukhang naintindihan nya naman agad ang ibig sabihin ng binibini, at inabot dito ang supot ng barya.
Totoong napakalaking halaga na nga ng isang ginto. At kaya na nitong makabili ng pagkain para sa isang pamilya sa boung linggo, isama mo pa ang mga luho.
Inabutan nga nito ng isang gintong barya ang taga silbi. At binigay ang boung supot sa mga gusgusing bata, halos mabitawan na nito ang supot sa gulat dahil wala sa sariling naabot nila ito.
Ako man ay nagulat rin sa pag abot nito ng gintong mga barya sa mga paslit gayong napakalaking halaga nito.
"B-Bini-bini, n-napakarami po nito." nahihiyang saad ng mga bata at pilit itong inabot pabalik sa dalaga. Napaisip naman agad si clara sa sinabi nito kaya agad nya itong binawi.
Mabilis na bumalatay naman agad sa mga mukha nito ang paghihinayang. Di ko tuloy alam kung ano ang dapat maramdaman.
Natatawa ako na medyo naawa.
Napaka wierdo talaga ng binibini.
Pinagmasdan ko ang mga katabi nito at nakapagtatakang wala na si Erza dito. Ngunit ganun nalang din ang pag ayos ko ng tayo ng maramdaman ko ang isang matulis na bagay sa likod ng aking batok.
Dahan dahan kong tinaas ang dalawang kamay at maingat na humarap dito. Nakita ko ang babaeng fanalis na Seryosong nakatingin sakin habang nakatutok ang maliit nitong sandata.
"Pangalan, at bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit ka naka-manman sa aking panginoon?" seryosong tanong nito, at ramdam mo talaga ang tono ng pagbabanta at pag galang sa kanyang tinutukoy.
Panginoon? Teka... ang fanalis na ito ay may kinikilalang amo?
"Magsasalita kaba? O... ililigpit na kita?. " maangas na dagdag nito dahilan para maalarma agad ako.
"A-Ah ano.. A-Ako sa amare, k-kaibigan ko ang binibini."saad ko dito, biglang naging tahimik sa pagitan namin at maya maya lang ay tinago nya na ang sandata.
"Naalala na kita, Pasensya na.. Ngunit bakit ka nga ba talaga naka manman?" mahinahon nang saad nito pero bakas parin ang pagiging seryoso, inayos nito ang ilang hibla ng pulang buhok nito at sinukbit sa likod ng tenga.
"Aksidente kong narinig ang boses nya sa paglalakad ko dito para bumili ng mga sangkap sa aming klase sa susunod na araw, at naging interesante lang ako dahil mukhang tinutulungan nito ang mga batang pobre sa daan." sagot ko dito. Mukhang naniwala naman agad ito at tinanguan ako.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...