"Ikaw po si, Binibining Clara Aysel Grosvenor, at ikaw po ay anak ng isang tanyag na duke ng emperyong ito." masayang pagpapakilala nya at nanatiling nakinig lamang ako ng mabuti sa kanya. Napabuntong hininga muna sya bago ito nag patuloy."Tatlo po kayong magkakapatid at ikaw po ay gitna at nag iisang babae, ngunit humiwalay sainyo ang iyong ina kasama ang bunso nyung kapatid pabalik sa mga magulang nito sa kaharian ng Chione, ang kaharian na ito ay napakalamig ang klima at di kayang pasukin ng isang normal na mamamayan ng ibang kaharian katulad ko" Turo nito sa sarili. "At napag-alaman na ang mga taong may dugong bughaw na nainirahan dito ay may kakayahang manipulahin ang nyebe." mahabang kwento nito.
So ibig sabihin ay, maliban sa may kapatid akong dalawang tukmol, ay ang lugar nato ay meron ding tinatawag na kapangyarihan? Parang sa napapanood ko sa anime lang?'
" Ilang taon naba ako, Lena?" Tanong ko rito, agad naman itong sumagot.
"labing limang(15) taong gulang kapo ngayon, mahal na binibini at ako pong iyong tagapag alaga ay Dalawamput limang(25) taong gulang naman, bata pa po lamang kayo nun ay isa na ako sa nag aalaga sa inyu." nakangiting pa saad nito saakin. Napatango tango lang ako at nag tanong ulit.
"May kapangyarihan ba ako? Nag aaral ba ako?" Tanong ko sa kanya at di naman ito nakasagot agad.
I don't understand why but lagi kong priority yung pag-aaral, lage akong gutom sa kaalaman. Sa dati kung buhay, lage akong may naririnig na di naman daw importante mag aral, kasi di naman daw lahat nagiging succesful. As much as possible I'll try not be a pessimist type of person. I always try my best not to get distracted by those words because there are high possibilities that those sentence can be half true. Nasa tao parin yan, and in my case I already make it to the top.
"Ikaw po binibini ay kayang manipulahin ang Kidlat gaya ng iyong ama at nakakatandang kapatid. Pero nahihirapan kapa dito at yun ang dahilan kung bakit ka nalagay sa ganyang sitwasyon." Malungkot na saad nito at ako naman ay nagtatakang napatingin sa kanya.
"Tinamaan ba ako ng kidlat?" Na aasar na tanong ko sa kanya.
"Opo binibini." Si lena. Napapikit nalang ako sa inis, bakit paulit ulit ang nangyari? Una naaksidente ako gaya kana papa at mama tapos tinamaan ako ng kidlat gaya din ni clara? ANO MAY SUNOD PABA? lord naman! Masama ang tingin na ibinigay ko kay Lena at kita ko naman na nasindak ito. "Mag patuloy kana." Masungit na utos ko dito.
"Ahh Oo!" tumikhim muna ito bago nagpatuloy. "Sa pag aakala ko ho ay ayaw nyu pumasok sa isang uri ng paaralan dahil ayaw nyu yung pakiramdam na nasasaktan at may nasasaktan." kalmadong pahayag pa nito na ikinatahimik ko naman. Bakit ayaw nya mag aral? At nasasaktan sya at may masasaktan? Ano ibig sabihin nun? Anong klase ba ang paaralan dito?..
"Gusto ko mag aral!" matigas na sabi ko sa kanya na ikinagulat nito.
"Pero binibini, ikaw po ba ay sigurado sa iyong desisyon? kailangan muna ito ng pahintulot galing sa iyong ama."
"At baket naman?" tanong ko.
"Dahil hindi lamang sa dala mo ang kanyang pangalan ay wala kapong alam sa monerkiya o pakikipag espada at mahika, alin man sa dalawa." malungkot na saad nito at nakuha ko naman ang kanyang punto.
Gets ko na may paaralan para sa monarkiya dahil matik naman talaga yun lalo nat napaloob kami sa isang emperyo. Pero hindi tanggap ng sarili ko di rin gusto ni clara mag aral? Mahina ba ako? Hindi ata matatanggap ng kaluluwa ko ang prinsipyo nang batang ito.
Ngunit talaga bang may paaralan ba para sa mahika at pakikipagespada? School for sword and magic lang? Lakas maka anime talaga!
"Mas interesado ako sa may mahika at espada." sagot ko sa kanya at bigla naman itong umakto na parang nabagot bigla. Siguro iniisip nya na hindi ko kaya yung mga ganong bagay.
"Binibini hindi ka makakapasok sa loob ng Magnostadt hanggat di ka nakakapasa sa pagsusulit sa monerkiya at isa pa, hindi pa angkop sa iyong edad at sa iyong katawan ang ganoong paaralan" Wala sa sariling napatingin ako sa sarili dahil sa totoo naman na parang mahina yung katawan nito ngunit kailangan lang to ng kunting exercise! Nag angat ako ng tingin ng muling magsalita ito.
"Ang tamang edad sa babae para makapasok sa magnostadt ay Labing walo (18) taong gulang habang ang lalaki ay labing lima(15) pero gaya rin ng lahat ay hindi sila makakapasok sa loob ng paaralan hanggat di nila napapasa ang pag susulit ng monarkeya. Masasabi kong hindi lang lakas ang pina iiral para maging isang magiting na Holy knight! Kundi dapat rin ay may talino! " Mahabang paliwag pa nito habang tinataas ang hintuturo sa ere.
Holy knight? Parang Templar knights? Nag aaral ba sila para maging isang kawal lamang?
"Lena, nagaaral ba ang mga taong aristokrata para maging isang kawal?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi lamang po ito bastang kawal lamang, kundi isang Holy knight, may nakapagsabi pa nga na ang isang ganap na holy knight ay kayang tapatan ang isang militaryo ng isang boung kaharihan, ganon po kalakas ito" seryosong pahayag nito at nagpatuloy. "At Oo, lahat ng mga taong nag hahangad ng ganitong lakas, mapa prensipe o prinsesa, kahit pa ang anak ng emperor ay nag aaral din sa magnostadt para maging isang holy knight, Gaya nga ng tinuran ko kanina ay sa pamumuno hindi lamang talino ang pinaiiral dapat may lakas din!" Biglang gumaan ang malungkot kung isip dahil sa sinabi ni lena.
Pinanood ko si lena na tumayo at nagsasalang ng tubig sa baso." Sa katunayan ay ang ama ay isang Holy knight di ko nga lang alam ang ranggo nito. Ganon rin ang Iyong nakakatandang kapatid." dagdag nito at inabot saakin ang tubig.
Di ko napansing tuyot pala ang aking bibig di ko talaga napansin na nauuhaw na pala ako, and ending nang hingi ng isa pang basong tubig na agad namang sinunod ni lena, Aba dapat lang! Paninindigan ko ang pagiging anak ng aristokrata sa mundong ito. Kaswal na Pinahid kulang ang bibig gamit ang kamay ko, di nakatakas ang biglang pag ngiwi ni Lena sa inakto ko. Di nya siguro carry na ang isang gaya kong binibini ay parang lalaki kung kumilos.
"Mukhang matalino ka ah!" nakangiting papuri ko sa kanya at napaayos naman ito ng tayo.
"Syempre naman binibini!" taas noong saad nito.
"E bat di ka sumali dun." sagot ko naman sa pagyayabang nito.
"Ang totoo po nyan ay hindi pa po ako pumapasa sa Pagsusulit sa monarkiya hehe, hangang dalawampu lang naman ang edad na maaring kumuha sa pag susulit na iyon." Nahihiyang lintana pa nya. Napa-erap nalang ako sa ere at napatingin nalang sa labas ng bintana. At nagsimulang magisip na bumobou ng plano sa sarili.
So ang tamang edad sa paaralang iyon ay labing walo(18)? At kailangan ko makapasa sa pagsusulit sa monarkiya iyon!
Nabulabog ang pagiisip ko nang biglang may kumatok sa pintuan ng silid ko. Akmang tatayo na sana ako ngunit pinigulan ako ni lena.
"Hindi maari binibini, kabilinbilinan ng doktor na mag pa hinga ka muna para manumbalik ang iyong lakas." pagpigil pa nito at sya na ang nagbukas ng pinto. Pumasok ang isang matandang lalaki na pero maayos parin ang tindig,may mahaba itong puting buhok dulot ng katandaan at ang agaw pansin ay ang asul nitong mga mata..
naka soot ito ng pormal at kapang puti at ang kapansin pansin ang soot nitong espada na naka sukbit sa bewang nito. Para itong isang fencing sword sa dati kong buhay.
"HAHAHAHAHAHHAHA" gulat akong nag angat sa mukha ng matanda nang bigla itong humalakhak. Di ko malaman ang magiging expression ko dito. Kasi ang wierdo nya.
"Balita ko ay nawala ang iyong alaala."Nanatili akong tahimik at sinusuri ang kabuuhan nya, Nararamdama ko na hindi ito bastang matanda lamang, nang hindi sya maka rinig ng tugon ay nag salita ito mula na syang ikinagulat ko.
" Ngunit hindi ata nasama dun ang hilig mo sa aking espada, Apo ko."
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...