DAMIAN
PINAGHALONG bagot, pagkamangaha at inis ang nararamdaman ko habang hawak hawak ang dyaryo na naglalaman ng balita. Nasa loob lamang ako ng silid habang hinihintay ang maestro, meron pang sampung minuto bago magsimula ang klase.
Di ako makapaniwala na ang paslit na ito ay nagawang itama lahat ang katanungan sa monarkiya, na tanging mga ninuno lang namin ang nakakagawa nun at isa na dun ay aking Ama.
Usap usapan narin sya sa boung emperyo dahil sa angking ganda raw at talino nito. Naka saad din sa dyaryo na isa syang mahinhin at magalang na binibini.
Di naman nakapagtataka iyon dahil kapatid ito ni Cale na syang kaibigan ko ang aming pinag-uusapan. Ngunit mahinhin? Magalang? Parang mali naman ata ang balita? Do ko talaga magawang kumalma dahil sa nangyari samin dalawang taon narin ang nakalipas.
Kilala pa kaya ako nito. Imposible namang hindi.
"Anyare sa mukha mo?" Si Troy. Di ko napansin na nakarating na pala ang mga kaibigan ko sa silid at nagsiupuan sa tabi ko. "Hanep maka titig sa kapatid ni Cale ah!" dagdag nito na ikinatawa naman ng ilan.
"Buti naman at may natitipuhan kanang babae prinsipe Damian." asar nito saakin.
"Di ko sya natitipuhan." Seryosong sabi ko sa kanya.
"Ang seryoso mo lang talaga, pero maiba tayo. Tunay na nakakamangha ang babae iyan, akalain mo yun,nagawa nyang itama lahat ang mahirap na pagsusulit na iyon" Seryosong sabi ni troy at napahawak pa sa nguso.
"Syang tunay, Naalala ko pa nga na hanggang 366 lang ang markang nakuha ko dun, pasalamat na nga lang at kalahati ng bilang ng pagsusulit ay maari kang makapasa. ." Natatawang saad pa ni emman. Sumasang ayon. Napatango tango rin si troy sa sinabi ng kaibigan.
"Hindi lamang sya matalino, nakaka akit din ang ganyang ganda. Gusto ko syang makita sa personal" Naka ngising saad nito. Di ko alam bakit naiinis ako sa huling sinabi ni troy, malakas lang ang loob nito dahil wala pa si cale sa silid.
"Ang pagkaka-alam ko ay mag aaral sya rito sa magnostadt sa susunod na taon" Sabi ko sa kanila at gulat naman silang napatingin saakin.
"Kilala mo ba ang binibining ito prinsipe damian?, alam kong kaibigan natin si cale pero hindi ito mahilig mag kwento pagdating sa pamilya nya. Nakatagpo mo naba ang binibini?" Naghahanap ng sagot na sabi emman. Gulat akong naghahanap ng sagot at nag iwas ng tingin.
"May linilihim ka saamin e, ay wala to! Hindi totoong kaibigan!" pang aasar naman ni troy.
"Prinsipe Troy, hindi ganoon yun." ngunit umakto lang silang parang batang nagtatampo. Di ako makapaniwala na pati si emman ay aakto tin ng ganito. "Pati ba naman ikaw Prinsipe Emman?" Pagtawag ko dito pero ginaya nya lang si troy.
Sa huli ay wala akong ginawa kundi ekwento lahat ng pangyayari sa kanila maliban sa halik. Di sinasasyang mai- kwento kasi ng ama nito ang pangarap ng kanyang anak na gusto maging isang Holy knight na kahit ako ay kinakikitaan ko ito ng potensyal.
Mas lalong napahanga naman sila at natatawang tinignan ako, nangaasar.
"Ikaw? Nasapak? Aba dapat lang siguro na matakot narin ako sa binibining iyan." Sabi ni troy at nagtawan sila habang naka turo pa saakin. Mga baliw talaga. Magaling naman talaga ang dalaga, hindi ko man alam ang uri ng pakikipaglaban nito ngunit mukhang dalubhasa sya mga ganung bagay.
"Mismo troy!" pag sang ayon na man ni emman. Nailing nalang ako habang napahawak sa tungki ng aking ilong.
Natigil ang pag uusap naming nung pumasok na si Cale. Diritso lang itong naglakad patungo sa kinauupuan namin, nagulat pa kami nang bahagya itong yumuko saamin bilang pagbigay galang sa aming katayuan bilang prinsipe kahit na isa syang anak ng duke. Kami man ay yumuko pabalik dito, respeto rin sa katayuan nito.
Sa katunayan ay pantay pantay naman talaga lahat kami rito sa loob ng paaralan at Walang ibang titulong pinapairal kundi ang titulo mo bilang holy knight sa loob ng establlishmentong ito. Pero di na ata maalis sa kanya ang ganitong bagay. Napaka formal nya masyado katulad ng kanyang ama ngunit nakakatakot kung kalabanin.
"Mukhang masaya ka Cale ah!" tanong ni emman sa kanya nang maka upo ito sa tabi namin.
"Natutuwa lang ako dahil sa wakas ay natututo ring mangarap ang kapatid kong iyon." nakangiting sabi nito habang nakatingin sa dingding.
"Ang talino pala ng kapatid mo! Maari ko ba yun ligawan?" Pabirong sabi nito kay cale. Pero tinignan lang sya nito ng seryoso. "B-Biro lang e, ikaw talaga ang seryoso morin mag sama nga kayo ni Damian." nauutal na sabi nito na ikinatawa naman namin. Nagkatinginan kami ni cale at tinanguan ko lang sya. Tumikhim muna ito at tumingin saamin.
"Wala ako sa posisyon para pakialaman ang lalaking matitipuhan ng kapatid ko, Wag nyu lang ipilit ang iyong sarili dahil tiyak mamalasin ka." Seryosong sabi nito na mukang banta na ang dating sa kung sino man ang magtatangka. Di parin talaga nagbabago ang taong to kahit sinabak na sa maraming misyon.
CLARA
Ito ang araw kung san nagtapos na ang semestre ng paaralan at bibigyan lamang ng isang buwan na pahinga ang mga mag aaral. Uuwi na pala ngayon ang kuya ko sa mundong ito. Nakikita ko sya na isa sa mga litrato na maikita sa pasilyo. Halos nakuha nito lahat ng hitsura sa aming ama ngunit hindi ang buhok nito. Ginto kasi ang buhok ni ama at puti naman ang kulay nang kay ina. Pero gusto ko parin sya makita sa personal, napaka imposible naman kasi ng kagwapuhan nila.
Nagbabasa lamang ako sa silid aklatan, habang inutusan ko si lena na ipagtimpla ako ng milktea. Sinunod nya naman agad ito at dahil gusto nya matuto kung pano ganiwa ito.
Ang tawag ko talaga dun ay Milktea, original na pangaln nito pero namali ata sila ng dinig at tinawag nila itong Muelti(Na ang ibig sabihin ay ulap) hinayaan ko nalang sila sa buhay nila dahil magkatunog naman ito.
Binabasa ko sa ngayon ang ibat ibang uri ng pakikipaglaban ng ibatibang kaharian. Gusto ko rin kasing matuto, pero alin man dito ay wala akong maintindihan sana makapanood man lang ako ng live na laban. Tiniklop ko nalang ito at naghanap ng bagong mababasa. May napansin akong maninipis na librong pambata. Agad ko itong kinuha at bumalik sa mesa ko. Binasa ko ang pamagat.
"ANG LUHA NG BULAKLAK" pagbasa ko dito. Napaisip naman agad ako, dahil ang weird naman ng title. Lumuluha ba ang bulaklak? Nag raramdom thoughts lang ata ang author nito at ginawan agad ng kwento.
Andami kong sinabi sa isip pero pero binasa ko parin naman sa hule. Di ako maka paniwalang maaliw ako sa kwentong pambata na to. Tumagal siguro ng mahabang minuto ang pagbabasa kp nung may biglang nagsalita sa harap ng pinto.
"Napakasipag naman ng kapatid ko, tumataba tuloy ang puso ni kuya." Malambing na sabi nito habang napahawak pa si dibdib umaktong natatatouch.
Napatayo ako at gulat na napatingin dito. Nakangiti rin si lena na nasa likod lang nito dala dala na ang Muelti na ipanagawa ko..
Ito naba ang kuya ko?
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...