"A-Ah babalik nalang ho ako dun at hihingi ng paumanhin. " Magalang na suhestyon ko pero napailing lang ito. Napakamot pa ito ng pisnge nang sumulyap kay damian.
Di ko akalain sa gwapong duke na tatay kong to ay gagawin ang bagay na ginagawa ng mga hampaslupang kagaya ko dati.
Napatakip ako ng bibig dahil mukhang matatwa ako pero nung nang tama ang mata namain ni damian na kanina pa pala naka masid sakin ay agad akong umayos ng tayo at tinarayan sya.
Nag iwas naman agad ito ng tingin sakin at tinakpan ng kamao ang bibig nito na para bang parang natatawa, o baka natatae tch!
"Hindi mo na kailangan gawin iyon, hindi kailangan ng isang babaeng gaya mo na humingi ng paumanhin sa kanila. Wag mo kalimutan ang iyon katayuan. " Mahinahongbsaad nito pero ramdam ko ang seryoso.
Ngunit parang di ata ako pabor dun. At ano ang kinalaman ng katayuan ko para basehin ang pag galang sa mga taong naka palibot sakin?
Parang di tama.
Napasulyap ako kay damian na parang wala lang iyon sa kanya. Na para bang ang sinabi ng ama ay sadyang normal. O sadyang TAMA.
Wala sa sariling napatango na lang ako dito.
Ngumiti ito sakin at hinimas ang buhok ko, sarap
"Bueno, at ano itong sadya nyo saakin at mukhang importante nga ito? " Dagdag nito kaya agad na yumuko si damian at inabot mula sa ilalim ng sleeve nito ang isang silver case mukhang lalagyan ng papel.
Di ko tuloy maiwasang maisip kung may bulsa ba talaga sa ilalim ng sleeve at parang hindi ito nahuhulog.
Napanood kona to e. Ilang beses na sa mga anime at ibang western movies.
"Ipina paabot ng Punong Guro ang liham na ito sa inyo senior. " Magalang na saad nya at inaabot naman ito ni ama.
Biglang lumiwanag ang lalagyan sa oras na mahawakn ito ni ama at biglang lumutang sa ere ang papel na naglalaman ng liham.
Di ko nanaman maiwasang di mamangha.
Ngunit ang nakapagtataka ay parang wala naman akong nakikitang mga letra dito tangin blankong papel lang na lumulutang ang nasa ere.
Ngunit tila nagbabago na ang expression ni ama at patunay na may nababasa sya.
Posible bang ang mismong pinadalhan lang ang maarang maka gamit at mabasa ang liham na naka lagay sa papel? , napaka convenient naman grabe maka Privacy.
"Yan ay isang "Gucci" Ginagamit ang bagay na itan para mag hatid ng liham para lamang sa mga importanteng tao sa emperyo." Biglang bulong sakin ni damian, Irita akong tumingin sa kanya.
"A-Alam ko! " Pabulong na singhal ko sa kanya.
Napangiwi naman ito at binalik ang tingin sa senior.
"Sabi mo e." Sagot nya pa, na sadyang nagiwan sakin na naka nganga. Bastos na lalaki.
Sa uri ng pagkasabi nya nun ay sadyang nakaka inis , napara bang mang mang ako at sisinungaling pero pinaniwalaan nalang nya. Pinagbigyan.
"Nais ng yung paaralan na magbukas ng paligsaan sa pakikipag espada habang gumagamit ng mahika?" Serysong tanong nito.
"Opo senior, ang titingalain at kikilanin na mananalo ay makakatangap ng salapi't karangalan at isang pagkakataon na mapabilang sa royal knights. " Mahinahong paliwanag nito.
Wow royal knights? Ito ba yung diriktang nag sisilbe sa hari?
"Royal knights? Hmmm. napaka galante nga nang inyong pabuya ngunit tutol ako sa plano ninyo mahal na prinsepe. " Mabilis na saad ng ama na nagpatigil saamin.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...