CLARA.
LIMANG dipa ang layo sa pagitan namin ni Erza, nakaharang din sa pagitan namin ang mga nagtumbahang puno at mga bitak ng lupa na walang duda na sya ang may gawa. nakangiti na ito ngayon saakin na war'y bay namamangha, ako man ay sinimulan nang humakbang paatras bago hinanda ang sarili.
Tinatancha ko kung kaya ko ba talagang manalo sa babaeng to. Isang fanalis ang kaharap ko at kilala sila bilang malalakas na nilalang kahit pa na alam ng lahat na wala silang kapangyarihan, at isa na ako sa makapagpatunay para dun.
Hindi ako hangal at alam kong impossibleng manalo ako sa ganitong estado, pero kailangan kong manalo, lalo nat isang Ruby Rank ang babaeng nagtangka saaking buhay.
Sa kabilang banda, naisip ko na maigi narin 'to, para naman lubos ko nang malaman kung gano nga ito kalakas at paano makipaglaro ang gaya nilang pinakamalakas na lahi sa boung mundo.
Maigi kaming nagtitigan sa isat isa at malayo rin ang distansya nya saakin, seryoso na itong pinagmasdan ako na para bang sinusuri ang kabouhan ko at pagkatapos ay ngingiti.
Napangiwi nalang ako sa wierdong pag aasal nito.
Sa isang kurap ay nawala ito sa harapan ko at tanging usok na gawa ng lupa nalang ang nakikita ko, ganon nalang din ang gulat ko ng nasa harapan ko na ito at susuntok na sana sa mukha ko ng bigla agad akong tumiyad patalikod para iwasan ang suntok na iyon.
Pagulong akong lumayo sa kanya.
Nakita ko itong gulat na tumingin sa kamao nya na para bang imposibleng mailagan kopa iyon. Laking pasalamat ko nalang na nagagamit ko parin ang reflexes ko. MABILIS akong tumakbo at nagtago sa kalapit na puno.
Naririnig ko na ang kaluskos mula sa kanya, senyales lamang na patungo na ito saakin.
Pina ilaw ko agad ang palad ko at Linabas ang palaso ko na gawa sa kuryente. Ang totoo nyan ay may naiisip akong pwedeng maging paraan para malausotan ko ang babaeng fanalis. Pero malaki parin ang tsansa na maari akong pumalpak, Tsaka kuna siguro pag iisipin yun pag dehado na ako.
Huminga muna ako ng malalim bago napag desisyunang lumabas.
Boung tapang kong Itinutok sa kanya ang pana na agad namang ikinahinto nito.
Nagtaka pa muna itong tumingin saakin bago tuloyang naging mapaglarong ngumisi at para bang hinahamon akong subukang itira ito sa kanya, medyo nainsulto ako dun kaya walang pagdadalwang isip na mabilis akong tumira patama sa kanya at di na ako nagtaka pa ng sinalo nya lang ito na para bang madali lang sa kanya na saluin ang pagtira ko na sing bilis ng baril.
Nakapagtataka rin na hindi ito naapiktuhan ng stun na linagay ko sa palasong iyon. Paniguradong pinaghalong paghanga at inis ang inuukit ng mukha ko ngayon. Tinapon nya ito sa tabi at umestrang nagpag pag ng kamay.
Okay, medyo napahiya ako dun.
Inayos ko ang sarili at tumingin dito ng seryoso, agad namang naglaho sa hangin ang sandata ko at iniwestra ang sarili na lalaban. Oo lalaban ako gamit ang sariling kamay!
Hindi ito parte ng plano, pero hindi ako matuto pag hindi ko sya haharapin ng pisikalan. Kung saan ito mas kumportable makipaglaban.
Ako na ang unang umatake, malakas akong tumalon sa deriksyon nito at pabagsak na binagsak ang kaliwang binti sa kanya, pero mabilis itong umilag at lumayo saakin.
Paikot na sumipa naman agad ito kaya sinangga ko ang dalawang kamay ko at tumilapon ako sa may kalayuang puno!
Dali dali akong tumayo at napahawak sa braso na ginamit ko pansalag.
Mabilis na naman itong nakalapit at binigyan ako ng sunod sunod na atake, at amg tanging ginawa ko lang ay umilag at isangga ang kamay ng maayos!
Nang makahanap ako ng pagkakataong makalayo ay boung lakas akong tumalon at umapak sa kamay nito para paikot na makatungtong sa isang kalapit na sanga.
Nagbaba ako ng tingin dito na ngayon ay nakatingala na saakin.
Grabe ang lakas! Kung hindi ko iyon nagawang isangga ng maayos ay baka mukha ko ang napuruhan! Tsk!
Ang mga fanalis ay biniyayaan ng kakaibang physical na lakas kumpara sa mga normal na tao, Habang ang tao naman ay malayang nakakagamit ng mahika sa pakikipagdigma. Ang lahat ay may sariling kalakasan at kahinaan, Maraming nakapagsabi na ang mga Fanalis ay isang mataas na uri kumpara sa mga tao, ngunit para sa akin mali ang kaisipang iyon. Kung kinikilala silang mas mataas pa sa tao, e bakit tao ang namumuno at emperador ng emperyo? Bakit kasanggang uri lamang sila ng kaharian ng Alabasta? Bakit?
Para saakin ay pantay lamang lahat, Walang nakatataas at wala rin namang mababa, pero sa napapansin ko ay iba talaga ang kaisipan ng emperyo. KUNG sino ang mas makapangyarian ay sya ang may mas karapatan at dapat makatanggap ng respeto.
Maihahantulad sa hanay ng mga leon, kung sino ang mas malakas ay sya ang titingalain at kikilalaning hari. Gaya nalamang ng babaeng fanalis at ang lahi ng mga ito.
Ang dapat kong gawin dito ay ipakilala sa kanya kung sino ang totong siga saamin.
Pinaliwanag ko ang katawan ko at hinayaan ang kuryenteng aura na bumalot dito. Maya maya lang ay naramdaman ko nang lumalakas lalo ang depensa at opensa ko.
[Image source:Pinterest]
Ito ay tinatawag na 'Mana skin' isang Reinforcement Magic spell, ang isang gumagamit ng mahika ay may kakayahang balutin ang sarili gamit ang mana na meron ito sa katawan, para protektahan ang sarili..
Ang sabi sa libro ay nagagamit daw ito kadalasan ng isang knight at mage unconsciously sa mga laban. Maiging pagsasanay ang kailangan para matutunan ito at magamit ng maayos para sa mas maiging epekto.
BAKAS ang pagkagulat sa mga mata nito at mukhang pinanigasan din ito ng katawan sa nasaksihan. Nag uumapaw din ang aura ko at umaangat narin ang ilang hibla ng buhok ko. Nakataas noo akong tahimik lang na tumingin dito. Umakto akong babatuhin sya at umilaw narin ang kamay ko, maya maya lang ay lumabas dito ang sibat na gawa sa kuryente at nakatutok na ito sa kanya.
Alam kong magagawa nya parin akong tapatan ngunit hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari.
Nagulat ako dito ng lumuhod ito sa harapan ko na para bang nag nagbigay galang. Ako man ay nagulat sa naging asal nito, pero hindi na ako nag abalang mag salita pa at tinignan ito ng boung pagtataka. Nawala na rin ang sibat na gawa sa mahika at nanatili nalang ang mana skin saaking katawan.
"Binibini! Hindi ko nais na makipagpalitan ng lakas sa taong aking hinahangaan, bilang isang Fanalis na may dugong tapat ay opisyal na kinikilala ka na aking Amo, simula sa araw na ito." magalang na sabi nito habang nakayuko saakin.. Bigla akong mas naguluhan.
"HAAAAA!" Sabi ko habang pinanlalakihan sya ng mata..
Ngunit tahimik lang itong nakayuko habang ako ay napaupo na sa pagod sa taas ng puno. Taka parin akong tumingin dito, at nawala narin ang mana skin na pinalabas ko.
Hindi ko naman intensyon na paamuhin sya! Gusto ko lang naman ipakilala ko sino ang mas siga saamin e.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...