Kabanata 36: Inbitasyon

3.3K 162 13
                                    

CLARA

Ilang minuto narin ang nagdaan, at nanatiling masama parin ang tingin ng prinsesang na nag ngangalang Syria. Di naman ako umimik at nag hahanap ng pagkakataon na makaalis sa sitwasyon ko.

Di rin ako nag atubiling mag baba ng tingin  para iparating sa kanya na wala akong ginagawang masama sa fiancee nya. Wala nga ba?... Parang wala naman talaga!

"Mawalang galang ngunit bakit kayo magkasama, Prinsepe damian?" tanong nito habang nagpalipat lipat ng tingin. Sumulyap ako sa katabi ko at nakakamanghang nagawa nitong mabilis na  mabago ang emosyon at naging pomal habang nakatayo ng maayos sa harap ng prinsesa. Marahang yumuko pa ito dito bilang pag bati.

" Nagtanong lang ang binibini, Tungkol sa misyon at kalagayan ng kanyang kapatid." napabuntong hininga naman ito at sinuri ang kabouhan ko, tinaasan ko naman sya ng kilay, bastos to ah!

"Syria.. Ano ang iyong pakay saakin?" Kaswal na tanong ng prinsepe dito, lumingon naman sya sa lalaki  ngunit sumulyap pa muna ulit ito saakin bago tuluyang hinarap ang prinsepe.

"Pinapaabot ng aking ina ang liham na ito para sa emperatris." at inabot nya ang isang liham na nakalagay sa isang transparent tube na may asul na lid. Bagot ko lang sila na pinagmasdan.

"At isa pa po mahal na prinsepe, Papaalahan langkita na mamayang gabi ay may gaganaping piging para sa mga membro ng Octagram at sa mga studyanteng bagong  Crystal Knights bilang pag bigay ng parangal sa pagiging ganap na Holy knight." Seryosong saad nito, patango tango naman ang prinsipe sa kanya at mula silang nags-usap tch!

Crystal knights? Iyon ba ay ang ranngo ng isang ganap na holy knight? Maghahanap ako ng libro tungkol dun.

"Maraming salamat Syria." saad nito at tipid na ngumiti

"Walang anuman iyon.. Kahit ano basta para sa iyo mahal na prinsepe ." malambing na saad nito. "Kumusta pala ang iyong araw?.." dagdag nito na ikinairap talaga ng mata ko.

Di na ako interesado sa ibang pinag uusapan nila at  sinubukan nalang  humakbang palayo! Maglalandian na nga lang sa harapan kopa talaga!

Medyo nakalayo narin ako sakanila ngunit agad din namang napahinto ng tinawag ng prinsepe ang pangalan ko. Napapikit nalang ako sa inis at nakangiting humarap dito. Nagpipigil.

"Bilang Kapatid ka ng membro ko ay pahihintulutan kitang dumalo sa piging mamayang alas dyes bilang kumakatawan Kay Ginoong Cale at sa inyong Tahanan."

"Ngunit prinsepe?!" Nagulat naman ako ng mag react si syria,napalingon ako dito ay seryoso ko itong tinignan, nagtataka naman agad ang prinsipe sa naging asal nito. "Paumanhin, hindi ko sinasadya... kung iyon ang iyong nais, ay yun ang masusunod." Nagbaba na ito ng tingin, mukhang napahiya pero di nakaligtas sa mata ko ang pagkuyom ng kamao nya sa ilalalim ng damit. Napangiwi nalang ako sa pagiging selosa nya.

Humarap ako sa prinsepe at marahang yumuko.. Pag angat ko ay seryoso lang itong nakatingin saakin.

"Paumanhin, Prinsepe damian ngunit maari bang hindi nalang ako dumalo? Marami pa akong gagawin bagay. Kung ito'y iyong marapatin?" magalang na saad ko dito.

"Paniguradong dadating rin ang mga opisyales ng emperyo, kasama na dun ang iyong ama? Hindi ka parin ba dadalo?" Tanong nito. Black mail ba to? E ano naman kung dadating erpats ko? Di naman yun yung tipong tatakbo papunta sakin pag nakita ako dahil sa sobrang galak!

At bakit ang pormal nya mag salita! pakiramdam ko tuloy bawat buka ng bibig nito ay hindi pwedeng tanggihan, Grabe yung pinaparamdam nyang otoridad

Nanatili akong tahimik at di na nagsalita. Narinig ko ang pagbuntung hininga nito.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon