Tumunog na ang hudyat at nagsimula nang bumuo ang tensyon sa pagitan naming lahat,
Malawak ang lugar pero hindi impossible na matutulak ka agad paalis sa lugar na to.
Dumaan na ang minuto ngunit ni isa ay wala pang gumalaw samin at nanatiling nagpapakiramdaman.
Bigla akong nakaramdam ng kaba Dito ko mapapatunayan kung may alam pa ako sa judo may sumigaw na lalaki na naging hudyat ng lahat para kumilos! Gumulong ako paharap at mabilis na tumakbo palayo sa nagkakagulong tao.
May lalaking biglang balak na sunggaban ako kaya wala na akong dahilan para hindi lumaban. Sinalo at mahigpit kong hinawakan ang kamay nito at umikot ako pataas sa ere, kasabay nang pagbagsak ko sa lupa ay sya ring pamimilipit nito sa harap ko at bahagyang nakayuko... Malakas kung binagsak ang boung kanang binti ko sa likod nito nito dahilan para bumagsak sya.. Gulat naman itong nag angat ng tingin habang nakasubsob sa lupa. Humingi naman ako ng pasensya at tumakbo palayo dito.
Tumayo ako sa pinaka corner ng lugar, ang plano ay kung sino man ang lalapit ay itutulak ko palabas sa linyang ito. Sana lang ay hindi maging palpak ang plano ko at baka ako pa ang tumilapn .
Maraming nakatingin na ngayon sa kinaruroonan ko at agaw pansin talaga ang kalagayan ko. Mula rito ay ramdam ko ang init ng tingin nila kaya ang iba dito ay tumakbo sa posisyun ko.
Sa katagalan ng laro ay medyo nasanay narin ako sa bigat. Kaya hinanda ko na ang sarili at umabante ng kaunte, palayo sa linya para medyo maging safe pa ako pag dating nila.
AMARE POV.
NAKAUPO ako sa pinakamatayog na puno habang tinatanaw ang babaeng hinahangaan ko. Oo, di ako pumasok sa unang klase ko para lang mapa nood syang makipaglaban, aksidente ko kasing na dinig ang gaganaping paligsahan para sa mga knights kahapon.
Nakakamanghang isipin na may ganitong tao pa pala na kayang magalit para sa iba, pinagbawalan kami ng emperyo na buksan ang ganitong paksa dahil maaari itong simulan na naman ng digmaan, at maari rin na hindi na ito alam ng nakakarami dahil hindi naman ito nakalaad sa kasaysayan.
Ngunit kakaiba ang babaeng ito, may mga manunulat na ginawa lang itong kwentong pambata para isipin na isa lamang itong gawa gawa ng malikhaing isip. Pero nagawa nya paring kuhanin ang kasaysayan na tinago at pinagkait saamin, at TAMA sya, kaya namin ginawang independente ang lahi namin dahil wala kaming tiwala sa mga tao.
Pero hito ako ngayon, sinusundan ang babaeng tao na ngayon ay mabilis ang katawang inilagan at natulak palabas ang sino mang makalapit dito. Nakakamanghang isipin na sa liit ng katawan nito ay kaya nyang e-angat ang mabibigat na tao palabas sa linya. Di ko matukoy ng lubos kung anong uri ito ng pakikipaglaban pero masasabi kong napaka epektibo.
Napatitig ako sa kanya ng seryoso ng makita ko itong nasuntok sa tyan dahilan para mamilipit ito sa sakit, ako man ay nasasaktan sa pag inda nya dahil malaking tao ang sumuntok dito ngunit parang lalaki itong gumanti ng suntok at inayos ang sarili.
Marami na syang galos sa mukha at sa ibang parte ng katawan na halatang ininda nya lang para manatili sa laro at ganun din naman ang ilan. Mukhang mas naasar lang ito sa suntok sa tyan at malakas nyang inangat ang buhok ng lalake palikod at sapilitang tinayo, ayon na naman ang pagbuhat nya na parang gaan lang ng ginagawa nya at lumabas nga sa linya ang lalaking iyon.
Sa sunod na taong nagtangkang lumapit dito ay para itong tigre kung sumunggab, tunay na walang takot! Sa isang iglap ay biglang natumba na naman ang kaharap nito.
Lumayo ito at may nakasalubong na naman syang tatlong balak pagtulungan sya, isang lalaki at dalawang babae. Agad syang umilag sa diritsong suntok ng lalaki at sinalo ang braso nito! Malakas nyang pinihit ito patalikod dahilan para walang magawa at mapaluhod nalamang ang lalaki! Lumapit naman agad ang dalawang babaeng kasama nito ngunit mabilis nya lamng itong nailagan.
Hawak hawak ang braso ng lalaki, tumalon ito at umapak sa dibdib ng babae at patalong umikot naman sa ere para masipa ang nasa likod na babae. Sabay sabay itong natumba at mas lalo namang namilipit ang kasama nilang lalaki sa sakit.
Mula rito ay wala sa sariling napalakpak ako sa paghanga at ganun din naman ang mga estudyante na nanood din at nakaupo sa mababang puno. Napaka elegante nang galaw nya at kung sino man talaga ang makakita dito ay talaga namang mapapahanga ka.
Nag angat ako ng tingin sa mga membro ng Octagram na ngayon ay napalakpak din sa ginawa ng hinahangaan kong binibini.
Pero halos mahulog ako dito sa gulat ng biglang lumingon sa deriksyon ko ang prensipe ng emperyo, si prensipe damian. Sa layo ko at sa dami ng naglalakihang puno dito ay imposible namang makita ako nito. Kunot noo ako nitong pinagmasdan kaya wala akong magawa kundi tumayo sa sanga ng puno at yumuko dito, tinanguan lang ako nito at pinagpatuloy ang panood.
Isa pa ito, napakahalimaw ng pandama, ni ang maestro ay hindi ako kayang pakiramdaman sa ganitong kalayo at mataas na lugar.. pero ang lalaking ito...tunay na nakakamangha! Kakaiba.
Binalik ko narin ang paningin ko sa digmaan ngunit ganun nalang ang gulat ko ng iba na ang kaharap nito, bumaba na ang bilang ng mga manlalaro ngunit nagsilayuan naman ang mga natitira para hindi madamay sa laban ng malakas na babae.
ANG babae ay nagmula sa lahi ng mga 'Fanalis' walang duda! Pula ang buhok at ganun din ang mga mata na may halong ginto, Kinikilala silang pinakamalakas na lahi sa boung mundo. Kaya nilang pumatay ng isang higanting leon sa isang sipa lamang. Pero hindi sila biniyayaan ng kapangyarihan ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi sila turingin na pinakamalakas na lahi. Kahit ang mga demonyo na napaka agressibo sa tao ay takot sa lahing ito.
Puro ilag ang ginagawa ni binibining clara habang opinsa naman ang fanalis! Bawat bagsak nito ay talaga namang nag iiwan ng bitak sa lupa. Kung ang binibini ay maikukumpara kp sa tigre, itong finalis naman ay nagmula sa lahi ng mga pulang lion. Isang mythical beast na naging anyong tao kalaunan, kaya napakalakas ng mga lahing ito.
Napaka ingat ng pagilag ng binibini, alam nya siguro na kung isasangga dito ang sarili ay maari nya itong ikabali ng buto! Kaya maingat nya itong iniilagan habang hinahawi na ang buhok nito sa bilis! Ngunit sa iglap ay tila nagulantang ang lahat ng manood kabilang marin ang humintong mag-aaral sa pakikipaglaban ng biglang bumagsak sa lupa ang babaeng fanalis na para bang napakadali lama nitong ibagsak.
Mula rito ay kita ko ang tensyon na namumuo sa pagitan nila at pagtataka sa mukha ng fanalis sa binibini, maya maya ay ngumiti ito at yumuko sa dalaga. Ilang segundo din itong lumuhod at yumuko sa harap nito na talaga namang ikinagulat ng lahat. Kinikilala ang lakas nya ng isang fanalis! Ngunit di ito kumibo at patalong lumayo lang sa kanya, tumayo narin ang fanalis at patakbong sumugod sa kanya.
Napaka elegante nilang tingnan sa uri ng kanilang pakikipaglaban, isang agressibo at isang maingat! Napaka pino ng pagilag nito at talaga namang napaka lakas ng atake ng fanalis!
Nahinto silang dalawa at nakapagtatakang dumistansya sa kanya ang fanalis. Ngunit Mabilis itong tumakbo pagilid at sa isang iglap lang ay nasa harapan na ito agad ng dalaga, nagulat pa ito ngunit nagawa naman agad nitong masangga ang braso dahilan para tumilapon ito palayo at nakkamanghang kahit nasaktan ay maayos parin itong lumundag sa lupa, hawak hawak nito ang kaliwang braso na sumalo ng pwersa, hindi naman nabali ngunit mukhang namamaga ito at kailangan ng paunang lunas.
Mata sa mata kung magtitigan, mula rito ay ramdam ko ang tensyon maya maya lang ay marahang yumuko sa kanya ang fanalis at tumalikod akmang lalapit pa ito ng pinituhan sya ng maestro at tinuro ang linya. Gulat naman itong nagbaba ng tingin sa linya na tinutukoy.
Nasapo ko nalang ang noo ko dahil mukhang hindi nya namalayan na naalis na sya sa linya at tanggal na sya sa laro. Kita ko kung pano ma dismaya ito at naupo sa lupa.
Bumaba na ako at lumapit dito.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...