CLARA
Daha dahan kung minulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang init at mula sa labas, bahagya pa akong nasilaw at masamang tinignan si lena na syang nag bukas ng malaking pinto ng terrace sa aking silid.
Mukhang nasindak naman ito ngunit pinilit na maging pormal ang sarili habang naka yuko.
"Paumanhin po aking Bininibi, kailangan nyu na po bumangon, pagkat nais kang makasama ng iyong ama sa almusal." Paliwanag nito. "Ihahanda kuna po ang iyong pampaligo." saad nito habang naka yuko parin.
"Umayos ka nga ng tayo, ang pormal mo naman masyado, Clara nalang ang itawag mo saaki-"
"HINDI po maari binibini! Isa po yang malaking kalapastanganan sa iyo at sa iyong estado at pagiging dugong bughaw, At ayaw ko pong maputulan ng leeg!."bigla nyang pagputol sa sinabi ko dahilan para naasar akong tumingin sa kanya. Ayoko ko talaga yung pinuputol ang sentence ko.. Ka gigil!
"Oh bat ka sumisigaw!?" nakatono talaga dito yung pagiging kontrabida ko. Aga aga nag sisigawan.
Halatang nagulat si lena sa sinabi ko at parang meron syang napagtanto dahilan para yumuko ito ulit at mukang may balak ata makipag lips to lips sa sahig sa sobrang yuko talaga.
"I pag paumanhin nyu po sana ang kapangahasan ko binibini! Nabigla lamang ako" parang naiiyak na sabi nito, agad naman akong bumangon at inalalayan itong tumayo.
"Oo na, Ipaghanda muna yung pampaligo ko." Kalmado na sabi ko.
Feeling ko ang palaaway kulang masyado o Sya lang talaga tung Over reacting! Ang wierd lang pakinggan na nagpo "po" sila bilang paggalang kahit matanda sila saakin jusko lord. Although ka edad ko lang naman sya talaga pero hindi sa mundong ito at mas lalong hindi sa katawang ito. Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko sa mga bagay bagay.
Patungo na sana si Lena sa palikuran ng silid ng biglang nagsalita ang binibini dahilan para mapahinto ito.
"Sa susunod Lena, Wag na wag ka iiyak sa harap ko pag hindi kita binigyan ng pahintulot. Pakiramdam ko tuloy ang sama kong amo sa iyo. Ayoko ko nang ganon hm? Naiintindihan moba?" Sabi ng dalaga habang nagpatuloy sa pag uunat ng katawan.
Kaswal lamang ang pagkasabi ng dalaga dito at kung tutuusin ay isang itong uri ng kautusan ngunit iba ang dating kay lena ng mgasalitang iyon. Para bang hinaplos ang kanyang puso sa sinabi ng dalaga. Bahgya itong yumuko at nag papasalamat, dahil boung akala ni Lena ay may nagbago sa kanyang binibini.
Totoong ayaw ng binibini na may umiiyak sa kanyang harapan kahit di paman nangyari ang aksidente! Ang rason ay nasasaktan din ito na para bang nakikihati sa pag dadalamhati ng iyong puso na syang isang mabuting ugali ng binibini. Di ka nito iiwan hanggat di gumagaan ang pakiramdam mo.
Nakakalungkot lamang isipin dahil nung oras na kung saan ay kailangan nya ng kaagapay ay sya rin namang pinapalayo nya na para bang nagtatayo ng isang malaking harang, may ugali ang binibini na sinasarili ang problema. Gaya nalang nung pagka hindi pagiintindihan ng kanyang magulang.
Nag lalakad kami pasilyo at pinauna kong mag lakad si lena. Grabe yung laki ng mansyon na tinitirahan ko! Ngayon kulang napansin na sobrang yaman siguro ng pamilyang nito. Dagdag mopa na isa itong Duke na syang sumunod sa hari at ng pamilya nito pagdating sa otoridad.
Puro puti yung kulay ng mga dingding, napakarami ding salaming binatana kahit saang pasilyo at muntikan pa akong mapa-palakpak ng makita ko ang isang Fountain na naka centro sa masyon na ito. Feeling ko tuloy maliligaw ako dito.
Pansin ko ang tinginan nung mga tao sa paligid na nakatoon sa aming deriksyon na naramdaman din namn ni lena kaya humarap ito saakin.
"Tiyak na humahanga lamang yan sa iyong ganda, binibini at isa pa ay nagulat lamang sila dahil madalas kalang talaga lumabas sa iyong silid." Nagtataka man ay tinanguan ko nalang sya. binaling ko ang tingin sa mga tao at ngumiti dito.
Gulat silang lahat at nanlalaki ang mata na napatingin saakin at nagsimula na silang magyukuan isat isa. Napabusangot nalang akong at nagpatuloy sa paglalakad.
"Tiyak akong napagranto nilang ikaw ay isang binibini ng mansyong ito." at natawa ito, napangiwi naman ako kasi talaga bang di lumalabas ng silid itong si clara? Napakatamad naman na bata!
Nahinto kami sa isang malaking pintuan, di ko alam pero ngayon pa talaga ako nakaramdam ng kama pero satingin ko ay kaya naman. Sa daan palamang ay pinaalala na saakin ni Lena kung pano ang tamang asal ng isang binibini kung haharap sa mga may ranggong tao. Napaerap nalang ako sa pagiging o.a ng mundong ito pero sa labilang banda ay uncosciously ko naman itong na aaply. Ka embyerna!
Ako na ang kumatok at pumalikod sa akin si lena, nang bumukas ang pinto ay taas noo akong naglakad papasok at dun ko naabutan sa isang mahabang mesa si fredrickson yung lolo katabi nito ay lalaki na--TANGINA!
Bigla akong napamura sa aking isipan at gulat na nakatingin sa lalaking katabi ni lolo. Kamukha sya ng aking ama ngunit sya yung pina glow up na bersyon nito meron itong mahabang Gintong buhok na maayos na naka suklay palikod, maganda rin katulad ko ang matingkad nitong pulang mata na bumagay sa magandang hubog nitong katawan
Si daddy kasi mataba, di uso abs sa kanya di nga raw sya naka experience nun sabi nya pa saakin noon. Biglang tumikhim si lena sa tabi ko dahilan para lumingon naman ako sa kanya.
"Binibini Tumutulo ang iyong laway." naalerto naman agad ako at mabilis na tinikom ang bibig, pasimple kopa itong pinunasan at napansin ko na basa ang ibabang labi ko. Matalim kong tinignan si lena dahil hindi naman tumulo, tutulo palang! Kahit kailan napaka exaggerated ng mga salita nya.
Binaling ko ang paningin sa dalawang lalaki na ngayon ay napatayo na at naghihintay sakaakin. Kaya inayos ko agad ang sarili at nagsimulang bumati.
Bahagya akong nakayuko hawak ang kiliran ng aking bistida at marahang inaangat.
"Pagbati, Ama at sayo Lolo Fredrickson grosvenor." Sinadya ko talagang pinahaba iyon. Malabo man ngunit may naaalala ako kagabe at alam kong may nangyari na naman saakin.
"Ang haba naman nung saakin." sabat ni Lolo, napangiwi nalang ako kasi mukhang mag iinarte na naman ito. Lumapit na ako sa kanila at pina upo na ako ni Ama.
"Anong bang gusto mong itawag sayo?"sabi ko sa kanya, natuwa naman ito at nagsimulang mag isip."Lolo Fred or Freddie nalang ang itatawag ko sa'yo." Napalakpak naman ito at napatayo.
"ayon gusto ko yung freddie, lakas maka bata Hays!" at natawa agad ito napa iling nalang yung anak nya sa kakulitan ng ama. Di ko nalang sya pinansin at bumaling sa lalaking katabi ko na syang duke raw ng emperyo. Medyo nagulat pa ako ngunit agad din nakabawi ng naka ngiti na itong naka tingin saakin.
"ikinagagalak ko na makitang ayos ka anak." Napatango tango pa ito havng sinusuri ang kabuuhan ko. Di ko alam pero parang may biglang humaplos sa puso ko ang pamilyar na pakiramdam na ang tanging magulang mulang ang makapaparamdam sayo nito. Yung pag aalala.
"Ayos naman ba ang pakiramdam mo? Balita ko kay ama na nawalan ka raw ng memorya." malungkot na pahayag nito." kung hindi lamang ako naging pabayang ama ay hindi mo sana mararansan ito" dagdag nito.
"Ikina gagalak kong makita ka Papa William." di ko alam kung bakit naging malambing bigla ang boses ko.
Gulat itong napatigil at matagal na tumingin saakin. Sumulyap pa sya sa kanyang katabi na si lolo na nginitian bago tumango at bumalik ulit ang tingin saakin.
" Naalala mo ako, anak ko? " Puno nang pagasa na tanong nito.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...