Kabanata 33: Red District

3.3K 167 7
                                    


Nakanguso ako ngayon habang nilalapatan ng paunang lunas ni Amare ang pasa na binigay sakin ng babaeng yun.

Grabe! Mabilis at malakas talaga syang gumalaw at  maaring maahintulad sa mabagsik na leon, nagdududa nga ako kung tao pa ba sya o ano, pero wala naman itong buntot para masabi kong isa syang 'beastkin'(yun ang tawag sa mga hayop na may anyong tao.)

At isa pa ay, kung gumalaw naman ito ay talaga namang mukhang pinag iisipan ng maigi ang bawat maliit na segundo ng kanyang pag atake. Mukhang sanay na sanay sya sa: mga ganitong bagay.

Wala sa sariling napatitig ako dito dahil pamilyar and desckripsyun na binibigay nya sa binabasa ko nung nakaraang taon. Tungkol sa mga lahi!

Nakatayo na ang limang nagwagi sa paligsahang ito at kaming natalo ay hindi parin pinahihintulutan na makapasok sa linya. Ang mga nanalo ay may tatlong lalaki, at nakakamanghang napasama si Aira at syempre ang babaeng may pulang buhok, na ngayon ay naka angat ang tingin sa isang membro ng octagon. Napansin kung nakipagtitigan ito sa lalaking may pula rin ang buhok at mata na may halong ginto sa gilid, sa palagay ko ay kapatid nya ito, kunot noo at seryoso nitong pinagmasdan ang kapatid na babae na nag iwas na ng tingin dito at nagpaunang naglakad paalis.

"Oh ayan, ayos kana.." Nabalik ako sa ulirat at Linipat  ang atensyon sa katabi ko na tapos nang gamutin ang pamamaga ng braso ko. naupo parin ito sa tabi ko habang sinipat ko naman ang braso ko.  Grabe parang di tinamaan ng lintik ah! Akala ko ba paunang lunas bakit parang ginalingan naman.

"Salamat.." ngumiti ako dito at tumayo na habang pinagpagan ang sarili. Inalalayan ko naman itong makatayo na agad din naman yang tinanggap. Bigla akong napaisip  kung ano ang ginagawa nya dito! "Wala kabang pasok?.." tanong ko at nag iwas naman ito ng tingin.

"Wala! " sagot nya.

"Galit ka?" tanong ko dito ng biglang tumaas ang tono nya. At agad namang umiling ito. Halatang defensive. Pake ko ba kung may pasok sya, di naman ako ang babagsak.

Magsasalita na sana ito ng biglang lumapit si Syn. Inis ko naman itong pinagmasdan habang naka ngisi nang naglalakad palapit saakin. Problema nito?

"Nakamamangha binibini, ang galing mo naman! Nakita ko yun.." Masayang sabi nito sa harapan ko habang pumalakpak. Sinulyapan ko si amare na agad sumaludo at yumuko sa likod namin, di ko nalang pinansin at hinarap ang lalake.

"Ay! Pasensya wala akong dalang barya.." bagot na sagot dito at nagtaka naman syang tumingin saakin.

"Barya? Bininini.. At ano naman ang gagawin ko dun?" Tanong nya, pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa at iniisip kung dapat ko ba syang tratuhin ng mabuti o hindi, pero sa hule,  dahil nabwesit nya ako ay napagdesisyunan kung hindi nalang.

"Ibili mo ng babae." sabi ko at gulat naman itong napatingin saakin. At napaamang pa ang bibig habang napaturo sakin, agad ko namn itong tinabig at mahina syang pinalo sa braso.

"B-Binibini bat mo alam ang mga bagay na 'yan?" mahina nitong pagkasabi sakin. Naka ngiwi ko naman syang pinagmasdan at tinulak sya palayo. Paniguradong suki ang isang to so' Red District'.

Ang 'red district' ay isang  bayan ng Demacia  kung saan sumisigla lamang pag sumapit ang dilim. Dito ka makakakita ng mga babaeng bayaran at nagbibigay aliw sa mga kalakihan.

"Binibiro lang kita, pero basi sa reaction mo ay madalas ka nga  'dun'." Pangaasar ko dito at diniin pa ang huling salita dahil paniguradong alam nya naman ang ibig kong sabihin,  agad naman syang pinamulahan.

"H-Hindi naman sa ganon binibini.. Ang totoo nyan ay naka punta na nga ako dun. Dahil bilang prinsepe ay tungkulan kong libutin at pamahalaan ang sarili kong nasasakupang bayan."  sagot nito at natawa naman ako at ngumiwi sa kanya.. "Bat ka naman tumatawa.." dagdag nito habang nakanguso. Pinamumulahan parin ito habang nagbaba ng tingin.

"Sinong niloloko mo? Di ako naniniwala!" sagot ko dito, binigyan ko naman sya ng nandidiring tingin dahilan para mahiya ito at pamulahan habang namamanhang pinasadahan ako ng tingin. Nginitian ko sya ng  nakakaasar at akmang tatalikuran ko na sana ito nung biglang nagsalita sya

"Nakakainis ka, hindi ko to dapat sabihin, pero sinisira mo ang imahe ko na isang maginoong prinsepe." inis talagang sabi nito at lumapit saakin, di ako sumagot at nanatiling tahimik habang hinihintay ang sasabihin nya. Gusto kopa sanang mag react! Pero masisira ko ata ang sasabihin nya baka humaba pa ang asaran.

"Ang dahilan kung bakit kami pumupunta dun ay merong pakalat kalat na isang High rank demon sa lugar na iyon.. At sunod sunod na ang nakikitang bangkay sa lugar sa bawat pagsapit ng araw." sabi nito at gulat naman akong napatitig dito. 

"A-Anong sabi mo.?" Halos mautal ng sabi ko at tumitig dito. Nakatingin lang ito saakin bagamat seryoso ay di parin mawala ang pamumula.

"Sa katunayan ay ang kuya mo ay inatasang magbantay sa lugar na iyon." sagot nito na talaga namang ikinaayos ng tayo ko. Tumingin ako dito ng seryoso at pinapakiramdam sya at hinuhule kung nagsisinungaling ba ito o nagsasabi ng totoo. Pero wala e. Bigla akong kinabahan para sa kuya ko.

"Ayos ka lang ba binibini?... Nag-aalala kaba sa kuya mo?" tanong nito at wala sa sariling napatango naman ako at nagbaba ng tingin. "Walang mangyayaring masama sa taong yun, malakas si cale at totoong ma di-dismaya sya pag nalaman nyang  iniisip mo na masasaktan sya." saad nito, inuuto lang nya naman talaga ako pero atleast gumaan ang loob ko, nginitian ko nalang sya bilang pasasalamat at ngumiti naman ito pabalik.

"Oh bati na tayo ha.. Kaibigan?" Nakangising saad nito habang nilalahad ang kamay. Ngumisi naman ako sa kanya pabalik at pinag krus ang brasong pinagmasdan sya.

"Ayoko nga!"

"Ehhhh.. Ansama mo naman, pagkatapos mo pagsalitaan ng masama ang kaharian ko tapos inasar mopa ako sa mga bayarang babae, ito pa ganti mo." malungkot na saad nito ay umarting nasasaktan dahilan para mapangiwi ako.

"Ahhh.. Sinusumbat mo?"

"Sumbat naba yun?.. Ikaw nga tong nanakit ng puso ng isang gwapong ginoo, pakikipagkaibigan lang e.. Ang damot!." nakangusong saad nito at literal na napa-irap ako sa ere at nandidiring pinagmasdan sya. Masculine ang figure nya pero cute talaga sya tingnan, pero wag ako!

"EHEM!" sabay kaming napalingon sa likod at napansin ang kasama nitong membro rin ng Octagon. Kunot ang noo at ang sama ng tingin nito saakin. Ano na naman ba problema nya?

"Prinsipe Damian!?" Patanong na saad nito at wariy gulat ng makita itong nasa harapan nya. Tumingin naman ito saakin pero nag kibit balikat lang ako dito. "Ano ang iyong... sadya?" nakangiti nang tanong nito.

Damian pala pangalan nya, napatango tango ako habang pinagmasdan sya ulit mula ulo hanggang paa. Tch! gwapo nga hindi naman magiging akin, kaya pass! Ang tangkad pa, dapat Damulag pangalan nya!

"May Gaganaping tayong pagtitipon kaya tara na." saad nito at tumango tango naman sa kanya si syn.

"Bat personal mo pang sinabi saakin, andyan naman si Troy o di kaya si emman? Ayos kalang ba prinsepe Damian, may nakain kabang masarap tara bilhan pa kita." Nakangising saad nito at gulat naman si damian na tumingin dito..

"W-Wala! Nagkataon lang Na malapit ako." Saad nito at nag iwas ng tingin.

"Ahhhhh..." Tanging saad ni syn habang tinatanaw ang layo ng distansya ng mga membro ng octagram. Napangiwi naman ako.  Sinipa sya nito ng mahina at pinanlakihan ng mata.

"Oo na, Oo na.." pagsuko nito at nakangiting humarap saakin. "Paalam binibini, sasagutin mopa ako." natatawang saad nito habang paalis na naglalakad. Naiwan naman ang isa at parang tangang nakatulala saakin.

Sumulyap naman ako kay Amare na naka luhod na yumuko sa likod namin. Para din syang lena, ang O. A

binalik ko ang tingin sa lalaking prinsepe at masama rin syang tinignan.

"Problema mo.." mahina lang ang pagkasabi ko habang tinitignan sya sa mata. Halatang nagulat ito at agad na inayos ang sarili. Narinig ko namang napasinghap si amare.

"Binibini!.." Saway nito habang tinusok tusok ang paanan ko..  "P-Pasensya na po prinsepe damian." tumayo ito ay inalalayan akong yumuko. Inis ko naman syang tinignan.

"Ayos lang iyon, binibining Amare.. Naiintindihan ko ang ugali ng binibining ito, dati pa man ay sakit na ito ng ulo." Saad nito at mabilis na tumalikod saamin.

Problema nun?

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon