CLARA
PAKIRAMDAM ko ay ito ang pinaka unang pagkakataon na pinagbuhatan ako ng kama Lalo nat ng isang lalake. Damang dama ko ang gaspang ng palad nito at paniguradong nag iwan ito ng marka sa mukha ko. Akala ko ay mapipikon lang ito o masisindak sa sinabi ko.
"Senior! Isa kang lapastangan! Hindi mo kilala ang pinagbuhatan mo nang kamay!" Galit na sigaw ni lena at alam kong umiiyak narin ito pero di parin ako nagdilat ng mata.
"A-Ahh Tama na po!" biglang hiyaw ni lena kaya mabilis ko itong tinignan at nakita ko ang dumudugo na nitong ilong. Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili. Bumibigat na paghinga ko sensyales na pikon na talaga ako.
"Ang Lakas ng loob ng babaeng iyan na sumagot sa taong may mataas na katungkulan. Mukhang nag rerebelde na kayo mga indio!Mga walang utang na loob,Salot!" Gigil na sabi ng viscount at tinuro turo pa nang ngayon ay nakalukot na dyaryo si lena.
"Uulitin ko ang sinabe ko, makinig ka! Ilabas mo si aling Rita!" Sigaw ko dito at naalarma na naman ang mga kawal at nakatutok na sa ulo ko ang mga hawak nitong espada. Pero hindi ako nagpadala ng takot at nanatiling nanlilisik ang matang nakatitig sa kanya.
Inis na tumayo ang viscount at hinawi ang mga kawal sa harap nya. Humarap ito saakin at gigil akong sinuri habang nanalalaki pa ang mata na parang naghahamon.
Isa syang mid forties na lalake na may mustaches at panot na buhok. May kalakihan din ang tyan at mukhang nasa 5'6 ang tangkad. Medyo napa atras pa ako dahil ang lapit lang nya sakin, magkasing tangkad lang kasi kami at ang baho ng hininga nya!
"Ang lakas naman ng loob nyung dalawa para pagsalitaan ako, kaano ano mo ba si rita ha? Tang ina mo! " Malutong na mura nito saakin. Marahan ko na naman syang tinulak gamit ang kamao dahil lumapit na naman ito habang nagsasalita. Kumalma na siguro amg lahat ng parte ng katawan ko, maliban nalang sa aking kamao na ngayon ay nanginginig na nakatago sa ilam ng bistida ko.
"Ina sya ng aking alalay, At gusto kong sabihin sayo na mali ang ginagawa mo, ayon sa batas ng monarkiya numero pito artikulo uno. Ang pangaalipin lalo na sa ating lipunan ay isang legal na institusyon o sosyo-ekonomiko, NGUNIT hahatulan ng karampatang parusa ang sinumang susuway sa processo ng pang aalipin na pinataw ng monarkiya.Gusto kong ipaintindi dyan sa maliit na kukuti mo na dapat mas alam mo ang batas na ito dahil isang kabastusan ito sa mga namamahala sa itaas, sa emperador." Mahabang sabi ko sa kanya habang di maalis ang pangigigil sa bawat salitang binibigkas ko.
Gulat ako nitong pinagmasdan na parang di makapaniwala na alam ko ang bagay na ito. Di nakalagpas sa paningin ko ang panginginig ng mga labi at kamay nito. Paniguradong alam nya na ang karampatang parusang tinutukoy ko.
May kung anong hula ako na alin man sa mga oras nato ay dadanak ang dugo dito sa mansyong ito. Nagsimula nang nagsi-alisan ang mga katulong at nagtago sa isang isang silid, pawang mga kawal at ilang lalaking tauhan nalang ang natira rito. Mukhang nakabawi narin sa gulat si jones at nanglilisik na itong naka tingin saakin. Duro duro na ako ng dyaryo nya habang naglalakad palapit saakin at sa oras na nakatayo na sya sa harapan ko ay akmang sasampalin akp nito gamit ang dyaryo ngunit sa pagkakataong ito ay nasalo kona ang kamay nya.
"Di ka ata nadadala sa santong dasalan, senior! Kinausap kita ng maayos at pinagsabihan na kita ng maayos tapos ito lang pala ang ganti mo?" Tanong ko rito, at nanginginig na talaga ang kamay ko sa gigil. Pinagbigyan pa naman kita!
"At Sino ka para kwestyunin ang disesyon ko! Wala kang pake alam!" Sigaw din nito saakin habang nagpupumiglas sa mas mahigpit nang hawak ko. Bumabaon narin ang daliri ko at ramdam ko ang pag ngiwi nito.
"Dahil ba, natatapakan ko ang pagkalalake mo? Ang pesteng titulo mo!?" Sabi ko dito at malakas syang sinampal pabalik habang hawak parin ang braso nya. Napahawak pa ito sa lupa na parang nahihilo.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...