Kabanata 22: Marka Ni Clara

3.8K 176 9
                                    

CLARA

Pagkatapos ng paguusap namin ni ama ay naglalakad na ako pabalik sa silid kasama si Lena. Binati ako ng mga katulong nung makita akong napadaan. Nginitian ko nalang sila bilang sagot. Ngayon ay masasabi ko nang nasanay na ako sa ganitong pakikitungo.

"Binibini, Mangungulila ako sa iyong pag-alis."Sinulyapan ko naman sya at talagang malungkot na ito. Napa irap nalang ako sa ere at binuksan ang pinto.  Nag iinarte naman sya.

"Lena gusto ko maligo." bagot kung saad sa kanya, ang lagkit narin ng katawan ko, pano ba naman kasi dumikit parin ang mga harina sa balat ko

"A-Ahh Opo, ipaghahanda na kita." Sagot nya at nagmamadaling naglakad tungo palikuran. Napag desisyunan kung maupo muna sa terrace at pinagmasdan ang kalangitan. Di ko maiwasang mapangiti dahil nagawa naming magkumustuhan ni ama. Kasing ugali talaga sila ni Daddy ko, the way sila mag lambing parehong pareho, ang pinag kaiba lang ay di kopa nakitang magalit si dad saakin o sa ibang tao. Di ko pa namalayan ang oras at hapon na pala, malapit ng dumilim.

Mula rito ay masaya kong pinagmasdan ang pagbaba ng araw. Natutuwa akong maranasan muli ang pagmamahal ng isang ama, ipapangako ko na pangangalagaan ko ito ng lubos.

'Knock knock'

Napalingon ako nung biglang may kumatok sa pinto, akmang maglalakad na ako patungo dito upang pagbuksan nang biglang lumabas si lena sa palikuran at nagmamadaling tumakbo patungo sa pintuan at sya na ang nagbukas.

Natawa naman ako dahil para syang bali nag-mamadali kahit puro bula pa ang kamay.

Nakita ko ang isa ring katulong na ngayon ay kausap ni Lena at may dalang serving cart. tumalikod nalang ulit ako at hinaayan silang magusap. Nagpalabas ako ng kuryente sa kamay at pinilit inaasinta ang mga ibong lumilipad pero kahit ni isa ay hindi man lang ito tumama. Ang likot kasi nila.

"Binibini, narito napo yung mga pagkain, Maliligo kapo ba muna o kakain na, nang maipaghanda kuna kayo?"

"Kain muna tayo" at tinuro ko yung lamesa sa terrace.

"Eh? Malamig dyan binibini, baka maambunan ka." pero iling iling akong nagmatigas.

"Hayaan muna.. sinusulit kuna nga yung gabi ko dito e. Kasi sa susunod na linggo ay hindi na ako makakatira dito." sabi ko at malungkot na napabuntong hininga nalang ito at naglakad papunta sakin habang tulak tulak ang kariton.

Naupo na ako ngunit nagpangalumbaba parin habang tinatanaw na ang ngayong madilim na kalangitan. Kakaiba talaga to sa dati kong mundo. BAGAMAT nangugulila ako dito ay di ko maitatangging nag eenjoy na ako kasama ang bago kong pamilya, kahit hindi pa man kumpleto.

Hindi nagkulang ang ama ko na iparamdam saakin ang pagmamahal kahit wala pa rito ang ina. At natutuwa rin ako kasi nagkaroon ako ng nakakatandang kapatid, kahit mayka pasaway man ay masasabi kong napaka alaga naman.

"Binibini nagagalak kana siguro na makapasok sa paaralang iyon." Masayang sabi ni lena. Di ko man lang napansin na tapos na itong maghanda at naupo na sa harap ko. Nginitian ko ito ng pagka laki at marahang tumango.

"Oo naman, gusto ko kasing lumakas ng lumakas yung tipong kaya ko nang ipagtangol ang sino man sa mahal ko sa buhay." mahabang saad ko dito, at napangiti naman itong pinagmasdan ako. Sumenyas akong kumain na kami at nagsimula na nga kaming kumain.

Dumaan ang ilang minuto nang mahabang katahimikan at seryoso lang sa pagkain. Ninanamnam ko kasi ang masarap na naputahing nakanda ngayon. Maya maya ay nagsalita muli si lena.

"Mangungulila ako sa iyo, binibini." Malungkot na saad nito, mukhang naiiyak na. Pero agad kong dinuro sya ng kutsarang hawak ko at binantaan. Subukan lang talaga nya umiyak! Mukhang nakuha nya naman ang ibig sabihin nito at agad na nagpahid ng luha. Napaka OA talaga ni lena. Iyakin amputa!

"Pinagsasabi mo?" takang tanong ko dito.

"Eh diba aalis ka, edi maiiwan ako dito sa mansyon, nakakalungkot kaya iyon." napangiwi naman ako sa sinabi nito. Umakto pa itong nalulungkot kumain ng parang walang gana. "Parang ayaw ko na tuloy mabuhay" dagdag nya.

"At bakit mo naman naisip na maiiwan ka aber?" tanong ko sa kanya. At gulat naman itong nag angat ng tingin!

"Eh bawal naman po dun ang mga katulong na gaya ko. Iyong kuya mo nga ay hindi rin nakasama ang katulong nito." sagot nya naman saakin. Sa pagkakataon ngayon ay umakto naman akong nandidiri sa kanya, nandidire sa kabobohan nya.

"Malamang ay lalake iyong kuya ko, at tanging mga binibini lamang ang pwedeng magdala ng alalay sa akademya. Nagbabasa kaba?" Naniinsultong sagot ko sa kanya.

"Ahh ganon po ba?" sagot nito pabalik habang napakamot pa sa ulo.

"At diba ay nanadpn ka kanina sa opisina ng ama. Pinaguusapan kana namin at lahat, dimo parin alam. Nag shashabu kaba?" Tanong ko sa kanya. Kasi nandon na nga sya sa loob at hindi naman kami nagbulungan ng tatay ko sa opisina para di nya kami marinig. Gulat naman itong napatingin saakin at sinasapo ang ulo.

"Pasensya napo binibini, di kopo namalayan. Tanging lungkot lang po kasi ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Di ko na po magawang makirinig pa sa pribadong pakikipagkumustahan nyung dalawa, paumanhin po ulit!" sinserong paumanhin nito kaya tinanguan ko na ito.

Natapos ang kainan at talagang masaya si lena sa mga oras na to. Ganado syang nagligpit at nagwalis sa boung silid. Pinunasan din nya ang salamin na pintuan ng terrace! Napa iling nalang akong naglakad papunta sa palikuran. Loka loka talaga!

Nagsimula na akong maghubad at maiging pinagmasdan ang hulmado kunang katawan sa salamin. Di ako makapaniwala na mukhang magkaka abs pa ata ako dito tapos angganda pa ng hugis ng dibdib ko, para akong tangang pinagpapantasyahan ang sariling katawan at nagawa kupang kumidat dito, ganda ko kasi.

Ibabad kuna sana ang katawan ko ng may mapansin akong nagliliwanag sa likod ng aking katawan. Wala naman akong nararamdamang masakit ngunit nababahala parin ako sa kung ano man ito.

Maingat akong lumapit uli sa salamin at hinawi ang malago kung puting buhok. At nagatataka akong pinagmasdan ang parang isang marka na nakaukit sa likod ko.

Habang pinagmamasdan ang nakaukit na para nang tattoo ay di maalis saaking isipan ang pagiging pamilyar dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Habang pinagmamasdan ang nakaukit na para nang tattoo ay di maalis saaking isipan ang pagiging pamilyar dito.

hindi ako pwedeng magkamali dahil alam kong isa itong constellation at nakapagtatakang pano ako nagkaroon ng bagay na ito. Akmang lalabas sana ako at ipapakita ito kay lena  nung mapansing kung biglang nawala ito. Impossible namang namamalikmata ako.

Bumalik nalang ako sa tub at tuluyan ng binabad ang sarile, Ano ba ang ibig sabihin ng markang iyon, may gusto ba itong ipahiwatig? Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko ngunit pakiramdam ko talaga ay may nagbago. Di ko lang matukoy kung ano. Bila tuloy ako Nakaramdam  ng pagka bahala para sa aking sarili. Mabilis akong naligo at nagbihis.

Pinilit ko itong ialis sa aking isipan. Ngunit parang tumatak ata ang itsura nito. Sinubukan kung ipikit ang aking mga mata at napasapo nalang ako dahil di talaga sya maalis sa aking isipan.

Kumuha ako ng kwaderno at ginuhit ang kanina pang bumabahala sa isip ko. Ito ang problema ng pagkakaroon ng matalas na memorya, nang matapos ako sa pag guhit ay maigi kong tinitigan ito tinaas taas ko pa ito habang nakatabingi pa ang ulo. Ang alam ko lang kasi ay isa itong constellation, di naman kasi ako nagpapaniwala dyan.

"Ano ba ang ibig sabihin ng markang ito? At Sino kaba?"

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon