CLARA
"Nakakalula naman yung taas ng dingding dito, hindi naman higante ang mag-aaral." Wika ni Lena habang palinga linga sa paligid.
Kasalukuyan kaming naghihintay sa loob ng paaralan, di muna kami dumeretso baka maligaw lang kami, kasama ko rin ang ilang bagong studyante rin dito, may dadating daw kasing staff upang gabayan kami sa loob.
Napansin ko na pati sila ay pinagtitinginan at pinag uusapan din ako. Syempre. Nakaramdam din ako ng inis pero di ko nlang sila pinansin at nagbaba ng tingin.
"Agaw pansin ka ata binibini, pinagtitinginan ka ng mga prinsepe, prinsesa at ng ibang anak ng aristokrata." Mas lalo akong nainis dahil pina alala pa ni lena. Gaga talaga!
"Wag mo nalang pansinin." sabi ko.
Ilang minuto rin ang lumipas at may natanaw akong taong nagmamadaling makalapit samin.
"Paumanhin kung ako man ay nahule mga binibini, ginoo!" hingal na hingal na sabi ng dalaga. Mukhang malayo ang tinakbo.
"Napaka kupad no naman! Kanina pa ako naghihintay dito, sumasakit na ang paa ko! EL STUPIDO!" Napalingon ako sa babaeng nagsalita at talagang galit na galit ito dahil lang sa pinaghintya sya, pinagmasadan ko ang kasoutan nito at satingin ko ay nagmula pa ito sa maranghyang pamilya.
"P-Paumanhin ho Prinsesa Florence. Galing pa po sa unang ipinag-utos sa akin.
" Walang akong pakialam! At Wala kang karapatan para sumagot saakin!" nangangalaiti natalagang sigaw nito, nagsilabasan narin ang ugat nito sa leeg. Gagawa ba sya ng eksena? Di na nahiya. Nanatili nalang tikom ang bibig habang nakayuko ang babaeng pinagsalitaan nito. Medyo nakaramdam ako ng konting awa.
Akmang lalapitan nya pa ito pero pumagitna na ako at naka cross ang brasong hinarap sya at tinignan sya ng seryoso.
"Ano nga ulit ang iyong ngalan?" Kunwaring tanong ko dito, at napasinghap naman ang ilan naming kasama at kasama na dun ang babaeng nasa likod ko."Ahh Florence, Gusto ko lang ipaalala sayo na, sa loob ng pasilyong ito ay hindi ka prinsesa at hindi ako binibini. Pantay pantay ang karapatan na dapat makuha ng isang maggaaral dito, kung iyong mararapatin ay hindi lang ikaw ang pagod." sinulyapan ko ang babae at marahang tinanguan ito,namangha naman itong tinignan ako pero di ko na iyon pinansin
Sinenyasan ko ito na ituro na ang lugar kung saan ang dormitoryo at tango tango naman itong sumagot saakin.
Sinulyapan ko si florence na ngayon ay galit ang mga matang naka tingin saakin, halatang napahiya at nagtitimpi na sa inis.
"Magbabayad ka sa ginawa mong ito! ." Inis na sigaw nito saakin at dinuro duro pa ako nito habang pinamumulahan ng mukha. Oh my! Natapakan ko ata pagkatao nya, gusto kong matawa!
"At bakit naman ako magbabayad? Wala naman akong nakuha sayo." pamimilospo ko sakanya at mabilis syang tinalikuran.
Nagsimula nang ituro saamin kung saan ang aming dornitoryo. Sa paglalakad ay madami talagang napapasulyap saakin o paranoid lang ako, ang feeling ko naman sa part na yun pero nagbaba parin ako ng tingin.
Narating namin ang dormitoryo ng mga babae at meron itong malaking tarangkahan na gawa sa kahoy at metal. May bantay itong dakawang kawal na babae kaya Nagpaiwan ang mga lalaki sa labas at pumasok na kami sa loob. Nagpaalam narin saamin ang babaeng gumabay samin at ihahatid paraw nya ang mga kalalakihan.
Di na ako nag paalam, dahil di naman kami magka kilala, inikot ko nalang ng tingin ang boung lugar at kunwaring naghanap.
Natanaw ko ang mukhang reception table, dun daw kasi kukunin ang mga susi ng dorm. Actually mukha syang 5 star hotel sa pagkalaki na may european ambiance na makikita sa loob lang din ng paaralan. Di ko na naman mapigilan mapangiti.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...