Kabanata 31: Palaro Ng Maestro

3.5K 158 14
                                    

ARAW ng myerkules at natuto na ako kahapon, maaga narin akong nagising at nagtungo sa lugar ng pagtitipon. Quarter to five na ng nakarating ako at madami narin ang nandito. Hindi ko narin mahagilap ang mga taong sumuko kahapon, marahil ay lumipat na talaga sa pagiging mage.

Nakita ko si Aira na nakatayo habang humihikab, soot na nito ang pabigat na paniguradong maayos na naka adjust. Lumapit na ako dito, nang mapansin ako ay patakbo itong lumapit saakin at nag apir kami! Oo marunong na sya, tinuruan ko kasi sya kahapon dahil nagtatanong ito kung ano ang common na ginagawa pag natutuwa ka sa isang tao. Sakto na yun ang pumasok sa isip ko kaya ito ang tinuro ko, natuwa naman sya, uto uto talaga.

Tumabi na ako dito at liningkis naman nya ang sarili sa braso ko.

"Umayos ka nga!" inis na saway ko dito, pagkatapos talaga nung nangyari sa nakaraan ay ganito na sya kung umakto. Hindi ko naman sinabi na magkaibigan na kami pero ito sya! Binubura ang linya.

"Ang bango mo talaga binibini, ano pabango mo?" tanong nito at inamoy ang leeg ko. Kita ko naman na may napapatingin na saamin at di ko matukoy ang expression nila.

"Wala akong pabango, tumabi ka nga, baka kung anong isipin ng iba." Lumayo ako dito at piningot ang ilong nito.

"Haaa! Ibig sabihin natural na amoy mo iyan? Ehhh Amoy rosas, ang lambot pa ng balat mo, baka umiyak ka nyan pag nasugatan?" Pang aasar nito pagktapos nyang amoyin uli ako, baliw adik talaga sya! Pero di naman ako naasar, di ko nalang pinansin at nginisihan ko nalang sya ng mayabang pabalik.

"Magaling lang ang doktor ng aming tahanan, ni peklat ay wala kang makikita saakin!" Umikot ako dito at nakapamewang na humarap sa kanya, naiingit naman itong humawak saakin.

"Ehhhh gusto ko sya makita!" parang batang saad nito saakin. Tinawanan ko lang sya at umiling iling dito, senyales na ayaw ko, Tumunog na ang serbato kaya lumayo na ako kanya at pumunta sa pwesto ko.

Napansin ko pa ang dalawang tukmol na namumula habang nagiwas ng tingin ng makita ako, nagtataka naman ako sa kinikilos nila. Ano na naman ba ginawa ko sa kanila. Di ko nalang din pinansin at serysong nakikinig sa maestro.

"Makinig!" Sigaw nito at tumindig naman ng tayo ang lahat ng magaaral, kasama na dun ang mga taong nasa harapan namin. Pito lang sila kasi nasa misyon daw si kuya. Bida bida talaga laging nag sosolo. Napaismid nalang ako at binalik ang atensyon sa guro.

"Simula sa araw na ito ay araw- araw nyu dapat soot ang mga pabigat na yan. Kahit kumakain o nagaaral, kahit pa naliligo o natutulog ay hindi nyo dapat i-aalis yan sa katawan nyu. Tatangalin lamang  natin iyan sa araw ng byernes at ibabalik agad pagtungtung ng sabado hanggan sa umulit na naman ang araw ng byernes." Seryosong saad nito, ramdam ko na gusto nilang umangal pero mabigat ang pinaparamdam nitong otoridad saamin, ako man ay mararamdaman ito na parang bang ang pagtanggi ay hindi kasali sa choices na pagpipilian mo.

"May pinagawa kaming mga bagong pabigat, pareho lang ang modelo at istilo ngunit may nakagukit na dito ang iyong mga ngalan at simbolo ng paaralan, bilang pagkakakilanlan na isa kayong Knights! Darating na iyon ilang segundo mula ngayon........." at tumalikod ito saamin. Nagtaka naman kaming lahat sa sinabi nya, pag iisipan ko na sana syang baliw ng bigla kaming naalarma  ng may naramdam akong mabilis at malaking bagay na diritso lang na bumubulusok patungo sa diriksyon namin.

Nakaramdam ako ng kaba ng makita ko ang nag aapoy na bagay na sobrang laki at bilis ng takbo nito sa hangin. Napaatras na kaming lahat pero yung nasa harapan ay naka harap lang saamin ng seryoso at ang guro ay nakatalikod sa amin at hinarap ang mabilis na bagay na halos kasing laki ata ng tatlong matatankad na taong kilala ko.

Pero walang kahirap hirap itong sinalo ng guro at isang kamay lang ang ginamit nya dito humarap ito saamin habang buhat buhat parin ito  at Malakas nyang binagsak sa lupa dahilan para bumitak ang binagsakan nito at bumaon. Lumapit sya dito at mukhang may pinipindot pa.

Isa itong malaking kahon na kulay abo at itim. Gawa lahat sa makapal na metal at mula rito ay ramdam ko talaga ang bigat nito.

Kaming lahat na nandito ay gulat parin at hindi talaga maka recover agad sa nangyari ngayon lang saamin. Halos mag mistula na itong bulalakaw pero kalmado lang silang lahat na nasa harapan at nakakamanghang nasalo pa ito ng matanda ng walang kahirap hirap. Inayos  ko ang sarili at maiging pinagmasdan sila. Sila yung mga taong dapat kung mahigitan, at sila ang gagamitin kong basehan kung gano na ako kalakas sa susunod na mga buwan.

Lumutang mga maliit na  kahon na nasa loob ng malaking lalagyan nito. Napansin kung kinukuntrol ito ng maestro kaya mas lalo akong namangha na naman dito. Di ko tuloy maiwasang mapatanong sa sarili kung Ano bang uri ang kapangyarihang taglay nya?

Napaangat kaming lahat ng tingin sa ere ng himinto ito sa tapat ng ulo namin. Si itsura ng kahon ay alam ko nang ito ang mga pabigat na sinasabi nila. Dahan dahan itong bumaba sa mga palad ko at bumagsak dito.

"Wag nyung pwersahin ang sarili nyu. Ibaba nyu sa 20 kilo ang bigat at pag sa tingin nyu ay kaya nyu na ang sunod ay tsaka nyu ito itataas, kayo ang may mas alam sa katawan nyu kaya hindi problema ng paaralan kung ano man ang mangyayari sa katawang nyung yan. Naiintindihan!? " Sigaw nito at sumaludo naman kami dito vilang sagot.

Sinoot kuna ito at binababa sa 20 kilo ang bigat. Ibig sabihin nito ay 80 kilos ang binibuhat ng boung katawan ko ngayon. Huminga ako ng malim at ininda ito, para rin naman to saakin, ayoko maging mahina, kung kaya ng ibang babae na kabilang sa octagon ay dapat lang na kaya ko rin.

"ATTENTION!" Sigaw ng maestro, kahit nabibigatan man kami ay ni isa saamin ay hindi nagpakita ng kahinaan at inayos parin ang saludo sa tumatayong kapitan ng boung bilang! "Makinig! Ang iyong magiging aktibidad sa araw na ito ay isang laro.. Ang gagawin nyu lang ay itutulak palabas ang lahat ng kasama nyu sa guhit na pumapalibot boung sa talampas, Ang matitirang Limang tao ang ituturing na panalo sa araw na ito at makaktangap ng karagdagang puntos para sa grado." Masaya nang pahayag nito at nag simula naman ang bulungan ng lahat ng nandito, hindi na ako nagsalita at napapikit na nag iisip nalang kung paano ko maisasali ang sarili sa limang mananalo. 

Ang bilang ng maggaaral na  knights na nandirito ay mahigit limang daan. 1st years and second year batch palang ito. Iba kasi ang oras at lugar ng mga mas mataas saamin. Kasalukuyan akong Isang nasa pangalawang taon na knights, mukhang umabante ako dahil nagawa kung maitama ang lahat ng tanong ng pagsusulit sa monarkiya. Unfair pakinggan para sa iba pero wala akong magagawa. Puro tungkol kasi sa monarkita ang tinuturo sa unang taon at dahil sa suhistyon ng mga maestro ay pinilit nalang akong inabante at matuto na agad  ng mahika at espada na pabor naman saakin.

"Hindi kayo maaring gumamit ng kahit ano mang kapangyarihan, tanging natural na lakas lamang at ang iyong isipan ang magiging iyong sandata sa bagong likhang lugar ng pakikipagdigmaan" dagdag nito na sumisigaw sa pagiging patas.

Hinanda ko ang sarili sa mgaganap. Dilikado ako kung maisipan akong pagtutulungan , ayaw kong magpakumpyansa pero ramdam ko talaga ang init ng tinginan nila saakin. Lalo na ng ibang kababaihan dito. Hinanap ko si aira at nang makita ay nagtanguan kami sa isat isa. Wala sa sariling napangisi ako sa kawlaan.

Na ah! Hindi ako mag papatalo.

Nagsimula na kaming dumistansya sa sa isat isa, nag simula na ring umangat ang kinakatayuang lupa ng membro ng octagon at ng maestro na nagiwan ng malaking butas sa baba. Mula dito ay pinakita namin ang paghanga sa kanya, Inaninag namin sila sa taas at hinintay ang magiging hudyat para saamin.

"PRRRRTTTTT!"

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon