Damian Pov.Kakarating palang ng aming sinasakyang karwahe sa tahanan ng mga Grosvenor. Nais sanang sumama ng ina ngunit abala ito sa kanyang obligasyon bilang reyna. Pinapaabot na lang nito ang pakikiramay sa kanyang dating guro.
Napansin kong nakaupo lamang sa damuhan malapit sa Fountain ang mga taong may mababang katayuan sa buhay, gayunpaman ay makikita mo sa kanila ang pakikiramay at totoong lungkot sa kanilang mga mata.
Di na ako magtataka kung napaka buti nang senior sa mga ito.
Gusto ko sanang samahan ang mga ito ngunit maraming nakamasid na mga aristokrata sa aking pagdating.
Mula rito ay tanaw kona ang pagsilip ng ilang aristokrata saaking kinatatayuan.
Habang pinagmamasdan ko ang paligid mula rito sa labas ng tahanan ng mga grosvenor ay damang dama mo na agad ang lungkot na meron sa loob.
Di ko tuloy maiwasang maisip na ..
Paniguradong umiiyak na ang binibining iyon.
Nagsikilos na ang mga kawal na kasama ko bilang dagdag seguridad bantay sa paligid.
Inayos ko ang sarili at buntong hiningang pumasok sa loob.
Bumungad agad saakin ang sari saring bulungan sa loob, kahit na mas nakakatanda saakin ito ay hindi ko obligasyong bigyan ito ng pansin o galangin man lang.
Bilang susunod na hari ay ang nararapat ko lang tingalain maliban sa mga hari ng emperyo na sakop ng Britannian ay ang Apat na taong namununo ng emperyo.
Yun ay ang Duke na gabay ng ama ang ama ng Grosvenor na magkakapatid, ang aking inang reyna na namamahala sa edukasyon at trabaho, ang emperor na syang pinamumunuan ang lahat at ang Arsobispo (Archbishop).
Ang Arsobispo... balita ko nga ay dadating rin iyon dito upang ihatid ng personal ang pakikiramay sa yumao nitong amigo.
Sa hindi ko maunawaang dahilan ay hindi maganda ang dating saakin ng arsobispong iyon.
Di ko batid kung bakit di ako komportable sa kanyang presensya.
Pilit kung winaglit nalang muna iyon sa aking isipan at nagpatuloy sa paglalakad.
Saang sulok ay nariyon ang kumpol kumpol na nag uusap na halatang may katayuan sa buhay.
"Ang mahal na prinsepe, napaka kisig na binata"
"Kuhang kuha ang hulma ng kanyang ama"
"Sa tingin ko ay mas hawig nito ang kanyang ina"
"Napaka gwapo."
"Syang tunay amiga"
"Napaka elegante. "
Halos matatanda ang dumalo sa lamay na ito. Kaunti lamang ang nakikita kong bata at kaedad ko rito. Sa gitna ng tahanan sa mismong harap ng litrato ay naka upo ang mga makapangyarihang pamilya sa boung britannia.
Nag sitayuan ito at nagbigay galang saakin.
CLARA POV:
"Lena, Nakita mo ba si ama? "
"Balita ko ay nagtungo ito sa baba dahil may importanteng panauhin daw na dumalo. "
"Tch, Sino na naman kayang paimportanteng taong yan. " Saad ko habang tumalikod at naka pamewang.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...