"Binibini, ano poba ang nangyari at bakit basag lahat ng salamin sa balkonahe mo?" Nag aalalang saad ni lena at sumulyap sa pwesto ng balkonahe.
Napakagat nalang ako ng labi at nginitian ito.
Nadurog kasi ang sahig at basag ang salamin na mga desenyo nito.
Dyan ko kasi binuo yung pwersa para maka tungo agad ako ng mabilis sa kanya, buti nga at di nasira yung railings na gawa sa semento e.
Knock knock!
Nag sitinginan kami ni lena ng may narinig kaming may kumatok sa labas. Yung gaga naman ay tumingin lang din sakin ng may pagtataka.
Kaya Kunot noo ko syang tinignan at Pinag krusan ng braso.
"Ako paba ang magbubukas maam? " Sarkastikong tanong ko dito at napahiya naman itong nag kamot ng ulo at dali daling nag lakad palapit sa pinto.
Uma attitude na ah
Bumungad saamin ang tatlong lalake na mukhang mga clerk ng paaralan, nang makIta nila ang ilang bitak ay kamot ulo din itong napasulyap rin saakin.
Napangiti nalang ako ng hindi komportable.
Hingingan ako ng mga pangyayari at kweninto ko naman na nag sasanay lamang ako. Marami pa silang tanong kagaya nalang yung tungkol kung ayos lang ba ako at may nararamdaman ba akong kakaiba? At tanging iling lang naman ang sinagot ko.
Nang matapos ang pakikipag maritesan sa kanila ay sinimulan na nilang ayusin yung mga nabasag at nasira.
Na gulat pa ako ng hindi man lang tumagal ng isang minuto ang repair, mas matagal pa yung chikahan namin nung mamang nag interview.
Gumamit sila ng mahika na sa palagay ko ay may kinalaman sa oras. Nakaka bilib.
Sa tagal ko rito ay unti-unti na akong nasasanay sa kakaibang pinapamalas at kakayahan ng mga tao sa mundong ito.
Nang matapos na lahat ay may pinirmahan muna sila sakin bago umalis. Nag pasalamat ako dito at pinahatid sila kay lena sa labas.
Pinagmasdan ko muli ang nasira ko kanina at naka mamangha talaga at para talagang bago ulit.
Para tuloy akong batang manghang mangha dahil naka kita ng pang uto sa bata na mahika.
Naramdaman ko ang paglapit ni lena at pagbuntong hininga nito bago nag salita.
"Binibini, ikaw po ba ay papasok sa iyong susunod na klase? " Tanong nito, Tinanguan ko sya habang inayos ang ilang nagkalat na buhok sa mukha ko.
"Kung gayon ay ipaghahanda na kita nang iyong pampaligo." Saad nito at naglakad na patalikod.
Iling iling akong pinag masdan ang nasira ko kanina na maayos na ngayon at pinulot ang ilang tipak na bato na naka ligtaan nilang damputin.
Hawak hawak ko lang to ng may napansin akong sadyang kakaiba.
Nakapagtataka lamang dahil mukhang hindi ako nakaramdam ng pagod sa laban namin ng babae kanina.
Sa pagka alala ko ay tinodo ko na yung kaya ko
para lang makalapit sa babaeng yun. Halos mahubadan pa ako sa ere. Grabe!Napaka hype ko naman ata.
Tatalikod na sana ako at nang maka gayak na sa paliguan ng masagi ko ang sandata na pinatong ko sa mesa kanina.
Binitawan ko na ang bato na hawak ko at dali daling pinulot ito sa hapag.
At sa oras na nahawakan ko ito ay agad akong naka ramdam ng kirot na parang dina anan ng matulis na bagay sa ibabang parte ng batok ko.
Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong ito ay parang isa pamilyar na sensasyon sa katawan ko.
Masakit man ay ininda ko ito dali dali akong tumakbo sa palikuran at marahas ko itong binuksan.
" DIABLONG GALA!" Patalon na sigaw ni lena at nabuhusan pa ako ng tubig.
Gulat akong napatingin sa kanya at agad naman itong lumapit.
"Binibini naman e, alam mo namang napaka nerbyoso ko. " Mahinang saad nito pero nanginginig na ang kamay na naka hawak ngayon sa palda.
Di ko na yun pinansin at mabilis na sinipat ang likod ko sa salamin.
At dun ko nakita ang konstelasyon na Libra na syang nakaukit sa kulay itim at ginto.
Sinubukan ko itong pinunasan ngunit para na talaga itong tattoo na di matanggal tanggal. Kahit si lena ay nagulat ng mapansin ang simbolo na naka ukit sa ibabang batok ko.
Napatakip ito ng bibig at sinipat nang mabuti ang likuran ko.
"Binibini! Dyos por santo! Pano ka nag ka roon ng marka ng isang tangol! at marka pa ng isang dyosa?" Si lena.
Dyosa? Tangol? Ano na naman ito?
Sinipat ko muli ito, napaka ganda ng pagka ukit at sa di mawaring dahilan ay nararamdaman kong napaka espesyal nito. Dumagdag pa ang mga tinuran ni lena ngayon ay tulala nang nakaluhod sakin.
Maya maya rin ay inayos nito ang sarile at lumapit.
"B-Binibini, nais ko sanang malaman kung kailan pa? Kailan mo pa nalaman ang markang yan." Tila seryosong tanong nito na sadyang nakapag-papabagabag sa akin.
"Hindi ko alam." Sagot ko dito at pinagmasdan muli ang sarili sa salamin. Napa buntong hininga nalang nalang sya at inayos ang paliliguan ko.
Habang nag aayos sya ay di naka takas sa paningin ko ang paglunok nito, halatang natatakot. Sa huling pagka alala ko ay nangyari ito nung bago ko linisan ang mansyon. Meron ba akong nakalig taaang basahing impormasyon? Sa pagkaka alam ko ay parang nabasa ko naman lahat iyon.
Nagpaalam na si lena na mag ayos ng silid kaya binabad ko na ang sarili. Mabilis ko iyong tinapos at kaagad ding nagbihis.
Sout ko ngayon ang uniporme, at laking pasalamat ko na hindi makikita ang tattoo dahil sa kwelyo. Pakiramdam ko kasi ay masyadong mahalaga ang markang to, at isa pa nahihiya ako. Enebe baka may magkagusto pa e.
Umupo na ako sa harap ng salamin at agad namang lumapit si lena para ayusin ang buhok ko.
"Tungkol sa marka mo binibini, para sa iyong kaligtasan, ay mas mabuti sigurong wag mo muna ito ipakita sa kahit kanino." Biglang saad ni lena na ngayon ay naka tingin sa repleksyon ng salamin.
"Kahit kay Ama?" Diritsong saad ko.
"Kalapastangan man na manggaling mismo saaking bibig ngunit, para sa kaligtasan mo , Kahit pa sa iyong, ama binini." Saad nito at ramdam ko ang pagiging seryoso nito.
"Kahit pa sayo?" Biro ko at nangunot ang noong bumaling sakin.
"Binibini, anukaba! Syempre hindi na ako kasali kasi para san pat alam kuna." Saad nito. Hindi na ako sumagot pa.
Edi ikaw na hindi mabiro. Di kita bigyan ng lalaki nyan e.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...