Kabanata 41: Mysteryosong Babae.

3.2K 169 11
                                    

MAAGA akong nagising para sana sa gaganaping practical sa araw na to, pero nabalitaan ko nalang kay lena na ginalaw daw ito at linipat mamayang ala una ng hapon dahil may naganap na pagpupulung at umabot pa ito sa madaling araw!

Ganun ba talaga iyon ka importante?

Kunot ang noo akong nagtungo  sa bintana at nagpangalumbabang pinagmasdan ang labas at dun ay may napansin akong pigura ng isang tao na nasa tuktok ng puno. Di na ako nagulat ng makita ko na naman itong nakamasid saakin.

Blankong tingin lang ang ginawad ko dito at sa boung akala nya naman ay hindi ko sya na papansin.

Hindi ibig sabihin na nakakalapit ka sa prinsepe ay ligtas kana. Itataga ko sa bato, lintik lang ang walang ganti sayo.

Simula talaga nung nakapasok ako sa paaralang to ay napapansin kona sya, akala ko ay isa lamang itong normal na taong lumilingon at i aalis na ang tingin pagkatapos makuntento, pero nitong nagdaang araw ay napapansin ko rin ito sa oras na may magaganap na eksena sa buhay ko, at kasama na dun ang pagtangkang paglason saakin. Syempre maliban sa kanya ay may isa pa akong pinag hihinalaan. At yun ay si Dareen. Ang prinsipe ng Chione.

"Binibini, lalabas lang ho ako para mag kuha ng makakain."  napalingon ako kay lena mag salita ito.

"Hindi na kailangan, samahan mo nalang ako at dun tayo mag agahan sa Kantina." Ramdam ko ang pagkagulat nito at pagtitig sa akin.

"B-Binibini hindi maari, bawal kaming mga utusan kumain doon, tanging para sa mga mag aaral lamang po iyon."

"At sino naman nagsabi sayo?"

"E-Eh yun po kasi ang napapansin ko." napakamot nalang ito sa ulo.

"Wala naman palang nakapagsabing bawal e, wag kana nga magreklamo at gumayak na tayo. Nagugutom na ako." Saad ko at nagpaunang naglakad. Wala naman itong magawa kundinang sumunod saakin.

Palabas na ako sa aming dormitoryo ng biglang may tumawag saakin. Napalingon sa gawing yun at nakita ko si Amare na soot ang roba nito pangsanay.

" Bat ganyan ang soot mo binibini? Hindi kaba tutungo sa klase mo ngayong araw?" nagtatakang saad nito at sinuri ang kabuuhan ko.

"Hindi kaba napagsabihan na walang magaganap na klase ngayong umaga at inilipat ito sa hapon?"

"Ha! Hindii. Wala akong alam." Naguguluhang saad nito. Naku buti nalang talaga at updated si lena! Baka magaya pa ako sa isang to!

"Mag aagahan kami, gusto mo sumama?" napalingon pa muna sya kay lena at lumingon naman saakin. Tinaasan kon lang sya ng kilay dahilan at muhang nasindak naman ito kaya napangiti na lamang.

"Tara na po binibini." masayng saad nito habang sumabay sakin sa paglalakad. Tipid akong ngumiti dito.

Pagpasok namin sa kantina ay diritso na kami sa reception at ipahatid nalang sa mesa ang order, nang matapos ay nagsimula na akong maghanao ng mauupuan..

" Clara dito! " Napangiti ako ng makita si aira na kumakaway sa diriksyon namin, nakaupo na ito at kumakain. Gaya ni Amare ay mukhang hindi rin ito napagsabihan, kasi soot nya ang aming pang ensayong kasoutan, kaya agad kaming nagtungo dito

"Lena, maupo ka.." lumingon sa din sa kanya si aira at ngumiti.

"Sige na ate, maupo kana. Tutal kasama mo naman ang binibini, kaya hindi kanarin iba saakin." masayang saad ni aira na ikinangiti ko naman. Pero agad din namang napawi ito ng mapansin ko na naman ang babaeng nasa puno palang kanina, ano bang pakay nya saakin?

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon