Kabanata 15: Cale Elijah Grosvenor

4.4K 182 6
                                    


Gwapo, Matangakad, matipuno, maganda ang kutis at ang pogi ng jawline ng kuya nyo, Yung singkitin at magandang kulay nitong mata ay napansin kong namana nya pa sa aming ina. Baka kung dikoto kapatid ay. Nvm.

Napatigil ako sa pagpapantasya nung magsalita ito.

"Na miss kita Clara, Nanabik karin ba na makita ang kuya?" Pabirong saad nito. Agad naman akong umiling para hulihin ang ugali nito.  Umakto naman itong parang nagulat sa tinugon ko.

Nakapagtatakang di ako nakaramdam ng awkwardness dito. Sa katunayan ay magaan pa nga ito, ito bay dahil ay sa totoong kapatid ko nga ito?

"Aray, grabe ka naman saakin. Dati rati nung mga bata pa tayo ay gusto mo laging naka kandong sakin." Tilang batang malungkot na saad nito. Ganito ba talaga ka clingy lahat ng kuya sa babaeng kapatid? I doubt! Sya lang ata.

"K-Kumusta ang i-iyong p-pag-aaral, K-Kuya?" Nauutal at nahihiya talagang saad ko rito para lamang maiba ang paksa.Di ko lubos maintindihan kung bakit mas nahihiya akong tawagin syang kuya kaysa dun kay ama.

Never naman kasi akong nakaranas ng magkaroon ng nakaka tandang kapatid. Wala akong karanasan sa ganitong bagay bagay. Di ko manlang namalayan na  Nakangiti na ito saakin at pinatong ang kamay nito sa  buhok ko ilang segundo din iyo at Agad nya naman itong binawi upang tumikhim muna bago magsalita.

"Maayos naman ang lahat sa paaralang iyon, marami akong natutunang bagong kaalalaman at natuklasang bagay bagay dito sa mundo. Nagsisipag rin ako gaya mo dahil ako ang susunod na uupo bilang duke ng emperyong ito. Bilang kanang kamay ng hari ay kailangan kong pag igihan ang pag-aaral upang manatili ang estado ng ating pamumuhay." Napalitan ng pagka seryoso ang dati nitong masiglang mukha. Mas lalo tuloy sya gumwapo.

"Kaya tayo iniwan ni ina, dahil nawalan ng oras ang ama sa kanya.." pahina ng pahina ang boses nito, Hanggang ngayon ay di ako naglakas loob na magtanong kahit kanino kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Wala sa sariling lumapit ako sa kanya, at natagpuan ko nalang sariling naoayakap dito.

"Di naman kita hahayaang gawin ang tungkulin mo mag isa. Kapatid moko, at aalalayan kita." Malambing na sabi ko dito. Di ko rin alam kong bakit ko yun ginawa pero satingin ko kasi ay yun ang dapat gawin ng isang kapatid, ang magsandalan sa twing nahihirapan.

Nauna na akong lumayo dito at malungkot itong napatingin saakin. Mukang iiyak na.

" Wag mong subukang umiyak, Ampangit mo tingnan." biro ko at natawa naman ito.

"Napahanga mo na naman ako kapatid ko. Di ko talaga akalain na nagawa mong itama lahat ang sagot ng monarkiya at ito pang pakiramdam ko ay tumanda narin ang iyong isip, mahigit tatlong taon narin nung nawalay ako sayo at di ko akalain na malaki ang pagbabago mo." Mahabang saad nito habang inaayos ang sarili. Nginitian ko nalang sya dahil wala naman akong masasabi dun.

Pinalapit ko si lena na ngayon ay  parang tangang kinikilig habang napasulyap sa kapatid ko. Kadiri sya! Kinuha ko sa kanya ang milktea na pinagawa ko. At binigay ito kay cale.

"Ano to?" Sabi nito habang sinusuri ang laman ng baso. Napalingon pa sya kay lena na syang nagdala nito.

"A-Ah Mawalang galang napo, pero ang tawag ho dyan ay Muelte!" Masayang sabi nito na ipinagtaka naman nya.

"Ulap? Impossible namang ulap ito."  takang sagot nito pabalik dahilan para mapa sapo ako ng noo.

"Ahh Hindi po, Matalinhagang salita ho ang ginamit ng binibini upang ipangalan sa imbinto nitong inumin!" magalang ngunit nagmamalaking kwento nito sa kanya at gulat namang napatingin saakin si cale. 

Grabe talaga, Wala akong sinabing ganyan pero gumawa sila ng sariling Interpretation!

"Talaga, ikaw ang nag imbento ng inuming ito, Ibig sabihin ay sa oras na inumin koto ay para narin akong nakahiga sa ulap?" Napipilitang tinanguan ko nalang sya.

"Mismo, ginoo!" Si lena, sinulyapan sya ni cale at ngumiti dito, kinilig na naman ang gaga! As if naman papatusin sya.

Ininom nya ito yung inom na tikim palang, pero nung masarapan na sya ay agad nya itong ininom na parang tubig. Ako man ay nagulat sa inakto nito. Uhaw na uhaw yarn.

"Grabe napakalasa nga nun Clara, Nagiging mahusay kana sa mga ganitong larangan, Tama nga ang sinabi ni Ama na nagpapaka lunod ka sa pagbabasa at ang dami mo nang nalalaman! Tiyak na napaka swerte ng mapapangasawa mo, ibig pala sabihin nun ay dapat na kitang higpitan" nakangiwi talagang saad nito at natawa naman ako..

Ganito pala ang feeling nang may over protective na kuya.

"Biro, lang piliin mo lang lage kung sino man ang magpapasaya sayo, ako na ang bahalang kumilatis!" dagdag nito.

"E parang ganon narin yun, naghihigpit ka." natatawang saad ko dito at napakamot naman sya sa batok.

Nagusap usap lang kami ng mga bagay bagay tungkol sa isat isa. Hinahayaan ko lang sya mag kwento tungkol sa mga naging paglalakbay nito. Wala naman sakin iyon, dahil may parte saakin na naging interesado sa mga kwento nito lalo na yung pagtatagpo nila ng ibang demonyo sa kanilang paglalakbay. Nakapagtataka nga lang na di manlang sya namamaos o nauubusan ng laway sa pagsasalita.

Gusto ko sanang itanong sa kanya ang lalaking nakadaupang palad ko dalawang taon na ang nakalipas pero di ko naman maalala ang ngalan nito.

At isa pa parang nakalimutan narin naman ako nun. Nvm nalang!

"Sa makalawa ay gusto kong makita kung pano ka makipaglaban, balita ko kasi ay sinasanay ka ni lolo sa fencing na syang pinagmamalaki ng lagi natin. Natutuwa ako dahil may babae naring hahawak ng espada sa ating lahi." Masayang sabi nito at tumayo na. Kung ganon ay ako pala ang magiging kaunaunahang gagamit ng espada, akala ko kasi required! Edi sana naging magician nalang ako! Bwesit talaga ang matandang iyong.

Nakangiti itong lumapit saakin at ginulo ang buhok ko, yumakap pa ito sakin saglit at lumayo. Hawak parin ang balikat at sinisilip ang mukha ko.

"Galingan mo ha, kasi pupunahin natin ang alin mang mali na makita ko sa magiging laban natin." sabi nito, hindi naman nagbabanta pero kinakabahan ako pero agad din naman napawi yun ng yumakap sya ulit at ilang segundo rin iyon bago sya tulutayang bumitaw.

Grabe napaka clingy nya talaga. Natatawa ko nalang sya pinagmasdang naglalakd palayo.

Dumating ang gabi at nagpahatid nalang ako ulit ng pagkain sa silid. Nagkukwento pa si lena na wariy kinikilig at paulit ulit na sinasabi sakin na mas lalo daw naging makisig ang kapatid ko. Tinanguan ko nalang sya para di na magulit.

Nagbasa muna ako ng ilang pahina at mayat lamang ay nakaramdam na ng antok at nakatulog.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon