Naka upo ako ngayon sa damuhan sa labas ng ginanapan ng paglalamayan, hindi ko na pinansin pa kung madudumihan man ako sa soot kung itim na bistida.Mukha pa akong tanga kakahanap sa bangkay ng matanda pero tanging litrato lamang ang nariyan at syang pinagdadalamhatian ng nakakarami. Hindi ko maiwasang hindi madismaya, gusto ko panaman sya kausapin sa personal kahit wala man akong mahitang sagot mula rito.
Kasi ganon kami sa mundo ko e. Iiyak habang nakatingin sa bangkay.
Di tuloy ako maka eksena sa harap, lolo talaga oh! -Namimiss na kita.
Hawak hawak ang espada na bigay nito ay nagpangalumbaba nalang akong nakatanaw sa buwan, Hindi ito ganun kaliwanag ngunit naging dahilan ito para maglabasan ang mga butuin sa kalangitan.
Napaka ganda.
Nakakamangha ito pagmasadan, Oo , pero hindi ko man lang magawang ngumiti man lang. Tuluyan na ata akong linamon ng lungkot.
"Narito kalang pala. "
Gulat akong napatalon paatras at tinutok ang espada sa sinumang tao ang basta basta nalang nagsalita sa likuran ko, di ko manlang naramdaman ang kanyang paglapit.
Napahinto ito sa dilim at basi sa reaction nito ay tila gulat ito sa hawak ko. Pilit kong inaninag ang mukha nito pero hindi ko talaga makita.
"Woah binibini, mag hunos dili ka, ako ito si Syn. " Wika nito habang naglalakad ng dahan dahan sa gawi ko at dun ko naaninag ang mukha nya, naka taas ito ng kamay habang pilyong nakangisi.
Napabuntong hininga kong binaba ang espada.
"At anong sadya mo?" Pagtataray ko dito at bigla naman itong natawa.
"Ang sungit mo naman! May dala dala kapang espada may kikitilin kabang buhay?" Pang aasar nito.
"Actually, Kung hindi ka dumating pupunta na sana ako sa inyo para matarak na ito sayo. " Sagot ko dito at bumalik sa pagkaka upo.
Nag lakad ito palapit at umupo na parang palaka sa harap ko habang nakahawak ang dalawang kamay sa pisngi.
"Napaka Bayolente mo naman, pero gusto ko yun. " Saad nito habang naka kagat sa labi at nag taas baba ang dalwang kilay.
Asar naman akong tumingin sa kanya na ngayon ay tumawa ng malakas habang naka upo na sa damuhan.
Hawak hawak pa nito ang tyan at tila di maka get over sa naging reaction ko. Stupida rin ako, kaya di ako tinitigilan nito kasi asar talo ako e.
Pero.
Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. Napatitig ako sa mukha nito at mukha syang kabayong kiniliti, bagay na di ko akalaing nagagawa ng isang kagaya nyang prinsepe.
Di ko maiwasang hindi mag iwas ng tingin at natawa na rin.
"Ayon, napatawa rin kita." Sabi nito habang naka ngiti kaya umayos ako ng upo at inalis ang tingin sa kanya. Ehem!
"Maiba ako binibini? Anong wika ang iyong binigkas kanina, ano ulit yun Aktuali? " Nagtatakang saad nito.
Ayaw kong e pressure sarili ko dito kaya di ko sya pinansin, nahiga nalang ako sa damuhan habang inunan ang dalawa kong kamay sa likod.
"Binibini, baka madumihan ka nyan? Teka ag gamitin mo to." Saad nito kaya napatingin ako sa kanya at diko inasahan ang gagawin nito.
Di ko maiwasang mapalunok nang makita kong tinangal nito ang soot na coat sa katawan, inalalayan ako nitong maupo muna at wala sa sarili naman akong sumunod.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...