Kabanata 40: Salitang Matalas

3K 147 8
                                    

DAMIAN

Nang lumisan ang binibini ay namutawi ang mahabang katahimikan sa boung silid, ni si syn na huling kausap nito ay biglang ring napatahimik.

Wala akong ideya o kaalaman para makapagpatunay sa kanyang mga sinabi, hindi lingid sa kaalaman ko na hiningi lang nila ang opinyon ng binibini ngunit sinagot nya ang tanong na parang sigurado at kwenistyun pa ang kakayahan ng Prinsipe ng Oceanus, na syang namamahala sa mga doctor.

Sumulyap ako dito at inaasahan ko na talagang mananahimik ito, paniguradong hindi sa pagkapahiya ngunit sa bagong kaalaman na isinawika ng binibini sa kanya.

Tunay ngang kahanga hanga, hindi ko alam kung pano ito patutunguhan sa oras na mapatunayan ang sinabi nito sa lahat.

Ngunit.. Hindi ko pa rin maintindihan at talagang nangangapa pa rin ako kung bakit ito mukhang galit? Nainsulto ba sya sa ginawa ng ni prinsipe Arki?

Di ko namalayan na napatayo na pala ako at nagsimulang maglakad para sundan ang binibini. Narinig ko pang tinawag ako ni syria, pero di na ako nag abalang lumingon pa.

Narating ko ang pasilyo pero walang binibini akong namataan. Pinagpatuloy kulang ang paglalakad ng may narinig akong malakas na tunog ng sampal. Dali dali akong tumakbo patungo sa diriksyon na iyon.

At natagpuan ko ang isang tagapag silbe na nakahandusay sa sahig habang hawak hawak ang pisnge, lumapit pa ito at pinagpantay ang sarili habang hawak hawak na man ang nguso at hinarap sa kanya, Nakaramdam agad ako ng inis sa nakita.

"Paki sabi dyan sa amo mo na magi-"

"Binibini! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Inis na saad ko dito. Nakita ko kung pano ito nagulat sa pagputol ko sa kanya.

"Prinsipe? Anong ginagawa mo dito?" kalmado nang tanong nito, umatras naman ang taga silbe at nagsimulang umiyak sa gilid ng pader. Bigla akong nakaramdam ng awa para dito.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan.. Lumabas ka nga pero di ka man lang nagpasabi, isa yung kabastusan sa lahat ng tao sa silid, hindi kaba tinuruan ng tamang pag-aasal sa iyong tahanan? .." kunot noong tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot at gulat lang itong umayos ng tayo at seryosong nakatingin saakin..

"At ano naman tung nasaksihan ko binibining Clara? Tinatakot at sinasaktan mo ang isang hamak na taga silbe? Akala ko panaman ay iba ka, na hindi ka katulad ng iba, Pero nagkamali ata ako, nasabihan kalang mahusay at matalino ay ikinalaki na agad ito ng iyong ulo, Nagawa mo pang magdabog sa hapag, Hindi mo pa nga naabot ang tuktok binibini pero  sa nasaksihan ko ay nagagawa mo nang mang liit ng tao. Ano nalang kaya ang masasabi ng iyong ama, sa oras na makarating ito sa kanya." Inis na saad ko sa kanya, nagbaba naman ito ng tingin at iniiwasang tumingin saakin.

" Hindi ka parin talaga nagbabago, dati pa man ay totoong hindi ka mahinhin at talagang mapanakit. Nakakaramdam kapa ba hiya para sa iyong sarili? Kaya siguro iniwan kayo ng iyong ina dahil sa bulok mong pag uugali!" Hingal kong saad sa kanya, at gulat naman itong nag angat ng tingin at nanlalaki ang matang nakatingin saakin. Di ako makapaniwala na nagpadala ako sa galit at inis sa kanya at huli narin narin para isiping mababawi ko pa ito.

Nakaawang na ang labi nito at di makapaniwalang tumingin saakin. Para itong lalaking nag-angat ng tingin at  napakagat labi. Nanatili naman akong tahimik habang pinagmasdan itong magbago ng expression. Huminga muna ito ng malalim bago malamig na tumingin saakin.

"Magandang gabi, Prinsipe Damian." Saad nito at tuluyang tumalikod, nakita ko itong nagpahid ng luha habang naglalakd, naka ramdam naman ako ng konting konsensya sa ginawa ko.

Pero lamang parin ang inis ko sa ginawa nya sa taga silbe, na isang tao ring gaya nya. Nang mawala na sya sa paningin ko ay sumulyap ako sa taga silbe na tahimik paring umiiyak, tinulungan ko itong makatayo at hinatid sa pagamutan.

Inis akong bumalik sa silid at natagpuan ko silang nanatiling tahimik paring nakaupo, nang makita ako ni Syria ay dali dali itong tumayo at nag aalalang tumingin saakin.

"San kaba nag tungo? Hindi ka man lang nag paalam saamin prinsipe?" saad nito, napatingin naman sa amin ang lahat, humingi ako ng paumanhin dito.

"Si binibining Clara?" Napalingon ako likod ko ng magsalita si Syn, nag aalala. Bigla namang dumilim ang paningin ko dito.

"Maari bang wag na muna natin syang pag usapan.."nag iwas ako ng tingin sa kanya at hinarap si arki."Subukan mo parin ang winika ng binibini, baka makatulong ito sa pasyente." utos ko kay arki na tumango naman agad saakin.  "Salamat sa pagdalo, Magandang gabi." Malamig na saad ko sa kanila at tumalikod.

"Teka muna, prinsepe!"

"Ano pa ba ang pag uuspan natin syn?" inis na tanong ko dito at nagtaka naman ito sa uri ng sagot ko.

"Ano bang nagyayari sayo? Prinsipe may problema kaba sakin?" tanong nito habang nagtaas din ng boses. Di ko magawang sumagot, napagtanto ata nito ang sinabi at agad na lumambot naman ang expression nito at yumuko. "Paumanhin sa aking asal ngunit nag aalala lamang ako sa aking kaibigan, sana maintindihan nyo." nakayuko paring saad nito.

"Naka alis na ito, sumama sa karwahi ng kanyang ama." napatango tango naman sya sinabi ko, at parang nabunutan ng tinik.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagtataka. Ito ang huling kausap ng binibini at paniguradong alam nito ang dahilan ng biglaang pag alis nito.

"Syn, Alam mo b-"


"Prinsipe! Dapat kang magtungo agad sa palasyo, pinapatawag ka na nang iyong ama may naganap raw na hindi kanais nais, at nais pasimulan ang pag pupulung sa lalong madaling panahon. " Biglang pagputol ni troy sa itatanong ko kay syn.. Nagmamadali. Maaring nakatanggap ito ng mensahi galing sa emperyo na binulong na lamang sa hangin. Isa ito sa mga kakayahan ng mga taga CYCLONIUS.

Sumulyap ako muli kay syn at napabuntung hininga, sa susunod ko nalang siguro tatanungin.

CLARA

"Anak Napano ka?.."  nag aalalang tanong nito ng makalapit ako sa kanya. Nagtataka ring lumingon saakin ang mga kasama nito, mukha ring mataas na tao. Yumuko ako sa kanila at ngumiti.

"Bakit namumugto ang iyong mata?" pagtatanong ulit nito, habang pilit akong hinaharap sa kanya.

"W-Wala ito ama, Napuwing lamang ako, dahil ang lakas ng hangin sa labas.." Pagsisinungaling ko, nag aalalang sinilip naman nito ang mukha ko.

Alam kong alam nyang nag sisinungaling ako, Tumitig ako dito at sa uri ng tingin nya ay parang sinasabi nyang 'Ama mo ako, pwedi akong masandalan sa ano mang oras kung kinakailangan mo.' Dun ako tuluyang bumigay at panhinaan ng tuhod.

kaya di ko na mapigilang mahigpit na mapayakap dito, Ibat ibang emosyon ang naramdaman ko sa loob ng isa g oras.

Nagalit ako dahil sa pagtangkang paglason saakin ng babaeng yun, pero mas masakit ang pagsalitaan ka ng mga bagay lalo nat naka konekta ito sa aking kinikilalang pamilya. Ano bang alam nya?

Totoong di ako mahinhin!. Oo mapanakit ako at nakakaramdam narin ako ng pagkapahiya sa perpektong gaya mo pero hindi bulok ang ugali ko... Hindi ako masamang tao..

Pano nya nagagawang pagsabihan ako ng ganung katalas na mga salita, gayo'y hindi naman nya alam ang boung pangyayari.

Naramdaman kong yumakap din ang aking ama pabalik habang hinawi ang likod ko. Pilit na pinapagaan ang loob ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang parang batang yumakap sa kanyang ama.

"Pasensya na mga senyor, amigo.. Ihahatid ko lamang sa kanyang silid ang aking Unica iha."

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon