Natapos ang klase at di man lang dumating ang magiging guro namin, boung oras tuloy akong nakikinig sa mga walang kwentang kwento ni aira.Napairap nalang ako dahil meron talagang ganitong tao, alam kong nakakainis sya pero di ko maintindihan ang sarile ko kasi merong parte na ayos lang naman sakin, ano naman kaya ang magiging ambag nya sa buhay ko.
Naglalakad kami ngayon patungon kantina at wala parin syang tigil sa kasasalita,gustong kong tanungin sya kung hindi ba talaga sya napapagod kasi ako, kahit wala naman akong sinasabi mukhang ako pa ang pagod sa aming dalawa. Napaismid nalang ako sa naisip.
Naghanap na ako ng mauupuan at nung makahanap ay halos tinakbo ko na ang deriksyon nito para maka layo man lang kay aira ng ilang minuto at mabigat ang katawan na naupo.
Pero agad din namang akong nanlumo ng mapansing tumakbo din ito sa gawi ko.
"Ako na ang kukuha ng kakainin natin, Ano sayo?" presenta nito at natuwa naman ako! Sa wakas naman may nasabi din syang ka kwenta kwenta.
"Kahit ano basta masarap." sabi ko at ginaya nya naman ang sinabi ko.
"Kahit ano basta masarap, sigee masusunod binibini." At sumaludo pa ito bago umalis.
Nagtataka ko talagang pinagmasdan ang likuran nito habang lumalayo, Halos lahat ng studyante na madadaanan nito ay tumatabi agad, na para bang nandidiri sa katauhan nito, Ngayon ko lang rin napansin na ang wierdo nya pala..kung ako man sa perspektibo nila ay ganun din ang iisipin ko. Nagkibit balikat nalang ako dahil pakiramdam ko naman ay hindi sya masama.
Isa nga syang prinsesa pero nauutusan ko lang sa mundong ito, great! Ay hindi ko pala sya inutusan.... Nag kusa sya! Pero parang ganon narin.
"B-Binibini, maari ba akong maupo?" Sabi ng pamilyar na boses, nag angat ako dito ng tingin at pinagmasdan syang nakayuko sa harapan ko. Nagkibit balikat nalang ako at tinuro ang upuan. Sya yung babaeng elf. Si amare.
Sumulyap muna ako kay Aira na pabalik na dala dala ang dalawang tray na parang madali lang sa kanya. Nagtaka pa itong may nakitang bagong panauhin sa mesa kaya sinenyasan ko sya na bilisan nya at ngumiti naman agad ito at ang gaga tumakbo nga! Nagsitabihan naman agad sila, habang ang ilan ay nagtulakan pa para di lang mahawakan ni hibla ng damit ni aira ang katawan nila. Apaka OA.
Damian POV.
Kasalukuyan kaming kumakain sa kantina ng paaralan . Napakalaki nito na kayang makasya ang isang libong taong bilang ang pwede sa loob, pero di ako makapaniwala na kahit gano man kalaki ang lugar at karami ang tao na nandito ay napansin ko parin ang kapatid ni Cale,
Inis ko itong pinagmasdan dahil hindi ko parin talaga makalimutan ang ginawa nya saakin dati, at ang mas nakakainis ay umaakto itong di ako kilala.
Dapat ba akong magpakilala? Tch bakit naman ako magpapakilala sino ba sya sa tingin nya. Mabigat sa loob ko talaga syang sinuri pero agad din namang gumaan ng makita ko itong ngumiti at tinatawanan ang babaeng paparating na may dalang tray.
Ngayon ko lang din napansin na ito ang Wierdong prinsesa ng Oceana, balita ko ay umulit na naman ito dahil bumagsak sya sa Kasaysayan at Divine arts. May nakapagsabi na mahina daw ang ulo nito pero halimaw kung humawak ng sandata.
Kasama din nila ang elf na pinandidirihan ng boung mag aaral, di ko lubos maunawaan kung bakit ganito ang trato nila sa mga elf, Wala na akong makitang dahilan kung bakit sila kinakaayawan, dahil ba sa pagiging independente nito o sa pagkakait nito sa kanilang likas na yaman? Pero wala naman akong nakikitang mali doon.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...