STEVAN POV.
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad kasama ang maliit na hanay ng holy knight patungo sa lokasyon na ayon sa impormasyon na nakalap namin sa mga anino ng prinsepe. Tunay ngang kamangha mangha ng aking amo dahil nagagawa nyang maisa-ilalim at mapasunod sa kanyang pangalan ang mga walang pusong assassin na iyon.
Habang naglalakad ay minabuti kong tinignan ulit ang three dimensional na istraktura ng lugar at ang mga posisyon na dapat kalagyan nang mga kawal na personal pa na pinag isipan ng mahal na prinsepe.
Di ko tuloy maiwasang hindi mapangiti gayong nakikita kong mas lalong pumupulido at lumalawak ang mga desisyon nito pagdating sa pamumuno ng mga tao.
Ako bilang kanyang taga payo ay masasabi kong wala akong nakikitang butas sa isasagawang pagsalakay namin ngayon.
Sa mga ganitong bagay ay hindi mo talaga maaring maliitin ang prinsepe. Ang talino nito ay sadyang nakakabahala. Sa kanyang murang edad ay hindi na nalalayo ang mga kakayahan nya na maaring mai-halintulad sa isang emperador ng emperyo.
Sana naman pagdating sa kanyang pag ibig, ay kaya nyang magdesisyon ng mabuti at hindi magpadalos dalos.
May naririnig akong balita na tungkol sa anak ng nangungunang Duke na si binibining Clara at ang ugnayan nito sa prinsepe, di na nakapagtataka dahil marahil ay hindi parin nila makalimutan ang kanilang unang pagtatagpo.
Ilang minutong paglalakad pa ay malapit narin kaming makarating sa aming lokasyon.
Ngunit din namang nangunot ang noo ko ng mapansin ang isang pamilyar na tao na nagmamadaling tumakbo papasok sa eskinita na kung saan din ang aming pupuntahan, sa likod naman nito ay nakasunod ang babaeng sa pagkakaalam ko ay naninilbihan sa mansion ng mga grosvenor.
Hindi ko namalayan na napatigil na pala kami sa paglalakad. Pero di ko yun binigyan ng pansin at nagtatakang sinundan nalang sila ng tingin habang papalayo.
Di ko matukoy tukoy kung ano ang rason ng oagmamadali ng ginoo, pero masama ang pakiramdam ko para dito.
Agad kung seniyasan ang mga knights na isagawa na plano, yumuko sila sakin bilang pagtango at mabilis na pinalibutan ang lugar. Iling iling kong inayos ang buhok at mabilis na naglakad papasok.
Nag set ako ng barrier at minabuting walang makakalabas masok sa lugar na ito.
Di pa ako halos makarating sa lugar ngunit ramdam ko na ang pamilyar na aura ng kapangyarihan..
Hindi kaya....
Posible bang may nakapasok na the majin sa lugar?
[FAQ's: Ang majin ay mga nilalang na may mataas na katayuan o katungkulan sa demon race. Maari silang maihalintulad sa mga makapangyarihang maharlika sa Brittanian. Ang demon race ay kinikilalang pantay o higit pa sa lakas at kapangyarihan kumpara sa tao.]
Patakbo kong pinasok ang lugar at nadatnan ko ang nag yeyelong paligid dahil sa kapangyarihan ng ginoong ito.
Umaapaw at mararamdam mo agad ang lakas nito na marahil ay dulot ng galit o pagka poot. Sadyang nakakamangha at nakakabahala.
Nakatayo ito sa harap ng isang malaking bolang itim na pinapakibutan ng masamanag enerhiya. Malakas nya itong pinagsusuntok na nagiwan ng pwersa sa labas ng lugar dahilan para mag yelo ang paligid.
Pamilyar ako sa bagay na ito... Dahil personal nakita kona itong nagagawa ng bawat hari na sakop ng emperyo nakakagulat lang dahil sa maling pagkakataong ngayon ay nasaksihan ko na naman ito.
Ang tawag dito ay Ryoiki Tenkai. At ngayon ay nakakasiguro na ako na hindi basta bastang majin ang kaharap namin ngayon.
Minabuti kong dumistansya muna at tinawag ang atensyon ng katulong at ang dalawang batang yakap yakap nito sa gilid habang iniinda ang linalabas na enerhiya ng ginoo.
Agad din naman silang lumapit sa akin at naiiyak na yumuko sa harap ko.
"G-Ginoo, nagmamakawa ako.. tulungan mo ang aking b-binibini, nasa loob sya ng bilog na iyan." Umiiyak nitong saad habang tinuturo ang bilig na patuloy na pinagsususntok ng lalaki.
Mas lalong nangunot ang noo ko sa narinig. Binibini? Hindi kaya...
Si binibing clara ang nasa loob ng Ryoiki Tenkai!? Sa di alam na kadalihanan ay Bigla akong nag-alala sa kalagayan nito sa loob. Ang binibini ay mahina at mahinhin. Marahil ay natatakot na ito lalo nat napaka delikado para sa isang taong makulong sa loob nito.
Ang ryoiki tenkai ay isang Special barrier na kung saan ay e kukulong ka sa loob ng panibagong lugar na pinapalibutan ng natural na abilidad ng gumagamit. Isa itong napakalakas na kakayahan dahil nagagawa nitong palakasin ang kapangyarihan ng sampung beses at hindi ito maaring maiwasan ng kalaban.
Ang tanging paraan upang makaalis sa kalagayang iyon ay basagin ito sa labas at........
Napatingin ako sa sa ginoong patuloy parin sa pag susuntok sa Ryoiki tenkai.
Naalala kona sya, sya ang bunsong kapatid ni Cale, ang balibalitang pinaka masungit sa magkakapatid. Di ito pala salita at sa pagkaka kilaka ko ay wala itong paki alam sa sino mang tao sa paligid nya, marami ngang nakapag sabi na kasing lamig ng kakayahan nya ang ugali nya. Pero ano itong nakikita ko ngayon.
Nakikita ko ang pagiging desperado nito...
Dapat lang din na may maitulong din ako, malalagot ako sa prinsipe pag hindi ko nagawang iligtas ang kayang irog.
Liningon ko ang katulong na umiiyak parin sa aking paanan kasama ang mga batang may hawak hawak ng laruan, di ko mapigilan ang hindi maawa.
"Mag hunus dili ka. Tutulungan ko kayo." sabi ko dito at patakbong tumalon sa lugar.
Agad kung binunot ang espada ko at habang nasa ere ay minabute kong palibutan ito ng hangin at malakas na binagsak sa bilog.
Nagiwan ito ng malaking pwersa na nagawang magpa tigil sa pag suntok ng ginoo. Ngunit nadismaya akong napatingin sa binagsakan ko ng mapansin di man lang nakagawa kahit konting galos sa bwesit na bilog na ito. . Tunay ngang napaka tibay ng ryoiki tenkai.
Napatingin sa gawi ko ang ginoo at masama na itong naka tingin saakin. Di ko nalang ito pinansin at patuloy na iwinasiwas ang sandata dito
LENA POV
HABANG patuloy sa pagwasiwas ang dalawang ginoo ng kanilang kapangyarihan ay minabuti ko na lamang gumawa ng maliit na barrier upang maprotektahan ang dalawang bata sa pwersa na kanilang linalabas.
"Ate. Ayos lang ba si ate ganda?" sabi ng paslit. "Kung hindi nalang kami nag pumilit na manglimos ay hindi ito mangyayari sa kanya. Kasalanan po namin. Pasensya p-poo." dagdag nito at nagsimula na namang umiyak.
"Shhh tahan kayo mga bata. Malulungkot si ate ganda pag nalaman nyang umiiyak kayo dahil sa kanya.." pang uuto ko dito para lang mapatahan sila.
Napatingin ako sa harapang gusali kong saan nandoon din ang ibang bata. Gustustuhin ko man pumasok sa loob pero hindi pa pwede lalo nat nagiging mas delikado ang pinapalabas nilang enerhiya. Napaka delikado talaga ng mga maharlika.
Pero diko mapigilan na mas nag aalala sa binibini, hindi lingid sa kaalaman kong nagsasanay syanh maging malakas, pero babae parin sya at limitado parin ang kayang gawin ng isang babae.
Napatitig ako sa bilog at maya maya lang, sa hindi maintindihang pangyayari ay biglang nag iba ang kulay ng bilog.
Agad na nagsitayuan ang balahibo ko nung maramdam. Ko ang pamilyar na enerhiyang bumabalot dito.
"I-Impossible..." napatingin ako sa ginoo nang masambit nya ito.
Ano ang ibig nya sabihin?
"Ang pangalawang paraan upang makalaya sa sitwasyong ito ay... Tapatan din ng sariling ryoiki tenkai at talunin ito.." mahinang dagdag nito habang di maalis ang tingin sa bolang dahang dahang naglaho at bumagsak ang katawan na bahagyang umuusok at walang malay
Napataingin naman ako sa babaeng nanatiling nakalutang habang umiilaw ang mata at seryosong nakatingin sa lalaking nang abuso sa kanya kanina.
Umaangat narin ang buhok nito at lumiliwanag ang boung katawan.. Napakaganda nya sa anyong iyon.
Di ako makapaniwala sa nakikita ko, para akong nakasaksi ng himala..
Para syang isang dyosa..
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...