Kabanata 7: Ehersisyo

5.9K 226 3
                                    

Maaga akong gumising para mag unat, napag desisyunan ko kasing tumakbo ngayon.

Pagkatapos ng mahaba kung pagdadrama maghapon ay talagang nagutom ako pagkatapos, di ko man lang namalayan na lumampas na ang tanghali at nakapagtatakang di man lang ako naka ramdam ng gutom kahit konti. Ganon talaga ako mag emote kahit dati pa.

Dumating na rin yung pagkain ko na ipinadala ni ama at talagang naparami ako at agad na akong nakatulog pagkatapos. Wala na akong pake kung di man ako matunawan.

Kasalukuyan akong nag huhukay sa aparador ko ng masosout na nababagay sa pag ehersisyo wala na akong pake kong magkalat man ito sa sahig! Aba dapat lang iyon, para maka ganti man lang ako kay lena. Kahit maintindihin syang tao ay di parin mawala ang inis ko sa pagputol nito sa kanya.

Napakamot nalang ako sa batok nang mapagtanto ang lahat ng nilalaman..bat kasi puro bistida ang laman nito di ba uso ang short dito? Kahit pantalon man lang. Gusto ko rin ng pantalong hapit yung gaya sa ama ko, napangiti nalang ako ng matawag ko syang ama kahit sa isipan, ibig sabihin lang nun ay natatanggap kuna nang paunti unti ang kasulukuyan. Nakakagaan talaga ng loob ang umiyak pagkatapos mung masaktan.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito, alam ko namang si lena yun kaya dina ako nag-abalang lumapit kasi may sariling susi naman iyon para sa silid ko.

Napatingin ito sa ginagawa ko at gulat nalang akong nag-angat ng tingin nang sumigaw ito.

"Binibini anong ginagawa mo?! Wag nyu po sanang sabihin na maglalayas kayo!" napa irap nalang ako ng matagal sa ere sa pagiging over acting nito.

"Tatakbo lang ako." sabi ko sa kanya tumayo na't lumapitsa sa malapit na silya.

"Tatakbo? Bakit humahabol ba saiyo? Sabihin mo ang pangalan ng magpatawag ako ng kawal!" talagang hehestirical na wika nito. Lumapit ako sa kanya, medyo may katangkaran pa ito saakin kasi nga mas matanda sya kaya tumalon akong pinitik ang noo nya na agad naman nyang tinakpan.

"Ang sakit nun binibini! Bat mo ginawa iyon?" Kalmado na na pahayag nito ngunit hinihipo parinnangbngayong namumulang noo. Buti nga!

"Napa ka O. A mo kasi?" sabi ko sa kanya.

"O. A? ano ho yun, nag aaral po ba kayo ng banyagang linguahe?" talagang nagtatakang tanong nito. Napapikit nalang ako at di sya pinansin. "Binibini ano ba kasi ang ginagawa mo."  talagang nalulungkot na sabi nito.

"Ano ba, mag ehersisyo lang ako para makundisyon ang katawan ko sisimulan kuna kasing mag sanay.. . Naka disesyon na ako." serysosong saad ko.

"Bat nimo naman kasi sinabi agad, binibini jusko." at naka hinga ito ng maluwag na parang nabunutan ng tinik. "Ngunit binibini, Sa pagkakaalam ko ay may tamang uri ng pag ehehersisyo, ito ang kauna unahang  gagawin mo ang gawaing ito baka po mabigla ang iyong katawan" Di na ako nagtaka nang sabihin nya ito. Pano ba naman kasi halatang tunay binibini sa lambot ng katawan.

"Lena pakihanap nga ako ng hapit na pantalon." Sabi ko sa kanya  nung nagsimula itong lumapit upang maki usisa.

"Ha wala kapong ganong uri ng damit pero kung iyong nanaisin ay maari akong magpatahi sa mamanahi ng mansyon na ito" nalungkot naman ako kasi paniguradong matatagalan pa ito baka tumaas na ang araw. "Mabilis lamang po ito, bigyan mo lang ng limang minuto." napansin nya siguro na hindi ko gusto ang idea na tatahiin pa kaya napangiti tuloy  agad ako.

"Sige gawin mo agad iyon." Yumuko ito saakin at mabilis na linisan ang silid, akmang tatayo na sana ako ng mapansin na makalat ang boung silid. Napasapo nalang ako sa noo dahil imbis na si lena ang gagawa nito para makapaghigante na ako  ay ako parin pala ang susunod sa sariling kalat. Ka imbyerna bwesit!

Maya maya lang ay dumating na ang hapit na pantalon kasama ang damit na pares nito, kulay itim ito na may kung anong gintong linya na naka burda. Ganon rin ang kulay ng pangtaas na bumagay sa talaga maputi kung balat.

Nagpahatid muna ako kay lena sa tapat ng Field na malapit sa lang naman sa manyson parte parin naman yun ng kalupaan namin.

"Naku po binibini wag po kayo masyadong lumayo ha, ako po ang malalagot nito sa yung ama. Jusko" Pag papalala pa nito habang napa hawak pa sa dibdib. Tinanguan ko nalamang sya kaysa makipagtalo pa ako. "Mag bestida nalang po kaya kayo?" pinakita ko talaga sa kanya na ang weirdo ng iniisip nya. Ano ako baliw? Tatakbo ng naka bestida, ilang araw ko palang si lena nakilala at di ko masabe kong shunga ba sya o bobita.

napakamot ito sa sariling buhok habang sinusuri ang kabuohan ko. Mukhang stress na siguro sya.
"E kasi binibini, hapit na hapit sa yong katawan ang kasoutan mo, kahit maganda na ang hubog nito-" Pagputol nya habang napapalunok na napatingin sa harapan ko, ako may parang tanga rin na napatingin dito "ay dapat mo rin alalahanin na isang kang binibini at kinsi anyos pa lamang." pagpatuloy nito na ikina irap ko nalang. O. A talaga!

"Lena, di ko naman ibibinta ang katawan ko, mag ehersisyo lamang ako." Pinaramdam ko talagang naasar na ako sa kanya.

"Pero Bini--" ako naman ang pumutol sa kanya.

"Walang ng pero pero, period!" Nakakrus ang mga brasong tinarayan ko sya.

"Ano pong period binibini?" Nagtatakang sabi ni lena. Di ko nalang sya pinansin at agad na tumalikod.

"Hintayin mo ako dito ha. Babalik ako pagkatapos ng tatlumpung minuto!" Nagsimula na akong maglakad palayo. Sinulyapan ko pa muna si lena at naka yuko na ito ngayon. Walang magawa! Gusto ko tuloy matawa.

Medyo malayo layo na rin ang tinakbuhan ko at tagaktak na rin ang pawis ko. Sa tancha ko ay bente minutos narin ang nakalipas nung pag uusap namin ni lena.

Sumagi sa isipan ko ang bumalik na pero sa may kung ano sa isip ko at gusto ko pang mamasyal. Lakawatsera talaga ako dati pa, kamag anak ata ako ni Dora tch!

Naglalakad na ako ngayon para kalmahin ang sarili, at grabe talaga yung hingal ko habang naglalakd para akong asong masaya na nakalabas ang dila.

Sa pagmumuni ay may nakita akong napakatayog na puno na mula rito, napapagitnaan ito ng malawak na kapunoan, di naman ako takot sa madilim at sa gubat. Sinanay kaya ako sa survival nung nag aaral pa ako ng criminology. Kaya napagdisesyunan kung tunguin ito.

Nanatili lamang akong bantay sa aking sarili, parang nadedo na ata yung instict ko dahil di kuna matukoy kung panganib ba ito o ano, basta ang alam ko lang ay may kakaiba simula nung pumasok ako dito.

Parang nakamatyag.

Gusto ko sanang umatras literal na dapat ereact ng isang normal na tao, pero sinasabi ng isip ko na huwag, at mag patuloy.

Sinilip ko ang kaninang nilalakaran ko at nagulat nalang ako na napansing di kuna nakita ang labas. Ramdam ko ang kabog ng puso ko pero sa ganitong okasyon ay di dapat ako matakot, dapat kumalma ako.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nung may maramdaman akong parang may bumubulusok na bagay patungo sa diriksyon ko.

Bigla akong kinabahan.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon