DALAWANG Linggo narin ang nakalipas, nung kaganapan sa mansyon ng Jones. Di narin halos makalabas ang Duke sa kanyang silid dahil tambak na naman ito ng papeles kaya lage akong nag pepresintang maghahatid ng ng maiinom sa kanyang opisina.Nanadito ako ngayon sa kusina habang naka alalay naman saakin si telma, sinabihan ko kasi syang may naisip na naman akong bagong embento kaya agad ko naman silang lahat napapayag. Halos maligo na ako harina dahil tumulong akong magbuhat sa mga sangkap na gagamitin. Bigla kasi akong nag crave sa pizza. Pano ba naman kasi ang alam lang nilang lutuin ay tinapay. Hindi naman sa nagiinimarte ako pero napaka plain lang talaga nitong kainin.
"Ano po ba talaga ang lulutuin natin binibini, bat napakaraming sangkap naman ang gagamitin para sa isang tinapay." Tanong ni telma kaya nginisihan ko sya, war'y nagyayabang. Pinaikot ko sa kamay ko ang dough upang lumapad, bigla naman napasinghap sa akin ang ilan habang ang kalahati ay namamangha.
Inutusan ko silang maghiwa ng pinya at mushrooms. Nagsimula na akong maglagay ng sauce na pinaluto ko kay lena. Ang totoo nyan ay ako lang talaga ang nag luto at pinahalo ko lang sya para di masunog.
Linagay kuna ang lahat na mga sangkap at inutos kay telma na ihanda ang pugon o furnace. Kumuha ako ng keso at malapad na hiniwa ito, ang plano ay hahayaan ko itong magmelt para kumapit sa mga sangkap ang lasa.
"E ahon na yan sa loob ng Sampung minuto." Sabi ko sa kanila at yumuko naman silang napatango. Nagalakad ako palabas ng silid dala dala ang librong tungkol sa mahika. Nag aadvance reading kasi ako, kahit na pinagsabihan na akong ituturo naman iyan sa akademya.
Ganito kasi ako mag aral. Babasahin ko muna at hayaang intindihin ang lahat ng immpormasyon sa aking sarili, tapos kung ituturo na ito sa paaralan, ay ang gagawin ko nalang ay ikumpara kung tama ba ang pagkaka intindi ko. In that way kasi, nareretake ng utak ko ang impormasyon ng mas maigi.
Ang sabi ni lolo ay maari na raw ako makapasok sa magnostadt kahit desi syete palang ako. Kasi sa buwan ng pasukan ay akin naman daw kaarawan. Di na ako nagtaka pa kung pareho pala kami ng birthday ni clara. Marami talaga kaming pagkakapareho. Baka nga pati nanay nya ay kamukha rin ng nanay ko.
"Binibini, naiahon napo ang tinapay na maraming sangkap." Masayang sabi ni lena, kaya nginitian ko ito.
Nakabalik si lena sa pagsisilbi saakin dahil naipaliwanag nya naman lahat ang nangyari at nangakong di na ako ilalagay sa ganong sitwasyon, nakonsyensa naman ako kasi ako naman talaga ang nagpumilit na tumulong, gusto ko ngang despensahan sila ni aling rita pero ang tanging sagot lang saakin ng aking ama ay naiintindihan na nya ng lubos ang nararamdaman ko. Kaya di na ako nagsalita pa basta ibalik lang nya saakin ulit si lena. Goods na kami!Tumayo na ako at naglakad pabalik ng kusina, as usual ay manghang manghang na naman sila sa itsura nito. Nang makita na nila ako ay lumayo sila sa pizza at yumuko.
"Binibini luto napo ba ito?" tanong ni telma saakin at sinuri ko naman ang tinapay. Napa tango tango pa ako maayos kasi ang pagkakaluto.
"Luto na sya! Pero may kailangan pa tayong gawin. Kuhanin mo ako ng kutsilyo." utos ko sa lalaking chef at agad nya namang ito inabot. Medyo may kalakihan kasi ang gawa ko, family size. Sakto lang rin nang makatikim din sila. Hiniwa ko ito hanngang sa magkaroon na ng 12 slices.
Inangat ko isang slice at natakam ako bigla nung makitang ang lagkit nya, dahil sa cheese. Napa woah naman din ang lahat ng nasa silid dahil kakaiba ito at talaga namang mukhang pasarap. Agad akong nagpaunang kagat at napapikit nalang ako sa sobrang sarap. Kumuha ako ng platito at naglagay ng isang slice para kay ama.
"Lantakan nyu na!" Sigaw ko at dali dali naman silang kumuha kasama na dun si lena. Nung kumagat ay nanalalaki pa ang mga mata nito habang ninanamnam ang lasa ng gawa ko. Ako man ay tuwang tuwa dahil na solce na rin ang cravings ko!
"Grabe binibini! Napakasaraaap!" Si lena.
"Oo nga mahal na binibini! Kakaiba ang iyong imbento ngunit sobrang lasa ng tinapay na ito." sagot naman ni telma at nagsitanguhan naman ang ibang kusinero sa silid. Napuno ng kasiyahan sa boung silid, minsan pa nga ay nagtatawan habang may isang nagbalak mag kwento sa karanasan nila sa masyon, at kung pano sila kabahan pag makikita akong pumapasok sa kusina, dahil baka raw masugatan ako, takot lang nila sa ama ko.
Pero ang o.a naman nun. Binibugbug nga ako ng anak nya tapos ng matandang ama nya, ito pa kayang maliit lang na sugat, napaka sensitive nya king ganon O exaggerated lang talaga ang mga tao dito. Seryoso lang kasi lagi kung makitungo ang duke sa mga tagasilbe at nagtatrabaho sa mansyon, kabahan ka na daw kung ngingitian ka nito
"Maiba nga binibini? Ano naman ang ipapangalan mo dito?" Tanong ng isang babaeng chef.
"Pizza." kaswal na sagot ko at uminom ng tubig.
"Pizza?" Sabay nilang sabi at naghihintay ng susunod na sasabihin ko, pero wala silang nakuhang sagot pa dahil di ko sila pinansin at pinunasan nalang ang bibig.
"Anong linguahe ang salitang pizza, binibini?" Tanong naman ni telma." at napasulyap pa sa itinabi kong pizza para kay ama. Agad ko naman itong tinakpan ng bestida.
"Wala, naisip kulang, di ko kailangan ng malalim na kahulugan para sa imbento kong pagkain. Kung ano ang unang pumasok sa aking isipan ay yung pangalan. 'G' ba?" pagpapaintindi ko sa kanila.
"G'? Ano po yun" sabay na tanong nila, napairap nanaman ako sa ere kasi naka bigkas na anamn ako ng salita sa dati kong mundo. Paninindigan ko nalang.
"Ibig sabihin nun ay naiintindihan, o naiintindihan nyu ba kamo?" sabi ko at napa- Ahhhhhh Naman silang lahat.
"Opo binibini na 'G' po namin" sabay ring sagot nila, kinidatan ko nalang sila at lumabas na ng silid dala dala ang tsaa at pizza na tulak tulak ni lena sa serving cart.
Sabay na kaming naglakad at puro daldal sila kung gano sya bilib saakin dahil naka gawa na naman daw ako ng panibagong imbento, at talaga naman daw ay tunay na masarap.
Kumatok na ako sa opisina ng ama, pinagbuksan ako ng alalay nya na di ko alam ang pangalan. Nagulat pa ito ng makita ako.
"Binibining Clara? Ano ang iyong sadya?" masayang bati nito saakin kaya nginitian ko sya pabalik at tinuro ang dala namin. "Ahh tamng tama, pagod narin ang iyong ama sa mga papeles na dapat basahin at permahan. Pasok kayo." anyaya nito saamin at nagpasalamt naman ako. Namangha na naman ako kasi napaka bango talaga ng opisina ng tatay ko.
Kunot ang noo ng aking ama ng makita ko sya na nagbabasa ng mga papeles, tama nga yung sinabi ng alalay nya na ang dami nga. Mukhang naramdam nyang may nakatingin sa kanya kaya nag angat ito ng tingin. At bigla agad lumambot ang expression nito ng makita ako.
"Nagpapakapagod ka naman ama." Nginitian ko sya ng matamis at himalik sa pisnge nya ng makalapit, napa pikit naman agad ito sa ginawa ko at malambing na tumingin saakin.
"Ang lambing naman. Ano naman iyang dala mo?" Tanong nito saakin ng makitang may naka patong na pagkain sa serving cart.
"Ahh bagong imbento ko, dali tikman mo." at Sinubo ko sa kanya ang pizza na agad nya namang kinagat. Katulad ng reaksyon ng mga chef ay manghang mangha nga ito habang ninanamnam ng lasa ng pizza na gaw ako. Nagyayabang ko syang tinignan.
"Ano kumusta?" mayabang kong tanong sa kanya, nagbibiro.
"Napakalasa naman! Di parin ako makapiniwala na nakaka imbento kana ng pagkain, anong pangalan nito at ipagmamalaki ko saaking mga amigo!" tanong nya habng inuubos ang isang boung pizza. Natawa naman ako sa inasal nya.
"Pizza po iyan." at napatango tango naman agad ito. Ininom din nya ang paborito nyang tsaa. Nagpunas na sya ng bibig at masayang tumingin saakin.
"Oo nga pala, May meron akong maganda balita para sayo!" Sabi nito at bigla naman akong nagtaka, pero nandun yung excitement!
"Naipasok na kita sa dumating na pagpapatala ng akademya, at sa susunod na linngo ay maari ka nang makapasok sa paaralang pinapangarap mo."
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...