CLARA
"Talaga naalala mo ako anak?" pag uulit nito nung di ko sinagot ang tanong nya.
Ang totoo nyan ay nagpakwento ako kay lena kanina, tungkol sa mga pangalan na dapat kong tandaan. Kasama na dun ang tamang pag asal sa habag kainan which is madali lang naman kasi may klase naman ako nun dati nung nag aaral pa ako sa dati kong buhay.
Nagkatinginan kami ni lolo at nakangiting tinanguan lang ako nito. Binaling ko ulit ang tingin sa kanya at kita kong naghihintay parin ito nang isasagot ko. huminga muna ako ng malalim at marahang tumango habang nakangiti.
Agad naman sumilay ang ngumiti mula dito at tumingin saakin na para bang hindi makapaniwala diko napagtanto na bumagay sa kanya ang ngumiti. Napaka gwapo nyang tingnan, Na miss ko tuloy si dad.
Naging mahaba ang pagkumusta nila sa kalagayan ko, patuloy lang din silang nag uusap tungkol sa mga masasayang nakaraan na kasama ang katawan na ito habang ako ay nakangiting malungkot habang tinitignan at nakikinig sa kanilang masayang kwento.
Maraming naka handang pang almusal sa hapag, may mga pamilyar na ulam, at napakaraming tinapay na talagang masarap tingnan ngunit alin man dito ay hindi man lang ako natakam, nagpatimpla lamang ako ng tsaa sa katulong na nag se-serve sa at maliit na tinapay.
Pinunasan ko agad ang bibig nung matapos. Di ko alam kong pano ko nahigop ng mabilis ang mainit na tsaa na yun. Ang iniisip ko lang ay ang makaaalis agad.
Maya-maya lang ay tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Nahihiya ba ako at nakokonsensya para sa kanila.
Nung tinanong nila ako kung bakit agad ako aalis ay di ko magawang makasagot. Pano ko ba sasabihin na pag tumatagal ay mas bumibigat ang loob ko. Kailangan ko mag-isip ako ng mabuti.
Pano kong sabihin ko nalang kaya na wala na ang anak nila na isa lang akong kaluluwa na naligaw at pumalit sa buhay nito. Oo na nakokonsensya ako! Kasi nararamdaman ko, base sa kwento nila ay naging masaya silang pamilya at ako na ang hindi. Ako na tong nangungulila.
Napayuko nalang ako dahil hindi ko kayang harapin sila, mata sa mata.
Tama nga bang angkinin ko ang buhay na di ko pag mamay-ari?
"Ipagpaumanhin nyu na po Duke William, marahil ay napagod lamang ang binibini, binilin rin po ng doktor na dapat sapat ang pahinga nito lalo nat kakagising palang nito kahapon." Mahabang lantaya ni Lena na ipinagsalamat ko naman.
"Nabigla ba kita anak? Paumanhin." nagaalalang wika nito dahilan para di ako makatingin sa kanya. Pasensya na po, kailangan kopa ng panahon at oras para lubos na tanggapin ang nangyari sa buhay ko.
"Hindi po, Ama medyo napagod lamang ako, paumanhin sa inyo." naka yukong saad ko.
"A-Ah Ayos lang anak, sige na magpahinga kana. Pasensya na nadala lamang ako sa aking kasiyahan, paumanhin." Napaka humble ng ugali ng lalaking ito, isa syang mataas na tao sa monarkiya ngunit nagpapakababa sa ng sarili sa kanyang anak. Ang swerte naman ng batang nagmamay ari ng katawang ito.
"Magpapadala ako ng liham sa yong ina. Tiyak na matutuwa iyon dahil nagaalala rin yon sa iyo, pilit pa nga nyang e uwi sa kanila at Galit na galit pa nga sya nun saakin, Pero nanatiling matigas ako dahil ikaw nalang ang natitira saakin na kasama ko sa mansyong ito." Malungkot ngunit naka ngiting kwento nito.
Nagulat pa ako nung hinawakan nito ang kamay ko at marahang pinisil. Nagtaas ulit ako ng tingin nung nag salita ito." Kaya ikaw, wag moko iiwan ha." malambing na saad nito at hinalikan ang buhok ko. Di ko alam ngunit gulat kong hinawakan ang pisngi ko nung maramdaman kong basa ito. Huli nang mapagtanto kong napaluha na pala ako.
Simple lang naman ang sinabe nya ngunit hinaplos nito ang puso ko. Naalala ko nung tatlong araw bago naaksidente si papa ay isa yun sa hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. Hindi man pareho yung sinabi nila pero pagmamahal na pinaparamdam ay tugmang tugma talaga.
Nag lalakad na kami ngayon sa pabalik sa silid ko, di parin maalis yung pamamasa ng mata ko, para akong tangang naglalakad ngayon na naka tingala. Feeling ko kasi anytime ay mag be breakdown na naman ako.
"Bat ganon ang sya makitungo lena?" Biglang tanong ko dito.
"Po?" nagtatakang tanong nya habang patuloy lang kami sa paglalakad.
"Diba mataas na tungkulin ang ikinauupo nya ngayon? Bat ganon sya? Diba ba sya natatakot na-" pagputol na naman ni lena at talagang napa nganga akong tumingin sa kanya.
"Na gamitin lang sya at maisahan?" Napatawa ito sa sinabi, di man lang sya ng angat ng tingin para makita at mapagtanto nyang bubuga na ako ng apoy sa inis! Grr lena!
"Isa pong magiting at malakas na tao ang iyong ama binibinig Clara. Kung ang aking opinyon ang iyong hihingiin, bilang ang iyo ama ay napabilang sa konseho at bilang isang Charismadong tao ay masasabi ko sya pa ata ang kumukontrol sa emperador." mahabang pagpatuloy nito na ikakunot ng noo ko.
Hindi pa ako nakuntento at talagang napahinto ako sa impormasyon na narinig ko, Hindi ba exaggerated lang tong mag bigay ng opinion. Si lena? Tch! alam naman natin na O. A talaga tong babaeng to.
Nang marating namin ang silid ay agad kong hinarap si lena.
"Maara bang iwan mo muna ako ng ilang oras, gusto ko munang mapag isa." sinabi ko yun habang nakatingin sa bintana at tinatanaw ang mga malalaking kakaibang hayop na lumilipad.
"Naiintindihan ko po binibini." Napangiti nalang ako dahil sa pagiging maintindihin ni Lena. Maya maya lang ay na rinig ko na ang pagsara ng pinto.
LENA
NANATILI lamang akong nakatayo sa labas ng silid ng aking binibini, Naririnig ko mula rito ang ungol nang pag iyak nito.
Kanina pa nya napapansin, mula pagkagising na malungkot ang dalaga, mas lalo lamang itong nalungkot nung makita ang kanyang ama. May bigla ba syang naalala? Nanumbalik naba ang alaala nito. Imposible naman kasing maging imosyonal ito ng walang dahilan. Kailangan ko makausap ang doktor.
Ipinagdadasal ko nalang ang pagbuti ng loob ng binibini.
"Anong ginagawa mo dyan lena?" gulat akong nag angat ng tingin sa pamilyar na boses ng isnag lalaki.
"Dok Glad! Mabuti't narito ka." Masayang sabi ko habang pinaghawak ang dalawang sariling kamay.
"Diba sinabi ko naman sayo na bibisitahin ko ang binibini bukas?" Nagtatakang tanong pa nito ngunit napakamot nalang ako ng di ko maalala. "Ikaw talaga, Oh, kumusta na ang binibini?" Sinenyasan ko sya na lisanin ang pasilyo dahil baka marinig kami. Na gad nman nitong sinunod.
Ikinewento ko sa kanya ang naganap sa sa hapagkainan ng mga amo at ang pagiging emosyonal ng binibini, walang labis walang kulang.
"Maaring Tama ka nga Lena ngunit kailangan ko makita ang binibi ng personal para matukoy ng wasto ang kalagayan nito" Na agad namang ikinagulat ko.
"A-Ah hindi po maari Dok! Hayaan muna nating bigyan sya ng oras na hinihingi nito para sa kanyang sarili, maari bang bukas ka nalang bumalik?" Naka ngiting pagmamakawa ni lena sa doktor na ngayon napakamot nalang sa ulo. NAGPAKAWALA nalang ito ng mahabang buntong hininga at inintindi nalang ang kalagayan ng binibini
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...