Kabanata 4: Potential

7.5K 287 2
                                    

Nanatili lamang akong naka upo sa aking kama, sa tabi ko ay si lena na nagbabalat ng prutas na dala ng matanda para daw saakin, habang ako ay nahihilo na dahil paroo't lakad ang ginagawa ng matandang to sa aking silid hanggang sa mapag disesyunan nyang tumambay nalang sa terrace.

Ngayon kulang din napansin na madilim na pala ang kalangitan sa labas, di ko manlang natanong ang oras kay lena. Ang totoo nyan ay hinatiran na ako ng mga pagkain dito at ngayon ay nanatili lamang itong nakatabi sa silid kasi wala akong ganang kumain sa dala nila,Halos puro mabigat kasi sa tyan ibinilin ko nalang kay lena na kainin ito, na agad nya namang tinanguan. Kasi dati ko na daw talaga yung gawain tch!

Nanghihinayang din naman ako kasi grasya yun pero hayaan na di naman matatapon.

Sa pagmumuni ko ay may napansin akong kahanga hangang bagay. Di ko kasi gets bakit pakiramdam ko ay may aircon sa mundong ito, iyon pala ay dahil yung sa isang batong kulay Puti na napaloob sa isang salamin na lalagyan. at nakasabit sa dingding na wari'y lumulutang5, ito ang pinag mulan ng malamig na hangin na linalabas sa silid.

"Hmm Clara, kumusta na ang iyong kalagayan." sa wakas ay nagsalita na ito ng mapansin nyang tapos na akong kumain. Hinintay nya talaga akong matapos para di lang maistorbo ang pagkain ko. Masasabi kong isa syang maginoong matanda. Kagalang galang.

"Satingin ko ay ayos na naman ako." Kaswal na pahayag kopa at tila ba nawala naman ang pag-aalala nito at ngumiti ito saakin.

"Mawalang galang na po ngunit gusto ko lang kumpirmahin kung kamag anak po ba kita?" nagtatakang tanong ko sa kanya at napa halakhak na naman ito. Happy yarn? Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko? O baka straightforward lang ako masyado. As much as possible ayaw na ayaw kung maghaka-haka j

"Kamag anak mo nga ako, Hayaan mong magpakilala ako" magalang itong bahagyang yumuko sakin at nag patuloy. " Ako si Fredrickson Grosvenor at ako ay isang Vice-Great holy knight at iyong Lolo"nakangisi ngunit mahinahon pa na saad nito habang nakatingin saakin at ako naman ay gulat talagang napatingin dito, di ko parin naiintindihan ang systema ng mundong ito pero sa sinasabi nitong ranggo nya 'kuno' ay mukhang malakas nga ito.

Di ko namalayan na pinaningkitan kuna pala ang kabuuhan nito, kasi pano ba namankasi e ang payat-payat nya at ang tanda tanda pa. Tapos sasabihin nya yung ranngo na para bang isa sya sa mga pinakamalakas na nilalang sa mundong ito.

"Grabe ka naman manghusga, apo ko." at umakto pa itong parang nasasaktan, bigla tuloy akong natahimik ng maalala ko si dad sa kanya,ganitong ganito din yung inakto nya noong panahon nabubuhuhay pa sila pag may gusto akong sagot at pakiramdam ko ay may tinatago sila ni mom.

"Ipagpaumanhin nyu, ngunit hindi ko talaga kayo matandaan, Kahit isa siguro sa inyo ay wala akong matandaan." paglilinis ko sa sarili para hindi maging kaduda duda ang pagtanggap ko sa katawang ito.

Ang totoo nyan ay di ko parin alam kung magpapasalamat ba ako o hindi. Gusto ko naman talagang mabuhay, pero hindi ganito! Hindi naman ako tanga para di malaman na patay na ang totoong nag mamaya ari ng katawan na ito. Bakit paba ako napunta sa mundong ito?

"Naiintindihan ko aking apo, hindi biro ang nangyari sayo sana lang ay wag na maulit ito, dahil ang di makontrol na kapangyarihan ay kayang kumitil ng buhay ng tao Nag papasalamat nga ako ay maayos ang lagay mo na talaga namang nakapagtataka, dahil dapat matagal kanang patay oras na tamaan ka nun." Seryosong saad nito.

di ko alam kung bakit parang wala lang ito saakin, nanatili lang akong nakatingin sa kanyang mga matang kulay pula. di ko man lang nagawang kilabutan, siguro ay dahil naranasan kuna iyon, ang kumaway kay kamatayan.

FREDRICKSON

Bahagyang nagulat ang matanda sa reaksyon ng dalaga, hindi man lang ito kakikitaan ng takot sa pagbigkas nya kay kamatayan. Nanatili lamang itong kalmado na nakamasid sa kanya. Di nya matukoy sa sarili ngunit aminado sya na parang iba na ang dating dalaga.

Ang pagkakilala nya kasi sa kanyang apo ay mahiyain at tahimik at mahinhin lamang na bata. Ayaw nyang nakikipagsalamuha sa ibang tao maliban nalang sa kanyang katulong at sa kanyang pamilya. Hindi rin ito pala labas sa kanyang silid kahit di naman sya pinaghihigpitan ng kanyang ama na anak nito. Kaya hindi sya halos makilala nang mga tao sa kahit pa sa loob ng mansyon.
.
Ngunit iba na ang kanyang nakikita ngayon. Ang mga mata nito ay sumisigaw sa tapang na para bang walang kinakatakutan. Ang tindig nito na walang halong katamaran. Ang boses nito na kahit naroon ang paggalang ay ramdam mo ang owtoridad. Bigla nyang nakita sa kanyang apo ang kanyang yumaong asawa.

Bigla syang napabalik sa sarili galing sa malalim na pagiisip nung biglang natarantang hinawakan ang braso nito ni lena habng nakatingin sa kanyang binibini.

liningon nya ang apo at gulat syang nakita itong tumutulo ang luha habang nagpapakawala ng enerhiya.

Lumulutang na ang ibang hibla ng puting buhok ng dalaga, naging puti naman ang matingkad na pula nitong mata at may kung anong bumobuong aura sa paligid nito dahilan para mawalan ng lakas si Lena at  napahawak sa sahig. '

Pansin nyang wala sa sariling ang dalaga habang nagpapakawala ng malakas enerhiya. Ramdam nya ang matinding lungkot mula sa kanyang posisyon.

di siguro maalis sa kanyang systema ang pangungulila sa kanyang ina.

Ganitong enerhiya rin kasi ang naramdaman nya nung nasaksihan nya itong tinamaan ng malakas na kidlat sa kanilang hardin.

Habang sinasagawa nya ang pag tayo ng isang seal na kung saan sa loob nito ay mawawalng bisa ang kahit anong bayolenting enerhiya ay napansin nya sa aura ng bata ay may potential ito gaya ng kanyang kuya na maging isang holy knight. Nawawalan ng lakas ang sinumang harapang nasaksihan ang isang aura ng holy knight maliban nalang kung pantay o mas mataas ang lakas mo dito.

Bagama't nanghihina dahil sa inuubos ng seal ang lakas ng matanda ay di nya maiwasan ang humanga sa apo, ang dating bata na mahina, mahiyain, di gustong nasasaktan ang sarili at di nya kakikitaan ng potensyal ay ngayon ay nakikita nya na ganap ng isang babae na may lakas di man nya maayos na makontrol ito, yun ay dahil hindi pa hulmado ang katawan at puso ng dalaga.

Napaisip tuloy ang matanda kung epekto ba ito ng pagtama ng kidlat.

Sa ngayon ay ang satingin nyang Kailangan nya lang ay ensayo. Mabusising ensayo hindi lamang sa lakas kundi pati rin ang puso.

Naka hinga silang dalawa ng maluwag nung kumalma na ang enerhiya nito. Inalakayan nya itong mahiga dahil nakatulog ito sa sobrang pagod. Bukas rin ay ay may ibabalita na sya sa kanyang anak na isang duke na ngayon ay nasa palasyo ng emperyo para sa isang pag pupulong.

Balita balita sa bayan na nagsisimula na naman maghasik ang kampon ng kadiliman..

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon