"T-Teka! Taympers! Taympers muna! " Hinarap ko ang dalawang palad sa kanya upang iparating na huminahon.
"Taympers? Anong linguahe iyon? " Takang tanong nito, kaya napa kagat labi na naman ako. Pahamak na bibig litse.
"Uhmm W-Wala, gawa gawa ko lang iyon. " Sagot ko dito tsaka ngumiti ngunit mukhang hindi ito kumbinsido at di parin maalis sa kanya ang pagtataka.
Umestrang tuturo pa ito saakin at biglang babawiin.
"Ikaw ba ay nag aaral ng lenguaheng banyaga na di nalalaman ng yung ama?"
"Pinagsasabi mo tch! " Tumalikod ako dito at nag isip. "Masama ba iyon? " Dagdag kopa at umiliing naman ito. Naka hinga ako ng maluwag
"Hindi naman. Naka mamangha lang dahil nagagawa mo iyon gayong mahirap iyon lalo nat yun ang nagiging dahilan ng Hindi pag ka sundo ng ilang nayon." Namamanghang saad nito,
"MABALIK nga tayo prinsepe..hmm hindi maari at yun ang sagot ko. " Serysong saad ko para mabalik ang usapan kanina.
"Manang mana ka talaga sa iyong ama. " Saad nito at biglang natawa.
Kunot noo kong Inintindi ang sinabi nya. Tch Parang gago.
"Tutulong ako, dahil yun ang nakikita kong tama at wala lang karapatan tangihan ang naka upong prinsepe ng emperyo. Binibining Clara aysel Grosvenor. " Makapangyarihang saad nito saakin kaya napa ngiwi nalang ako.
Bakit si erpats pwede pero ako hindi? Unfair.
"Ang abusado mo ha. " Sabi ko dito at natawa lang naman ito, inayos ko ang palda at hinarap sya.
"Magpalit ka ng damit." Utos ko dito.
"Ha? Bakit? "
"Anong bakit, para hindi ka makilala!"
"Bakit kailangn kopa mag tagong anyo? "
"Para nga hindi ka makilala, ang kulit! "
"Eh pano nila malalaman na tumulong ako?"
"Hayaan mo silang maramdaman iyon. "
DAMIAN POV:
'Hayaan mo silang maramdaman iyon'
'Hayaan mo silang maramdaman iyon'
'Hayaan mo silang maramdaman iyon'
Alam ko sa sarile ko na marami akong pagkukulang bilang prinsepe, may mga bagay o ideya ang pumapasok sa ulo ngunit agad din naman nasasapawan ng batas, matagal ko na to pinag iisipan, kung pano ko ba magagawa ang tungkulin ko ng maayos at maging isang susunod na mabuting pinuno.
Sa bawat disesyon ko ay pakiramdam ko ay palaging may kulang gayong lahat ng ito ay para sa akin naman ay ikakabuti ng lahat.
Di ko namalayan na napatitig na pala ako sa binibini, kamangha manghang sa mura nyang edad ay may mga karunungan sya tungkol sa buhay. Pano nya kaya iyon nagagawa gayong sa pagkaka alam ko ay di nga ito lumalabas sa kanilang bahay.
Nabalik nalang ako sa ulirat ng hawakan nito ang dalawa kong balikat at hinarap sa kanya.
Tch! Isa pa to, di ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngunit para syang lalaki kung umasta. Ni isa isang nawala ang lahat ng bagay na nilalarawan ng nakaka tanda nitong kapatid saamin na sya raw ay mahiyain at mahinhin. Kakaiba sa di maipaliwanag na dahilan ay mas gusto ko ang ugali nyang ito.
"Alam mo prinsepe, maraming uri ng pagtulong, at nasa iyo nayon kung pano mo aalamin pero ito, may suhistyon ako.. Ikaw kailangan mo pangalagaan ang iyong ngalan dahil ang mga iyan-" Turo nya sa mga aristokrata sa likod ng binatanang salamin na nasisinagan ng ilaw.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...