Kabanata 16: Ang Tinuro Ng Lolo

4.5K 182 4
                                    

Maaga akong nagising dahil ngayong kailangan kong dumalo kana ama para mag agahan. Aalis na naman kasi ito mamayang alas nuebe at pumaroon sa tahanan ng emperador upang makipag pulong.

Isang araw na nga ang nagdaan at ngayon na yung araw na mag maglalaban kami ni cale. Oo! Magalalaban talaga, kahit na ang sabi nito ay pagsasanay lang iyon. Ganito talaga yung ginagawa ko sa dating buhay, Always  train yourself as if your in real situation. Pagdating sa pagsasanay ay dapat di ka marunong huminto sa pag iisip. Kasi sa oras na magkamali ka, matatapos rin ang buhay mo.

Di ko pa matukoy kung gano ka lakas talaga ang kuya kong ito, may narinig akong sabi sabi(ang totoo nyan ay kay lena lang talaga) na ang matandang lolo namin ang nagsanay din dito. Hindi na ako magtataka kung may pagka brutal din ito.

Kahapon ay ginugool ko ang ang boung araw para magsanay nang mahika. May naisip kasi akong mga what if(s)! Katulad nalang sa halibawang pano kung e sasalin ko ang mahika sa aking espada, dahil sa napapansin ko sa ibang knights ay ginagamit nila ang mahika para palakasin lamang ang katawan o dikaya naman ay gumawa ng sandata gamit ng enerhiya at syempre gamitin ito upang pang atake. Yung mga ganong paraan ay mabilis maka ubos ng mana, kaya dapat lang na ginagamit ang kapangyarihan ng maayos.

Sa ngayon ay umaasa lang muna ako ako sa sariling reflexes. pero wag lang sana maka tagpo ng mabilis na kalaban katulad nalang nung nakalaban kong prinsepe dati.

Mahinang tinapik ko ang  sariling pisngi dahil sa naisip. Dapat di ako namimili ng makakalaban. Masamang pag uugali iyon.

Naalala ko na naman yung tukmol na yun. Di na ata mawawala ang inis ko sa kanya dahil sa nangyari pero kahit man ay gusto ko parin mag pasalamat sa ginawa nya.

"Nandito napo ang binibini, Duke william." Napasulyap muna ako sa kanya nung nagsalita ito. Nakapagtatakang di man lang ito nagsasalita habang tinatahak namin ang daan. Sinubukan kong silipin ang mukha nito pero nag iwas lang sya ng tingin. Ang arti nya!

Di ko nalang sya pinansin at pumasok nalang sa loob. Nadatnan ko ang dalawang mag ama at si lolo na masayang nag uusap.

"Magandang umaga po sa inyo ama, lolo" Kaswal na sabi ko sa kanila at naupo. Dinaluhan ako ng mga katulong upang pagsilbihan. May nilagay silang tela sa lap ko, habang ang isa naman ay nag lalagay ng tsaa sa baso ko.

"Bakit sila Ama lang ang binati mo? Andito ako oh" Pagtuturo nya pa sa sarili. At umakto itong nagtatampo.

"Ay nandyan ka pala? Di kita napansin." Pangaasar ko dito.

"Imposible namang di mo mapansin ang kagwapuhan ko?" Nagyayabang na sabi nito at nag flex pa ng muscles kahit di naman makita kasi naka long sleeve ito.  Napangiwi nalang ako  habang ang dalawang may edas ay tawang tawa na parang proud sa sinabi ng binata.

Di na ako sumagot nalang at  iling iling kong sinulyapan ang patapos na sa ginagawa ang mga katulong.

Naging abala ang lahat sa pakikipag kumustahan tungkol sa naging paglalakbay ng kapatid ko sa kaharian  ng Terrasen na meron raw namataan na pakalat kalat na anyong lupa na binabalutan ng maiitim na aura, nanatili lamang akong nakikinig habang humihigop ng aking gatas.

Di ko talaga mapigilan mapa imagine nalang sa pinag uusapan nila. Kasi isa daw itong anyong lupa? E ang alam ko lang anyong lupa ay, talampas, kapatagan, burol, bundok Tapos ngayon ay sasabihing  may itim na aura? Sorry naman puro criminal code lang nalalaman ko e. Napakamot nalang ako ng ulo. Dibale na nga lang, magbabasa nalang ako mamayang gabi tungkol dun.

"Oo nga pala Clara, anak, bago ko makalimutan ay pinapa abot ng emperador ang kanyang pagbati, sa iyong matagumpay na pagpasa sa pagsusulit at tunay nga itong kamangha mangha." medyo nagyayabang na sabi ni ama. Nagulat nalang ako nang magpalakpakan rin ang mga kawal at katulong na nasa loob ng silid. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya, yumuko nalang ako sa kanila at hindi nag salita.

Ilang segundo rin ang tinagal ng pagbati nila at kusa na itong huminto.

"Alam mo ba na ang emperor lang ang nagawang ipasa ang pagsusulit na iyon gaya ng ginawa mo?" Tanong nito sakin na ikinamangha ko naman agad, ibig sabihin nun ay ganon sya katalino? Hindi na ako magtataka dahil nagawa nga nyang pamunuan ang pitong kaharian sa loob dalawang dekada

Natapos ang mahabang agahan at pinauna kona si lena sa silid dahil didiretso na ako sa hardin kung saan daw kami mag eensayo. Nag palit lang ako ng damit sa silid- sanayan at lumabas nag ikot ikot lang ako ng konti at  dun ko natagpuan ang kapatid ko na prenteng naka pandikwatrong babae sa isang malaking bato. Lumapit ako sa kanya at agad nya naman akong binati.

"Ayos ah." sabi nito at sinuri ang kasuotan ko. Napatingin naman ako sa kasuotan nito, napaka pormal nya, di ba sya na iinitan?

Agad itong tumayo at pumwesto habang naka tutok na sakin ang espada nito. Naging seryoso narin sya dahilan para mas lalo akong naganahan at mapa ngisi. Sa isang pitik lang ay tila nawala na ang masayahin nitong ugali na syang ikinabahala ko pero.. hinanda ko na ang sarili, himinga muna ako ng malalim at bumuga.

Matalas ang naging tinginan namin at umabot na ata sa  minuto ang naganap na  pakiramdamam namin sa isat isa at.. sya na ang unang umatake.

Tumalon ito ng napakataas sa ere at mabilis na bumagsak patungo sa akin. Wala sa sariling sinagga ko ito. Ganon nalang ang gulat ko nung biglang bumiyak ang lupa na tinatapakan ko at lumikha ito ng napakalakas na pwersa, sumulyap ako sa kanya at nakapagtatakang wala man lang itong ka expe- expression.

Lumayo ako sa kanya at namamanghang tinignan ito. Di ko akalain ay parang naging iba syang tao pagdating sa pakikipaglaban.

Ako na ang unang sumugod sa pakakatong ito at nasalo lang naman agad nito, naging mabilis ang naging galaw namin at nakapag sabayan pa nga kami ng espada  ngunit sa kalagit-naan ay agad akong nadehado, kaya todo depensa at sangga nalang ang ginawa ko habang umaatras at sya naman ay patuloy sa pag opinsa at atake, sa katunayan ay swabe lang ang galaw nito ngunit iba ang bigat na binibigay ng sandata nya sakin. Napakalakas.

Mabilis akong tumalon patalikod at nagawa kong makatakas sa kanya. Ngunit mabilis itong nakalapit saakin at aggrisibong umatake, medyo nataranta na ako sa oras na ito  pero Pinilit kong masanay sa bilis at bigat ng atake nito. Marami narin akong maninipis na sugat na natamo, halatang nagpipigil pa ito.

Kalmado lang syang pinagmasdan ako na para bang isa lamang akong mahinang nilalang. Akmang aataki na sana ito  gamit ng sariling espada, kaya hinanda ko ang sarili ngunit ganon nalang ang gulat ko nung biglang  umikot ito at dun na nagslowmotion ang lahat nung  mabagal sa paningin ko ang pagsipa nito.

Tumilapon ako sa katabing puno, nag iwan panga ito ng marka ng pagka sampak. Tumayo ito medyo kalayuan saakin. Napa ubo ubo na ako ng dugo pero di ko to ininda, ang iniisip ko lang ay may matututunan ako sa taong to.

"Di ba si Lolo ang nagturo sayo?" Malakas na tanong nito pero di ko sya sinagot, matalas ang tingin lang ang pinukol ko sa kanya. "Pwes, Tinuruan kaba nya nito." seryosong saad nito saakin.

Biglang nag iba ang pression at nagsimulang umilaw ang katawan nito. Umangat na rin ang puting buhok nito, nagsi angatan rin ang ibang bitak ng lupa at may kung anong dumadaloy na kuryente sa katawan nito.

Kumurap lang ako ngunit wala na agad sya sa harap ko. Nanlalamig akong nanatiling diritsong nakatingin.

May nararamdaman akong matalim na bagay na ngayon ay naka tutok sa ibabang batok ko. Linibot ko ang paningin at napagtanto kong sira na ang lahat na napakalibot dito,  di ako makaniwala na ganito pala kalakas ang isang mag aaral pa lamang ng magnostadt!

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon