NAKAUPO ako ngayon kasama ang mga myembro ng Octagon at ibang knights na mas mataas saakin ang rango sa iisang mahabang mesa. As usual katabi ko si syn. Dahil wala naman akong kasundong iba. Ang kapatid nito ay katabi ang prinsepe, nakita ko itong tumayo at may kinausap na taga silbe.
Nagkibit balikat nalang ako at binaling ang tingin sa pagkaing nakahanda. Bigla akong natakam ng may nakitang akong Lechon at ibang putahi na pamilyar sa mata ko.
Biglang naagaw ang atensyon ng lahat ng biglang may tumayong lalaki at nag simulang magdasa, nagsiyukuan din kami para makisalo dito. Nakakatuwang isipin na maron palang parehong kasanayan sa dati kong mundo at sa mundong ito. Ang magdasal bago kumain, di ko tuloy maiwasang di mangiti.
Nang matapos ay kumain na kami, nagsimula naring mag usap usap ang ibang knight at nanatiling tahimik na nanakikinig naman ako sa kanila.
Tungkol naman ito sa Medisina at mga sakit, di malawak ang kaalman ko dito pero natutuwa akong malaman na kahit nasa hapag ay may ugali silang pag-usapan ang mga problema ng bayan kung pano ba bigyan ng solusyon ang mga ganitong bagay bagay.
Tunay na napaka responsable nila at karapat dapat sa kanya kanyang katungkulan. Namamangha man ay nagpatuloy parin ako sa pagkain. Di ko pinagsisishan na dumalo ako dito!
"May Isang lalaki na kawal ng emperyo ang nalagay sa Hospital at may nakapagsabing kinulong raw ito ng mga doctor dahil sa malubha nitong kalagayan." seryosong saad ng taong nag ngangalang Arki, sumulyap lang ako dito at binalik ang tingin sa pagkain.
"Kalagayan? Kung ganon, ay bakit dapat ikulong ito, hindi ba dapat na pagtuunan ito ng atensyon medikal?" Mabilis na tanong ni damian sa kanya, kaya sumulyap naman ako dito at nakapagtataka dahil seryoso na ang expression ng mukha nya, naniningkit narin ang kanyang mata na parang kinikwistyon ang sinabi nito.
Tama nga naman ang prinsepe, bakit kailangan ikulong pa kung pwede naman bigyan ng atensyon medikal!
"Prinsipe, ayon sa ulat ay banyaga para sa mga doktor ang sakit na ito. Wala silang ka idi ideya kung pano ito sulusyunan."malungkot na wika nito sa kabilang panig ay talagang na dismaya sa sagot nya ang prinsipe.
"Bakit.. Ano ba ang pag uugali nito, kakaibang pangyayari sa katawan at pano ito makisalamuha sa tao.?" Sunod sunod na tanong ng prinsepe , di muna kumibo si arki at pinakiramdam ang ganap sa mesa.
Nanatili namang tahimik ang ilan at sersyoso lang ding nakikinig sa naguusap. Mukhang malaking problema nga ito at masyadonh dumidilim narin ang expression ng prinsipe. Kakaiba talaga ang otoridad na pinaparamdam nito, ako nga na hindi kausap ay nasisindak na. Hindi naman sya ganyan makipag usap saakin.
SYN POV.
NAKAPANGALUMBABA akong nakatingin kay Clara habang seryoso ang mukhang patuloy na kumakain. Natutuwa lang ako dahil halos mawalan na ng gana ang lahat pero sya ay mukhang walang paki-alam sa nangyayari. Tensyonado narin ang pinag-uusapan nila, pero tama lang iyon na buksan dito dahil maselan nga naman itong kundisyon.
Napangiti nalang tuloy ako kung pano nito magawang kumain ng maayos sa kabila ng tesyon sa hapag!
"Ayon sa doktor ay kung tingnan mo ito, ay para lang syang normal na tao, na walang kalagayan ngunit di ito nakikipag-usap at talagang palaging alerto sa paligid, at ang tibok ng puso nito ay talagang katulad sa nararamdaman natin kung may darating na panganib.." Mahabang salyasay ni arki. Napalingon naman ako dito at nakinig.
Sinalinan narin kami ng mga Wine para sa aming magiging inumin, sumulyap ako ulit kay Clara na napahinto din habang pinagmamasadan ang sinalin na maiinom para sa kanya.
" Ang tanging problema ay, sa oras na bigyan mo ito ng pagkain ay itatapon nya lang ito at magsisimulang maging bayolente." talagang problemadong saad na ni arki sa prinsipe.
Sa aming walo ay sya ang mas may pake pagdating sa mga kalusugan ng tao. Isa syang prinsepe na may tunay na pag-aalala sa bayan.
Namutawi ang mahabang katahimikan at tanging tunog na lang ng kutsara at tinidor ni Clara ang umugong sa lugar. Ako man ay napaligon dito dahil mukhang tinatapos nya na ang pagkain
.
"Bakit hindi nyo tanungin si binibining Clara.." Bigla akong napalingon ng magsalita ang kapatid ko at mula rito ay ramdam ko ang inis nya sa babaeng katabi ko. Napatingin din ang lahat dito kasama na ang prinsipe.
Gulat naman itong nag angat ng tingin, nang maintindihan ang sitwasyon nya ay elegante nitong pinunasan ang bibig. Kinuha nya ang baso at iinomin na sana ang laman nito ng bigla itong napatigil.
"Syria!" Saway ko dito, pero tumingin lang ito sa prinsepe at himingi ng pahintulot na agad namang binigyan.
"Si binibining Clara ay Kilala bilang matalinong babae., wala naman sigurong mawawala kung bigyan nya tayo ng opinyon ukol sa ating paksang pinag uusapan." Saad nito at napatango naman ang iba at lumingon sa binibini na parang nag iba ang expression.
Nanatiling tahimik lang ang myembro ng octagram at sumulyap kay Clara na naka ngisi na ngayon, habang hawka hawak ang baso na mistula bang may nakakatawang bagay dito. Binaba nya ito sumulyap sa lahat.
"Meron syang malubhang kalagayan sa pag iisip.." kaswal na saad nito habang inaayos ang pagkalagay ng kubyertos at humarap ulit Dito.
"Binibini, Alam na namin iyon, dahil iyon na nga ang pinag uusapan dito at ganun rin naman ang iniisip ng nakararami." Inis namang sagot ni arki sa dalaga na nakatabingi na ang ulong nakamasid dito. Nagtataka sa inakto ng prinsipe. Bigla itong sumeryso.
"Alam mo na pala e, bakit hindi mo matukoy kung pano bigyan ng sulusyon ang kondisyon nya!?" Inis ring saad ng binibini, di ko alam pero sa uri ng pananalita nito ay mukha syang galit, dahil ba ito sa uri ng pakikipag usap sa kanya ni arki? Per parang malabo naman iyong mangyari, pikon lang sya pero hindi naman mainitin ang ulo nya.
Di nakasagot si Prinsipe Arki at gulat na tumingin sa babae. Ganun rin naman ang iba dahil hindi normal na pagsalitaan ng walang galang ang isang prinsipe.
Nakapamewang itong tumayo at linibot ang paningin sa boung silid. War'y may hinahanap. Nang makuntento ay tumawa naman ito na parang hindi makapaniwala habang nakatingin sa dingding. Ito ang unang pagkakataon na makita ko itong mukhang asar na asar. Ito yung tipong asar na galit! Lumingon ito sa amin at ngumiti.
"Sa aking pagkaka intindi sa paguugali ng pasenyte, Ang taong yun ay may karanasan sa pangmamalupit ng kanyang kinikilalang kalaban, at malaki ang tsansa na nakasaksi din ito ng panglalason o nasubukan na malason na kalaunan ay kanyang naging bangungot at nag-udlot sa kanya sa ganong kalagayan." May diin ang bawat salita nito upang pinapaintindi saamin ang sitwasyon ." Sa kanyang Uri ng sakit ay tinatawag itong Paranoid Schizophrenia O pagiging praning! Kung may paki alam kayo sa kalusugan nito ay bigyan nyu sya ng pagkain naka balot at hayaan itong personal na buksan nya, sa ganitong paraan ay maiisip nyang walang lason ang pagkaing hinanda para sa kanya." Dagdag nito na talagang ikinatahimik ng lahat. Pero di parin maalis ang pagkunot ng kanyang noo at padabog na lumayo sa mesa.
Lahat ay naka tulala at di parin makapaniwala sa narinig, ako man ay hindi maintindihan ang sinasabi nitong sakit pero nakuha ko yung magiging sulusyon para dito. Katulad ko ay alam kong pareho lang ang iniisip naming lahat sa kanya.
Isa nga syang kamangha manghang binibini, at kakaiba ang angking talino, lumambot narin ang expression ni arki at ng prinsipe na tulala lang ding naka tingin dito. Di naman umimik ang ilan pero ramdam mo ang pagkabilib sa sagot ng ngayon ay wala sa wisyong binibini.
Bigla akpng nagulat ng magtama ang mata namin at napabuntung hininga. Lumapit ito saakin at bumulong...
"May lason sa aking inumin." seryosong saad nito dahilan para mapasulyap ako sa baso nya at tulalang napa titig dito.
Nag simula na itong maglakad palabas at ni isa ay walang lakas upang pigilan o tanungin man lang ang walang pasabing binibini. Lahat sila ay nangangapa parin sa kinilos nito. Kaya naman pala ganun nalang ito kung mainis.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated as Daughter of the Duke
FantasySi Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Accident, She was on her way, going home when an accident happen. She can't believe herself na mangyay...