Kabanata 20: Yakap Ng Ama.

3.9K 182 12
                                    

CLARA

"Clara anak? Anong ginagawa mo dito." Seryosong tanong nito saakin habang sinisilip ang mukha ko. Bumaling naman ang tingin nito sa mag-ina at nagtatakang pinagmasdan din ito mula ulo hanggang paa. "Lena? Rita? Ano ang ginagawa ng anak ko dito? Tanong dito sa mag ina. Nagulat naman ako ng akmang lalapit ito sa aking ama ngunit pinigilan ito ng mga kawal kaya lumuhod nalang sila sa lupa.

"Senior, Patawarin nyupo sana ang pagiging irresponsable ng anak ko, at nagawa nya pang dalhin ang binibini dito." naiiyak nang sika ni rita. Gulat namang nag anngat ng tingin saakin si Jones at parang binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig. Palipat lipat pa ito ng tingin sa aming mag ama.

"Lena, Magsabi ka ng katotohanan! Ano ang iyong dahilan at bakit mo dinala ang aking anak sa salot na mansyon na ito!?" Tumataas na ang boses nito pero halatang nagpipigil. Nasindak naman si lena at nanginginig na nag angat ng tingin.

"S-Senior, Patawad po.." Umiiyak na talagang sabi nito pero parang di man lang natinag si ama at seryoso paring pinagmasdan silang magina. Pinalibutan narin ng mga kawal sila lena at rita at hinawakan sa magkabilang balikat kaya lumapit na ako.

"Hoy! Bitawan nyo sila." Malamig na pagkasabi ko habang matalas ang paningin na pinukol bawat isa sa kanila.  Ngunit hindi sila natinag at humingi pa ng permeso sa aking ama na sumensyas ng tango kaya napabalik na naman sila sa lupa.

"Clara, Dun ka sa lolo mo." Seryosong sabi nito na agad ko namang sinunod. Di ako makapaniwala na nakakatakot pala sya kapag seryoso, kaya pala takot sa kanya si Cale.

"Napano ka?" biglang tanong sakin ni Lolo freddy nung makalapit na ako sa kanya.

"Wala po ito." pagsisinungaling ko sa kanya, napatingin pa ako sa sariling paa at mahinang sinipa ang maliit na bato sa paanan ko.

"Ikaw ba ang may gawa nyan?" Tanong nya ulit sakin kaya nag angat ako ng tingin nakita ko itong nakanguso sa mga walang malay na kawal. Tanging tango lang naman  sagot sa kanya.

Nagulat naman ako nung bigla itong napahalkhak dahilan para magsitinginan ang ibang kawal at pati narin si ama na ngayon ay masama ang tingin kay lolo freddy, bigla itong napatakip ng bibig.

Bumalik narin sa pakikipag discusyunan ang ama kina kina lena habang sya naman ay bumulong saakin.

"Mahusay kana nga talaga, baka apo ko yan!" Masaya talagang papuri nito. 

"Di kapo galit?" nagtatakang tanong ko dito, kasi dapat sa ganitong sitwasyon ay may karapatan silang magalit.

"Bakit ko pa pangungunahan ang galit ng iyong ama. Panoorin mo ng maayos kung paano sya magalit, nang makilala mo ng lubos ang iyong ama." biglang naging seryosong sabi nito at ako man ay wala sa sariling napatitig sa likuran nito.

"LENA! Tapatin mo ako! Sino sa kanila ang Lapastangan na pinagbuhatan ng kamay ang anak ko?" Sigaw nito na halos ikinabingi ng ilang kawal malapit sa kanya. Ako rin ay nakaramdam ng pwersa mula rito. Kita ko rin kung pano napapikit si lena at nangngatog na ang labi sa sobrang kaba at takot sa aking ama.

"S-Si V-Viscount M-Margo J-J-Jones po senior." sabi nito at agad na napayakap sa ina habang humagulgul na sa pagiyak.

Nakaramdam na naman ako ng pagbigat ng presyon sa paligid at tila naramdaman din ito ng mga kawal kaya mabilis silang napalayo kay ama. Pinatayo narin ang mag ina at dinistansya sa senior. Ako man ay napahawak na kay lolo dahil nakaramdam narin ako panghihina dahil sa matinding pagod.

Biglang Nagdilim ang boung kalangitan kasabay nito ang pagilaw ng kanyang katawan. Nabitak narin ang lupang kinakatayuan nito at may kung anong pagboo ng kakaibang aura na pumapalibot dito, dumagungdung narin ang kalangitan sa kulog. Pinagmasdan ko ang aking ama at nagsimula akong kabahan, pero wala na atang mas kakaba sa nararamdaman ni margo na syang pinanliksikan nito ng tingin.

Nagsimula itong humakbang palapit, at mula rito ay mararamdaman mo talaga ang bigat ng paa niya dahil bumabaon ang paa nito sa sementadong daan ng viscount! Nang makalapit ay agad nya itong kwenelyuhan at Inangat nya ito ere gamit ang isang kamay na para bang napaka gaan lang nito.

"Viscount Margo jones! Pinuno ng mga sindikato, pakikipag transakyon sa droga at illegal na pag kuha ng mga alipin, Dahil sa iyong napatunayang pagkakasala laban sa monarkiya ay tatanggalan ka ng karapatan bilang isang kasapi ng monarkiya NGUNIT dahil sa ginawa mong matinding pagkakasala at nagawa mo pang pagbuhatan ang nag iisang anak kong babae. Ang iyong kabayaran ay aankinin ko ang lahat ng iyong ari-arian, mula sa negosyo at kayamanan at ikay hahatulan ng KAMATAYAN!" malakas na sigaw nito na talagang ikinatindig ng balahibo ko. Malakas ding dumagongdung ang kalangitan na para bang nakiki ayon sa galit ng aking ama.

Napakalayo na nga ng imahe na nakasanayan ko sa taong ito. Biglang nawala yung malambing nitong mukha at napalitan ng isang malamig at walang awang ugali  pagdating sa kanyang pamilya. Akala ko ay masyado lang itong mabait para sa isang membro ng monarkiya at natatakot akong gamitin lang ito ng iba para sa sakim nilang pagiisip, ngunit nagkamali na naman ako.

Gusto kong lapitan ito at patigilin pero kahit ata isang hakabang palapit ay diko magawa. Nagsimula ng magpumiglas ang viscount sa kamay ng aking ama ngunit di nya ito basta basta matitinag, malakas nya itong sinuntok dahilan para bumaon ito sa lupa at bumaon, nakita kopa kupa kung pano tumalsik ang dugo mula rito pero ang mas nakakagulat ay bigla silang nawala sa paningin ko ng dalawang segundo at nung matapos ay basag na ang mukha ng margo at puno ng dugo naman ang kamao ng duke. Rinig ko ang singhapan sa boung paligid dahil napaka brutal talaga nito ako man ay gulat na gulat sa ginawa ng aking ama at si lolo ay nanatili lamang seryosong nanonood.

Biglang bumukas ang kalangitan na para bang hinawi nito ang ulap at bumagsak mula rito ang malakas na enerhiya na parang boung kidlat at bunukusok pabaa sa katawan ng walang malay ng viscount.

wala naman na akong nararamdamang galit para kay jones kasi nakagante narin naman ako pero hindi ko pwedeng baliwalain nalang rin ang mga bagay na ginawa nito sa mga taong walang magawa para sa kanilang sarile. Oo naawa ako sa kanya sa oras na ito pero kailangan kong patibayin ng lubos ang puso ko dahil walang nakakaalam sa susunod na taong mawawala sa buhay ko.

NAGSIMULANG naglabasan ang mga masasayang memorya ko kasama ang aking ama at ina sumunod naman agad dito ang pangyayari kung saan ay makikita silang wala nang malay sa kotseng sinasakyan nila.
Bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot habang inalala ang pagluluksa ko at pagpapahirap ko noon sa aking sarile.

Pinagmasdan kong maglakad palapit ang aking ama sa aming deriksyon, nalulungkot rin akong tinanaw ang lupang binagsakan ng malaking kidlat at ni katawan ng viscount ay wala nang makikita dito, tanging abo nalamang na patuloy na bumabagsak sa lupa na minsan pay nahahawi ng hangin.

"Sa Susunod ay wag mo akong pag-aalahanin ng ganon." seryosong saad nito habang kinakalma na ang sarile.

Di ko napansin ang biglaang pamamasa ng pisngi ko, at hule na nung nalaman ka na naiyak na pala ako. Ito yung pakiramdam na parang inipon ko lahat ng emosyon at pagod na nararamdaman magmula pa kanina  at ngayon lang napagdesisyunang bumigay ng tuluyan.

"Patawad." Sabi ko. Hinayaan ko lang itong malayang tumulo, inalalayan din ako ni lolo dahil pakiramdam ko ay matutumba na ako.

Agad naman itong lumapit saakin at pinahid ng sariling kamay ang namamasa kong pisnge, sinilip pa muna nito ang mga galos ko bago tuluyang kinulong sa kanyang bisig. "Shhh tahan na, napatawad na kita, sa susunod ay Wag muna akong pinapakaba ng ganon kasi di ko alam ang ano pang magagawa ko lalo nat ayaw na ayaw kong may gumagalaw sa kahit sinong membro ng pamilya ko." Ramdam ko ang pagpigil ng hikbi nya. Di ko to pinansin at hiyaan lang ang sarile na damahin ang pag-aalala ng isang ama.

Ramdam na ramdam ko rin ang pagamamhal na pinapakita nya saamin at gusto kong sabihin sa kanya na napaka swerte ko dahil sya ang aking ama, ngunit pinangunahan ako ng hiya kaya niyakap ko nalang ito ng mahigpit.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon