Kabanata 17: Ang Payo.

4.3K 172 2
                                    

"A-Ah C-Clara?, N-Naririnig moba ako? Tang ina asan ang doktor! Dok! Dok! Dok Glad! Naku po" Natataranta nang sigaw nito habang napahawak sa buhok at di mapigil sa pag ikot sa harapan ko..

Pagkatapos kasi ng laban ay bigla nalang ako napaluhod at gulat na nagbaba ng tingin. Di ata kaya ng utak ko ang mabilis na pangyayari . Di ako makapaniwala na may mga tao palang ganito kalakas, ibig ba sabihin nun ang naganap na pagsasanay ko sa ilalim ng matanda sa loob ng dalawang taon ay basics palang?

Akala ko panaman ay may ibubuga na ako sa oras na makapasok ako sa paaralang iyon dahil nga nagsanay ako ng dalawang taon para dito,

pero nagkamali ako. Masyado lang ata ako nagpakumpyansang may mararating ako agad. Mabuti nalang at maaga pa, at di tuluyang lumaki ang ulo ko.

Napakatayog pa pala nang mga taong dapat kong harapin. Kailangan ko maging mas malakas. Napayukom nalang ako dahil sa matinding inis sa sarili.

"Clara, pasensya na.. Hoyy patawarin muna si kuya." parang niiyak narin ang boses nito. "Lagot ako kay papa nito, hoyy bati na tayoo Clara ha. Pasensyahan muna si kuya. Ayaw ko naman kasing labanan ka ng hindi seryoso. Isa yung kabastusan sa makakatunggali mo, lalo na't napag alaman kong seneseryoso mo ang mga tinuro ng lolo natin sayo." dadag nito, nanghihingi ng pasensya pero ramdam mo yung pangagaral.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang malungkot nitong mukha. Nanghihina ako natawa sa itsura nito, ang kapal nya sa ideyang pagkatapos nya akong bugbugin ay sya pa tong may ganang maging mas malungkot sakin.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya, ansakit parin talaga sa sikmura, gumaya naman ito at pinagpantay ang mukha namin.

"Bati na tayo ha!" paninigurado nito, pero bago paman ako nakasagot ay naagaw ng atensyon ko si dok glad na patakbong papunta  sa gawi namin!

"Anong nangyari, bat sigatan ka na naman binibini." kalamadong tanong nito kay sakin habang humihingal at binaling ang tingin kay Cale, nagtatanong, napakamot nalang sya at nahihiyang tumingin sa akin.

"Eh kasi dok, nagsasanay kami e." Nakatungong saad nito, napailing nalang ang doktor sa sinagot nito. Ako man ay nginiwian sya. Sanay daw pero may halong personalan!

Pinagmasdan namin ang doktor nung magsimulang umupo ito sa damuhan, kala ko magpapahinga lang sya pero may kung ano itong binigkas pero ni isang salita ay wala akong maintindihan. Maya maya lang ay bigla itong pinalibutan ng maraming bula, umikot ito sa ere na tila bay may hinuhulmang bagay kaya wala sa sariling napapatitig ako dito ng maagi.

Nagsiputukan ang mga bula at lumatad dito ang isang napakalaking Jellyfish! Literal na napapanganga ako nang mapansing lumiliwanag ito.

"Isakay muna ang binibini." kalamadong utos nito kay Cale. Nataranta naman ako kaya agad kong pinigilan silang dalawa.

"Ha! Wait.. Teka lang! Ako- sasakay sa higanting dikya?" Sabay turo ko sa jellyfish.

"May problema ba binibini?" si dok

"Meron.. Takot ako dyan!" seryosong saad ko sa kanya. At nagkatinginnan naman sila ng kapatid ko at tumingin pabalik saakin.

"Sinungaling! Nang huhuli kapa nga nyan nung bata pa  tayo sa Oceanus kahit naka kamay lang!" Sabi ni Cale, at nanlulumo ko naman syang tinignan. Grabe hinahawakan lang nila yan? Nangunguryente kaya yan!

"A-Ahh kahit na! Matagal nayon, at hindi ko na lubos maalala!" pag dadahilan ko sa kanila at muli na naman sila nagkatinginan, pero sa oras nato ay war'y nang nag uusap.

At di ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba sa kanilang dalawa. Nagsimula akong palayong umatras, naka ilang hakbang narin ako at akma na sanang tatakbo ng biglang may pumulupot saking mga galamay  dahilan para mapasigaw ako sa gulat. Mabilis rin akong binuhat ni Cale na di ko man lang namalayang nakalapit na pala sakin! At parang gulay na tinapon papunta sa dikya..



I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon