I.
“ AHH PANGET! PANGET! PANGEEEEET!"
"Hindi ako panget! Hindi ako panget!"
"Ampanget mo kaya! Ampon ka lang siguro! Hahaha. Panget na ampon pa! Pangeeet!"
"Hindi totoo 'yan. Hindi ako ampon! HINDI!"
*****
"Sisteret, batsi na akechiwa. Babush!" paalam sakin ni Trevor. Si Trevor lang naman ang maganda kong sisteret na beki. Trevor sa umaga, Tracey sa gabi.
"O sige, ingat Trevor," sabi ko.
"Sister, haven't I told you a thousand times na you don't ever-ever call me that name? That's so eewie. Nagiging lalaki ako," maarte nitong sabi with matching pilantik pa ng mga daliri.
"Eh lalaki ka naman talaga." katwiran ko. At hindi lang 'yun, isa siyang gwapong bakla. Matangkad, maputi, may katamtamang katawan. Nagkakandarapa pa nga ang mga babae sa kanya eh. 'Yung tipong kulang na lang maghubad mismo sa harapan niya, maakit lang siya. Hindi kasi siya ang tipo ng bakla na nagbibihis babae kaya mapagkakamalan mo talagang tunay na lalaki siya pwera na lang kung magsalita na siya.
"Me? Boylet? Kadirdir sis! Mahiya ka naman sa kagandahan kong pangdyosa!" dagdag pa nito sabay turo pa sa sarili.
Hay ewan.
Mapababae man siya o lalaki, gwapo at maganda pa rin siya. Eh ako?
Kahit saang angle panget. Up,down,left,right.
Ang pinakamagandang view lang siguro sa'kin ay ang back view.
"Lumayas ka na nga Tre-- este Tracey."
"O siya,siya, babush na talaga for real. Rampa na ako going to school. Bye!~" paalam nito na may kasama pang kaway. Lumakad na ito palabas ng bahay. Natatawa talaga akong panuorin siyang maglakad kasi ibang klase ang kembot ng balakang niya- parang bibe. Kulang na lang mag-'quack quack' siya.
At dahil wala naman akong pasok ngayon, maglilinis muna ako ng bahay.
Pabalik na sana ako ng kusina nang tumunog ang phone ko.
"There's gonna be one less lonely girl (One less lonely girl)
One less lonely girl (One less lonely girl)
There's gonna be one less lonely girl~"
Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at sinagot ang tawag. " Hello? "
"Oy, nasan ka na?! PUMUNTA KA NA ADKAFKALMNOPQRSTUVWXYZ.." sa sobrang sakit sa tenga ng pagsigaw ni Matthew, inilayo ko ang phone sa tenga ko. Matapos ang ilang saglit, idinikit ko na ulit sa tenga ko ang phone.
"Bakit ka ba nakasigaw?" inis kong bulyaw sa kanya.
"Eh sa gusto ko. Pumunta ka na dito. Dali." utos pa nito.
"Alam mo ba kung anong oras pa lang? Alas-dyes pa lang at ang alam ko alas-dos ang trabaho ko sa'yo.” apela ko. 10 AM pa lang gusto na niya na alipinin na naman ako.
"Wala akong pakialam. Pumunta ka na dito PANGET. Bilisan mo kung ayaw mong ipa-massacre ko kayo ng bakla mong kapatid." banta nito. Tss. Anlaki talaga ng galit nito kay Tre-- este Tracey pala. Ang init-init ng ulo.
"Oo na, pupunta na nga. Maghintay ka lang dyan." inis na sagot ko.
"Bilisan mo. 20 minutes." dagdag pa nito."20 MINUTES?! Ano ako si Darna?! Ang layo kaya ng bahay niyo mula rito." reklamo ko. Mga 45 minutes na biyahe kasi ang kailangan para makarating ako sa kanila. Kaya nga ang laki ng gastos ko sa pamasahe lalo na at ako pa ang magsusundo sa kanya sa bahay nila para ihatid siya sa school. Buti na lang talaga at malaki ang suweldo ko kundi matagal ko nang nasapok 'tong si Matthew.
"Basta bilisan mo. Wala akong pakialam kung paano ka makakarating dito basta gusto ko 20 minutes nandito ka na," utos nito sabay baba ng phone. "Tut tut tut tut."
Umakyat na ako sa taas para maligo at magbihis. 20 minutes? Mukha niya. Hindi naman ako si Wonderwoman na basta-basta susugod kapag tinawagan niya. Hindi rin ako robot na paglalaruan niya 'no. Manigas siya dun kakahintay for 20 minutes, tiyak namang aabutin ako ng more or less 1 hour.
*****
Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako ng banyo para magbihis. As usual, simpleng shirt at jeans lang ang suot ko. Kahit ano pa man din ang suot ko, panget pa rin naman ako eh. Nagsuklay ako nang konti at inayos ang laman ng bag ko nang tumunog ulit ang phone ko. Pinatong ko 'yun sa kama ko bago ako maligo. Kinuha ko naman 'yung phone.
20 missed calls.
50 unread messages.
(O____O")
Lahat galing kay Matthew. Adik ba siya? In-unlock ko 'yung phone at binasa ang mga messages.
"Panget, asan ka na?"
"Bilisan mo na nga!"
"HOY PANGET!"
"HOY!"
"NASAN KA NA NGA SABI?!"
"PUMUNTA KA NA DITO KUNDI IPAPAGIBA KO NA 'YANG BAHAY NIYO."
Tss. Talaga namang baliw 'tong lalaki na 'to. Ano ba kasing kailangan niya sa'kin ngayon at kung makapilit sa'king pumunta sa bahay nila nang maaga eh wagas-wagasan. Nilagay ko na 'yung phone ko sa bag at lumabas ng kwarto. Bumaba na ako at lumabas ng bahay namin. Naglakad ako papuntang sakayan ng bus. Mga 11 AM na siguro. Naisipan kong matulog muna sa bus kaso.
"There's gonna be one less lonely girl (One less lonely girl)
One less lonely girl (One less lonely girl)
There's gonna be one less lonely girl~"
"Hello?" sagot ko sa phone.
"NASAN KA NA BA? HOY PANGET, ALAM MO BANG KANINA PA KITA HINIHINTAY DITO. DALIAN MO NA SABI!" galit na tugon naman ni Matthew na nasa kabilang linya. Napaka-ugh. Kabwisit talaga ang lalaking 'to.
"Oo na nga. Eto na, nakasakay na sa bus. Alangan namang paliparin ko 'yung bus para makarating agad ako dyan," sagot ko.
"Tut tut tut tut." Ang galing. Matapos siyang mag-miss call kanina ng 20 times, ngayon kung kelan sinagot ko na, tsaka niya ako bababaan ng linya? Argh.
"Ahihi. Oo nga eh." narinig kong bulong ng isang babae sa kasama nito na nakaupo sa may gilid ko. Bulong pero rinig na rinig ko.
"Ang panget talaga. Hahaha." narinig ko na namang sabi na may kasama pang nakakalokang tawa.
Felicity, kalma lang. Anyway, sanay naman na talaga akong matawag na panget. Kakabit na yata ng pangalan ko ang salitang "PANGET".
"Hahahaha. Ang panget panget niya. Lalo siyang pumapanget kapag tinititigan ko siya."
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Fiksi RemajaMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...