Chapter XXXVI

6K 89 25
                                        

Chapter XXXVI


[Matthew's POV]


"Ba't ka ba kasi nagpabasa sa ulan, kuya? Ayan tuloy, ang taas ng lagnat mo." sermon ni Waffles habang pinapalitan ang basang bimpong nakapatong sa noo ko. Kasalanan ng panget na 'yon. Tss. Hindi ko naman alam na hindi niya pala ako sisiputin kaya para akong bayaning sumuong sa ulan makapunta lang sa park. Naiinis pa rin ako sa tuwing naaalala 'yon. Wala ba talagang pakialam sa'kin ang Felicity na 'yon? "Oo nga pala, tumawag sa'kin kanina si ate Felicity. Pinapasabi niyang 'di siya makakapunta ngayon pero may binigay naman siyang pointers na kailangan mong aralin para raw sa exams niyo tomorrow. Isusulat ko na lang sa papel mamaya, kuya."


Mas lalong sumama ang pakiramdam ko sa sinabi ni Waffles. Ang panget na 'yon, hindi na nga ako pinuntahan kahapon, pati ba naman ngayon hindi ako sisiputin. Tss.


"Badtrip ka ba, kuya?" tanong pa ni Waffles.

"Hindi." tipid na sagot ko.

"Sus, denial king," asar naman nito saka pinalitan ang basang bimpo sa noo ko, "Naiinis ka lang kasi 'di mo makikita si ate Felicity eh."

"Hindi nga sabi." giit ko saka tumagilid ng higa kaya naman nalaglag ang bimpong nasa noo ko pero hindi ko na iyon pinansin.

"Kuya naman eh, kakalagay ko pa lang niyan sa noo mo eh." maktol ni Waffles na nakaupo sa gilid ng higaan ko.

Kinuha ko ang puting bimpo at iniabot iyon sa kanya nang hindi tumitingin. "O, lagay mo sa noo mo."

"Pfft." sabi niya sabay kuha.


Pfft? Weird, bigla kong naalala si...Tsk! Ba't ko ba siya iniisip eh hindi niya nga ako pinuntahan kahapon kaya siguradong wala lang siyang pakialam sa'kin ngayon. Tch.


"Itigil mo nga 'yan." iritado kong sabi.

"Ang alin?"

"'Yung pff-- ah basta 'yon!"

Tumagilid ulit ako ng higa saka hinarap si Waffles. Kita ko ang paglapad ng ngiti niya. "Ayiee." asar pa niya lalo.

"Tumigil ka na nga."

"Miss niya si ate Felicity." panunukso niya.

"Hindi nga!" inis kong sabi saka tinalikuran ulit ito at tumalukbong ng kumot.

"Pfft! Pfft!" Peste, talagang nilakasan pa niya para lalo akong maasar. Tss. Tinakpan ko ang tenga ko para 'di na marinig ang mga sasabihin niya. Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto kaya bumangon na 'ko ng kama at inalis ang nakatalukbong kong kumot. Bigla kong naramdaman ang lamig, sinabi ko namang i-off ni Waffles ang aircon pero wala pa ring epekto. Tumayo ako ng kama at nahagip ng atensyon ko ang platitong may gamot at isang basong tubig na nakapatong sa sidetable. Tss, ayoko talaga sa mga gamot.


Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina para maghanap ng makakain. Pagdating ko ay agad akong sinalubong ng isa naming katulong.


"Sir Matthew, bumalik na po kayo sa taas. Mataas pa po ang lagnat niyo kaya magpahinga muna kayo." Aalalayan pa sana ako nitong maglakad pero agad ko siyang sinenyasan na pabayaan niya 'ko.

"Kakain ako." dumiretso ako ng ref at tinignan kung anong pwedeng kainin.

"Eh sir Matthew, ako na lang po ang gagawa ng pagkain niyo." alok pa ng maid.


Sinamaan ko lang ito ng tingin.


"Hindi mo ba 'ko tutulungan dito?"

"Tinutulungan naman kita eh."

"Talaga? Grabe, ramdam na ramdam ko ang pagtulong mo."

"It's called "moral support", stupid. Bilisan mo na dyan, nagugutom na ako."


"Ako nang gagawa ng pagkain ko!" pagtataas ko ng boses. Umalis na lang ang maid sa kusina.


Lintik, pati ba naman sa pagkain, minumulto ako ng panget na 'yon. Epekto yata 'to ng sakit ko. Tss. Bumalik na lang ako sa paghahanap ng makakain. Paano nga ba ulit gawin 'yung sandwich ni panget?


"Kuya." tawag ni Waffles.

"Ano?" sagot ko nang hindi tumitingin.

"Nagkita ba kayo ni ate Felicity kahapon?"

"Hindi," Lintik, pinaalala pa. Psh, ayoko na ngang alalahanin ang nangyari kahapon.

"G-Gano'n? Kasi tinawagan niya 'ko kahapon. Tinanong niya kung nasaan ka, magkikita raw kayo eh."

Napalingon ako kay Waffles. "Anong sinabi mo?"

"Sabi ko pinuntahan mo sa ospital si ate Libby," sumama ang tingin ko sa kanya, "Hehe, alangan namang magsinungaling ako, kuya. You know I hate lying."

//

[Felicity's POV]


"Ito, inumin mo muna ate bago ka magpahinga," inabot sa'kin ni Trevor ang tinimpla niyang kalamansi juice. Pasakit naman 'tong sipon na 'to, hindi tuloy ako makahinga nang maayos. Ang sakit pa ng ulo ko dahil sa ulan kahapon. Kung alam ko lang na hindi naman pala siya pupunta kahapon, sana hindi na lang rin ako sumipot. Nasayang lang tuloy ang oras ko, "Ate, ba't ka ba naulanan kahapon?"

"Nakalimutan ko kasi kahapin 'yong payong ko ta's inabutan ako ng ulan bago ako makauwi kaya nabasa ako." sagot ko saka uminom ng kaunting juice.

"Akala ko ba maaga ang uwi mo kahapon, ate?" tanong pa ni Trevor.

"Akala ko nga rin eh," sagot ko saka kumuha ng tissue sa gilid at suminga. Nakakainis na talaga ito, hirap din akong makapagsalita, "Kaso may isang halimaw ang nangulit sa'kin kahapon ta's 'di rin pala ako sisiputin."

"Si Matthew?"

"Hindi ah." pagsisinungaling ko at ininom ang juice. Halos mangalahati ang laman niyon.

"Sino?" usisa pa ng kapatid ko.

"Wala," maikling sagot ko saka inabot ulit kay Trevor ang baso. Humiga na ako ng kama at tumalukbong ng kumot. Sana lang huwag na itong lumala pa. Hindi na nga ako nakapagreview kahapon hanggang ngayon ba naman? Exams pa naman bukas. Hayy.

"Labas na 'ko ate," paalam ni Trevor at tumayo na mula sa gildi ng kama ko, "Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka."


Marahan akong tumango saka narinig ang mahinang pagsarado ng pinto.

Papikit pa lang ang mga mata ko nang makarinig ako ng malalakas na pagkatok. Kahit na alam kong galing pa iyon sa pintuan sa baba, rinig na rinig ko naman dahil sa sobrang lakas. Balak yatang pabagsakin ang pinto namin sa lakas kumatok. Sino naman kaya ang bisita... o mas mabuting bwisit-a.

Dahil masakit ang ulo ko, hindi na ako nag-atubiling tignan kung sino iyon dahil ramdam ko ang unti-unting pagkirot ng ulo ko.


Nakakailang segundo pa lang na nakapikit ang mga mata ko, narinig ko ulit ang malalakas na katok sa pinto pero tiyak kong sa labas ng kwarto ko na iyon nanggagaling. Dahil sa naiirita na ako sa ingay, bumangon ako ng kama at tinungo ang pintuan. Pagpihit ko ng door knob ay laking sorpresa ko nang tumambad sa'kin si Matthew na nakatayo sa labas ng kwarto ko. Mas nagulat ako nang mapansing nakasuot lang ito ng maluwang na baseball shirt at itim na pajama. Para bang paggising niya eh dumiretso na agad siya rito. Anong meron at bigla siyang sumulpot dito at ganyan pa ang suot niya? Dahil sa pagkabigla, hindi agad ako nakapagsalita.


"B-Bakit ka nandito?" sinubukan kong magtunog masungit dahil na rin sa kasalanan niya sa'kin. Teka, huwag mo sabihing nandito siya para mag-sorry? Eh, kilala ko si Matthew Chua, hangga't maaari ayaw niyang humihingi ng sorry kahit kanino. Pero bakit nga kaya siya nandito?

"Pumunta ka kahapon?" tanong nito. Hindi man lang niya sinagot muna ang tinanong ko. Namumutla pa ito at tila sobrang pagod.

Nilapitan ko siya at akmang hahawakan siya sa noo pero tinabig niya lang ang kamay ko, 'Sandali, may sakit ka ba?"

"Sagutin mo 'ko," naiinip nitong tanong, "Pumunta ka ba ng park kahapon?"

Napabuntong-hininga ako. "Importante pa ba 'yon? Hindi ka nga nagpakita kahapon tapos ngayon susugod ka rito sa bahay at tatanungin ako."

Pansin ko ang biglang pagbabago ng itsura ni Matthew. Para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hinintay ko ang isasagot sa'kin ni Matthew nang maramdam kong muling kumirot ang ulo ko kaya napahilot ako sa sentido ko. Nagulat ako nang bigla akong hawakan sa braso ni Matthew at puno ng pag-aalala ang titig na ipinukol niya sa'kin. "May sakit ka? Naulanan ka kahapon? Tch, ba't ka ba nagpabasa? Ba't 'di ka nagdala ng payong? Alam mo namang biglaang umuulan ngayon, stupid. Tss."


Whoa. Kaya ba siya pumunta rito eh para sermunan ako? Sino bang may dahilan kung bakit pumunta ako ng park at nabasa ng ulan? Sino ba ang nag-ayang makipagkita? Pfft.

Hindi ko siya sinagot at inismiran ko lang.


"Oyy panget, sumagot ka."

"Umalis ka na nga," pagtataboy ko. Pagkatapos kong makapagsalita, bigla na lang akong napahatsing kaya agad akong napatakip ng ilong at bibig. Nakakaimbyerna na talaga itong sipon ko.

"Kita mo na," sabi naman ni Matthew, "Nagpabasa ka pa kasi sa ulan."


Kung makasermon siya, para niya akong anak na pinapagalitan. Dineda ko lang ang sinabi nito pero nabigla ulit ako nang dumiretso siya ng sidetable at kumuha ng tissue para iabot sa'kin. Napatanga ako at napatitig sa kanya imbes na kunin iyon.


"Kunin mo na." utos nito.

Kinuha ko ang tissue at saka siningahan. Gumaan ang pakiramdam ko. Binalingan ko ulit ng tingin si Matthew. "Ba't ka nga nandito? Sesermunan mo lang ako?"


Hindi siya sumagot at tumitig lang sa'kin.


"Ano? Wala ka na bang isesermon? Kung tapos ka na, pwede ka n--" 'di ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong hinila ni Matthew saka niyakap. Hindi na ulit ako nakapagsalita. Kanina lang halos sirain na niya ang pintuan ng kwarto ko ta's sinermunan pa niya ako na parang napakalaki kong tanga, ngayon naman yayakapin niya 'ko. Nawawala na yata sa sarili ang halimaw na 'to, pabagu-bago ng iniisip.

"Thank you." Halos masamid ako sa sinambit ni Matthew. Panaginip ba 'to o talagang nagpasalamat sa'kin si Matthew Chua?

"B-Bakit ka nagpapasalamat?" maang kong tanong. Inaasahan ko na na baka niloloko lang ako ni Matthew o baka nag-iisip lang siya ng pang-aasar sa'kin pero hindi iyon nangyari. Nanatili lang siyang nakayakap sa'kin nang hindi nagsasalita. Ang mga kamay niya na noo'y nasa likuran, para bang pinaparamdam no'n sa'kin na secured ako. Nakakainis naman, dapat nagagalit ako sa kanya ngayon dahil sa hindi niya pagsipot kahapon pero heto ako at nakayakap pa siya kanya. At hindi ko pa maitangging nagugustuhan ko na rin ang ginagawa niyang ito. Nakakainis na talaga! Pero may isang bagay akong napansin.

"Teka, may sakit ka ba?" tanong ko nang hindi umaalis sa yakap.

"I'm sorry kung hindi agad ako nakapunta kahapon." Sheesh, may sakit nga talaga ang isang ito. Kanina nagpasalamat siya ta's ngayon humihingi siya sa'kin ng tawad.


Kumalas ako sa yakap at hinawakan siya sa may noo.


"Ayos lang ako." matamlay niyang sabi.

"Pfft. Humiga ka na nga sa kama at tatawagin ko si Trevor." sabi ko pero pinigilan ako ni Matthew nang palabas na ako ng pinto.

"Dito ka lang." Akala ko sesermunan niya ulit ako pero mali ako. Malumanay ang pagkakasabi niya na para iyong isang lambing.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Sige." Mula sa taas, sumigaw na lang ako para matawag ang kapatid ko. Inalalayan ko si Matthew hanggang makahiga ito sa kama ko. Tinakluban ko ng kumot ang buong katawan niya para hindi siya ginawin.


Nagulat ito nang makita kami ni Matthew na magkahawak ng kamay pagpasok niya ng kwarto.


"Ahh...Trevor, kumuha ka nga ng maligamgam na tubig at saka maliit na tuwalya," utos ko rito, "Bumili ka na rin ng gamot para kay Matthew."

"Uhm...sige ate." naiilang na sagot ni Trevor. Alam ko awkward na makita ka ng nakababata mong kapatid na may kahawak na gwapo't mayamang lalaki na nakahiga pa mismo sa kama mo pero may sakit kasi siya kaya wala itong malisya! Tahimik na lumabas ng kwarto si Trevor.

"Anong meron sa kapatid mo?" tanong ni Matthew saktong pagsara ng pinto.

"Bakit? Normal naman siya ah."

"Alam ko," sagot nito, "Pero bakit parang nawala yata ang kabaklaan niya?"

"Ah..," Iyon naman pala ang ibig niyang sabihin. Gumuhit ang nakapanlolokong ngiti sa mga labi ko, "Bakit? Namimiss mo ba 'yung maharot na si Trevor?"

"Ano bang sinasabi mo dyan?!" tanggi nito, "Nagtatanong lang namana ako."

Natawa ako. "Okay, okay. Mula ngayon, huwag mo na siyang tatawaging bakla, maliwanag?"

"At bakit hindi?"

"Dahil hindi siya bakla."

"Paanong hindi siya bakla?" pangungulit pa ni Matthew. Umupo pa siya ng kama.

"Mamaya ko na lang ikukwento," sabi ko, "Magpahinga ka na. Kailangang gumaling ka na bukas, exams pa naman. Mamaya, magrereview tayo."

"Tsk, aral na naman. May sakit na nga ako't lahat, aral pa rin ang inaatupag mo." parang batang nagtatampong sabi nito.

"Para sa'yo rin naman 'yon eh." katwiran ko. Tumayo na 'ko pero hinigit ulit ako ni Matthew kaya napaupo ulit ako sa tabi niya.

"Sabi kong dito ka lang."

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Hoy Mr. Matthew Chua, wala kang karapatang utus-utusan ako rito sa bahay ko lalung-lalo na sa loob ng kwarto at sa kama ko pa. Baka nakakalimutan mo 'yung kasalanan mo sa'kin kahapon." pagsusungit-sungitan ko.

"Anong kasalanan?" maang naman niyang tanong, "Wala akong kasalanan sa'yo."

"Tss, wala raw," bulong ko saka tinaliman ang tingin ko sa kanya, "Kahapon, pini-pressure mo 'kong makipagkita sa'yo pero ikaw itong hindi sumulpot. Ni anino mo hindi ko nadatnan. Alam mo bang mahigit anim na oras kitang hinintay?"


Saglit na natigilan si Matthew. Pfft. Dapat lang siyang maguilty sa ginawa niya. Ang tagal ko siyang inabangan pero wala naman pala. Hmp.


Napaiwas siya ng tingin at napayuko ng ulo. "Nainip ka ba?"

"H-Ha?" 'Di ko inaasahan ang tanong niya.

"I'm sorry..," mahina niyang sambit. Sa dalawang salitang iyon, naramdaman kong may kumirot sa dibdib ko, "Na-late ako ng dating."

"N-Nalate?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ibig sabihin, pumunta talaga siya? Pero...ang akala ko.., "'Di ba nasa ospital ka kahapon?"

"Pumunta lang ako ro'n para tapusin ang lahat sa pagitan naming dalawa." saad pa ni Matthew na nakayuko pa rin ang ulo.

"Tapusin ang lahat?"

"Hindi mo sinabi mo sa'kin noon na buksan ko ang puso't isip ko? Sinusubukan ko kaya tinapos ko na ang lahat sa pagitan namin ni Liberty. Mahirap para sa'king magpatawad pero gusto kong subukan."

=====================================

Author's Note:

Supposedly, dapat last chapter na 'to kaso ayaw ko muna! HAHAHAHAHAHAHAHA. Pero seryoso, next na talaga nito ay FINAL CHAPTER. I'm not sure kung kailan ako makakapag-update ulit. Siguro mga next weekend na. -- Wapols ♥

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon