Chapter XXIII

6.2K 87 11
                                    

XXIII.


"A-Ano?" napakurap muna ako nang ilang beses bago nagsimulang magproseso sa utak ko ang mga bagay na kakakwento pa lang ni Waffles. Nandito kami sa park malapit sa mansyon ng mga Chua. Nakaupo sa bench. Buti na lang at kami lang ang tao dito. "F-First love...ni Matthew?"


Tumango naman si Waffles habang nakayuko pa rin ang ulo niya. Iniangat niya iyon tsaka tumingin sa'kin nang diretso. "Kasi...ang totoo niyan."


"Bakit galit sa kanya si Matthew? May ginawa ba siyang kasalanan? Ano?" sunud-sunod kong tanong. Hindi ko alam pero gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa Liberty na iyon.

Nakakita ako ng pag-aalinlangan sa mukha ni Waffles. Iniwas pa niya ang tingin niya sa'kin.

"Waffles, please, sabihin mo sa'kin. Please?" pakiusap ko.


Sumulyap ulit sa'kin si Waffles. Malungkot ang mga mata niya na siyang nagpadagdag sa kagustuhan kong malaman ang tungkol sa Liberty na iyon. "Sila ni kuya Cloud... nagkaroon kasi sila ng relasyon noon kaya nagalit nang sobra si kuya Matthew sa kanilang dalawa."


"Cloud?" napaisip muna ako nang saglit. At saka halos matulala ako nang mapagtanto ko kung sino ang 'Cloud' na iyon. "Si Skye? Skye Cloud? 'Yung kuya niyo?!"

Tumango naman si Waffles. Nanikip naman ang dibdib ko nang sumagot si Waffles. Nagkarelasyon sina Skye... at ang Liberty na 'yon. "Pa'no...Paano.."


"More than two years ago na iyon. Sobrang inlove kasi si kuya Matthew kay ate Libby. Sobrang close din sila sa isa't isa kaya mas napamahal lalo sa kanya si kuya. They almost grew up together. Hindi mo matatawag na childhood sweethearts sila since... si kuya Cloud ang gusto noon ni ate Libby. Kaya nang malaman ni kuya Matthew ang relasyon nila, sobrang nagalit siya sa kanila. Nag-rebelde siya. He changed a lot." malungkot na kwento ni Waffles.


"Pero...pa'no mo nalaman ang lahat ng iyon? 'Di ba sa Korea ka tumira?" nagtatakang tanong ko.


"Yes. Pero alam ko kung gaano nagdusa si kuya noon. Lahat ng bagay, kinukwento niya sa'kin. Kahit ang mga bagay na hindi niya masabi sa iba miski kina papa at mama."


"Bakit bumalik 'yung Liberty? 'Di ba sabi mo nagkausap kayo? Bakit daw siya pumunta ng Pilipinas?" punung-puno ng mga katanungan ang utak ko. Kailangan ko ng mga kasagutan.


Napatingin naman sa kawalan si Waffles. "Ang sabi niya..ang totoong mahal daw niya ay si kuya Matthew."


Parang may kung anong tumarak sa dibdib ko sa narinig ko. "Hindi pwede 'yon!" napatayo pa ako mula sa bench. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko pero ang alam ko, mali 'yun. Maling-mali.


"Huh?" maang na tanong ni Waffles na napatingin pa sa'kin.


"K-Kasi..." Bakit Felicity? Bakit nga ba? Bakit ka nagagalit? "Kasi..di ba, nagkarelasyon sila ni Skye tapos ngayon mare-realize niyang si Matthew ang mahal niya. At saka di ba sabi mo, two years na mula nang mangyari 'yon. Bakit ngayon lang siya nagpakita kung totoo nga ang mga sinasabi niya? Bakit ngayon lang?"


Napayuko na lang ulit si Waffles. "Hindi ko rin alam. Siguro may sariling dahilan si ate Libby. Sa nakita ko sa kanya kanina, mukhang totoo 'yung mga sinasabi niya. Umiiyak pa siya sa harap ko."


"Hindi!" bigla na lang akong napasigaw. Hays. Parang may sariling utak itong bibig ko. Alam kong ikinagulat iyon ni Waffles. "Ah..pasensya na. S-Sige, alis na ako Waffles, bye."

Mabilis na akong naglakad paalis ng park. Naglakad ako pabalik ng mansyon ng mga Chua. Kailangan kong bumalik doon dahil naroon pa ang mga gamit ko. Pinagbuksan naman ako ng maid nila. Pagpasok ko ulit ng mansyon, walang katao-tao sa sala maliban sa maid na nagbukas sa gate.

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon